Part Five

7.4K 145 3
                                    

Inayos niya muna ang sariling gown bago siya pasimpleng bumalik sa loob ng salas kung saan bumabaha pa rin ang alak at ang mga pagkain. Makikita rin ang mga kalalakihan na nag uumpukan at maging babae na nagpapagandahan ng mga gown. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pinto para umalis na ng biglang bumulaga sa kanya ang lalaking nakausap niya kanina lang.

''Hi there..I thought umalis ka na..Kanina pa kasi kita hinahanap".nakangiting wika nito sa kanya kaya naman lumabas ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ipin na halatang alagang alaga.

''Yeah,paalis na sana ako..Bakit mo pala ako hinahanap kasi uwi na ako eh".simpleng sagot niya rito bago humakbang papaalis ngunit hinawakan nito ang kamay niya na naghatid sa kanya ng kakaibang kiliti.

"Wait...forgive me kung mukha akong namimilit..I just thought you really like wine..I have something here that you can taste if you want...".anito sabay abot sa kanya ng isang kopita na may lamang red wine.

"And what made you think na iinumin ko yan? Malay ko ba kung may party drugs kang nilagay diyan..".nakataas ang kilay na wika niya rito.

"No!!! I'm not that bad...I just wanna know your thoughts about it...Tingin ko kasi you're really good when it comes to wine..".ani ng binata na tila napahiya sa sinabi niya.

"I'm not an expert when it comes to wine, Even tho I used to drink when I want to relax...Actually it seems they liked it...Look at the other guests, you can really says that they loved it..".

"Ahhmmmm I just want your opinion sana...Don't worry harmless naman ako.".anito sabay kamot sa batok nito at ngiti na parang asiwang asiwa.

Napabuntunghininga siya dahil sa kakulitan nito kaya naman kinuha niya na lang ang wine at ginalaw galaw at bahagyang nilanghap ang aroma nito.

"Hmmm....Masarap ang lasa..Cabernet Franc?".

"Exactly!!! I knew it!! My God...Sabi ko na nga ba maalam ka sa red wine eh..".

"I just know... Everytime na nasa France ang mother ko,ito palagi ang gusto niyang iniinum...".aniya.

"Really?? Wow...I can give you my business card...If you want to try my wine, you can give me a call anytime..".anito sabay kapa ng bulsa nito.

Habang busy ang binata sa paghahanap ng business card nito ay naglulumikot naman ang tingin ng dalaga. Kita niya na nagbubulungan na ang mga security at tila may hinahanap. Batid niyang si Mr.De dios ang hinahanap ng mga iyon kaya kailangan na niyang umalis bago pa man nito makita ang bantay ng amo.

"Maybe you can give it to me next time? I am in hurry, umaatake na naman ang migraine ko...I have to go..".paalam niya sa binata sabay lakad papalayo rito.

"W-wait....Anong pangalan mo?".habol sa kanya ng lalaki ngunit agad itong nahawakan ng isang lalaki at napigilan.

"Andito ka lang pala kuya..Come with me...Ipapakilala ko sayo si Ditas...Yung girlfriend ko remember?? halika..".ani Connor sa nakakatandang kapatid.

"Ha? Teka sandali may ibibigay lang ako dun sa babae".ani ng binata ngunit hindi na niya nakita ang babae dahil sa dami ng tao na masayang nagkukumpulan at nag iinuman.

"Where is she?".buong panghihinayang na wika ni Clark habang palinga linga ngunit tuluyan na niyang hindi nakita ang dalaga.

Samantala nagmamadali din si Jamie sa paglabas lalo na ng makita niyang unti unti ng naalarma ang mga security sa pagkawala ng amo nila at ang iba ay pasimple ng naghahanap.

Agad niyang tinawagan si Ashton para ihanda ang sasakyan paglabas niya para makaalis sila agad sa lugar na iyon.

"Hi gentlemen..".malambing niyang wika sa mga guard na nakaposte sa gate ng makalapit siya sa mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lady Assassin (COMPLETED) #Watty2017Where stories live. Discover now