"Hoy Althea?" Biglang naputol ang kanyang pag muni muni ng mag salita ito. "Akala ko ba ipapasok na natin to sa loob? Kanina kapa nakatulala sa ganda ko. Tara na sa loob."

Pinisil niya ang tungki ng ilong nito saka sabay nilang binuhat ang washing machine sa loob.

"Jade mag bihis ka aalis tayo." Bulong niya dito

"Bat may pa bulong bulong kapa?"

"Alangan naman sumigaw ako? Baka kasi maka estorbo kay tatay bz siya oh." Nguso niya sa ama na tutok na tutok sa pinapanuod nito.

"Sige na mag bihis kana, dun na tayo kakain sa labas."

"Eh pano si tatay?"

"May pagkain na dito dala ko. Sa susunod naman isama natin siya. Ok lang ba yun?"

"Aba si tatay tanungin mo."

"Naririnig ko kayo." Singit ng kanyang ama. "Sige na kayo na lang makaka storbo pa ako sa date niyong dalawa. Mabuti yan Althea ilabas labas mo din yang si Jade at wag puro pag susungit ang ibinibigay mo."

"Tay naman eh." Lumapit siya dito saka niyakap sa ito sa likod.

"Pagalitan mo nga yan tay, di mo alam minsan ugali niyan parang pinag lihi sa sama ng loob." Ani ni Jade

Sinimangutan naman niya ito. "Mag bihis kana kaya kung ayaw mong mag bago isip ko." Nakangusong sabi niya dito. "Yung damit mo suotin mo ah. Andami kong labahan panay suot mo sa mga damit ko."

Ewan niya pero gustong gusto nitong isuot ang kanyang mga damit pambahay saka pantulog. May mga dala naman itong mga damit at di hamak na mga branded pa kesa sa mga damit niya.

Maya maya pa ay bumaba na ito ng hagdan. Napakunot naman ang noo niya sa suot nito. Naka tank top lang ito na pinaresan ng hindi man lang umabot sa tuhod na palda. "Ano ba yang suot mo?"

"Bakit? Akala ko ba lalabas tayo?"

"Lalabas nga tayo, hindi ka mag sasayaw sa bar. Mukha kang sa gigilid na mga babae sa suot mo. Magpalit ka nga."

"Ang arte mo ah." Napilitan naman siyang mag bihis. Pinili niyang suotin ang hanggang sakong na palda at hindi na niya pinalitan ang kanyang pang itaas.

Ngayon niya lang nalaman kung gaano ka conservative pag dating kasuotan. Lage kasi siyang naka uniform pag nag kikita sila kaya di ata nito alam na mas daring pa ang mga isinusuot niya pag si Sally ang kasama.

"Ano ba yan Jade, hindi naman tayo mag sisimba. Palitan mo yan."

Tiningnan niya ito ng masama saka padabog na pumanhik siya sa taas para mag bihis. Sinuot niya ang kanyang maong na pantalon saka pinaresan ng plain white tshirt. Wala siyang dalang rob ber shoes kaya kinuha niya ang lumang converse nito. Itinali din niya ang kanyang lagpas balikat na buhok saka bumaba ng papag.

"Mas maganda ka sa ganyang ayos. Tara na?"

Sinimangutan niya ito. This is her first date na mukhang mamalengke lang. Gusto pa naman niya magpaganda sa harap nito. Yung tipong parang sa pelikula na pag baba ng hagdan ng babae ay halos malalaglag ang panga ng lalaki dahil sa gandang ganda ito sa kanya.

Kay Althea? Wala nag iwas lang ito ng tingin parang napilitan pa sa kanyang porma. Maya maya pa ay nag paalam na sila sa tatay nito.

+++++++++++++

Nag ikot ikot muna sila sa mall binilhan din siya nito ng mga damit pambahay kahit ayaw naman niya. May dala naman siyang damit pero mas comfy kasi sa kanya ang isuot ang damit nito dahil feeling niya ay yakap yakap niya ito palagi.

Gugma (COMPLETED)Where stories live. Discover now