Chapter 25

5K 278 184
                                    

Napakunot noo siya ng makita ang kahon sa labas ng bahay. Anong ginagawa ng kahon sa labas?

Hindi ba binuksan ni Jade?

Anak ng teteng. Napakamot naman siya sa kilay. Sumaglit muna kasi siya sa palengke at namili na rin ng mga kailangan sa bahay. Maaga siyang nag abang kanina na mag bukas ang mall dahil sa balak niyang sorpresa kay Jade. Pero mukhang siya pa ang masusurpresa dahil hindi naman pala nito binuksan oh tiningnan man lang ang laman ng kahon.

Naabutan niya ang ama at si Jade sa salas. Ang kanyang ama naman ay naka headset at may kung anong pinapanuod sa laptop ni Jade. Ang babae naman ay nasa salampak sa sahig at nag aaral.

"Aherm!" Tawag pansin niya sa mga ito dahil mukhang hindi siya napansin ng dalawa na pumasok.

Hindi naman siya narinig ng kanyang tatay dahil nakatalikod at naka headset pa. Nag angat ng ulo si Jade saka parang de guma na biglang lukso at mabilis na nakalapit sa kanya. Saka ipinalibot ang magkabilang braso sa kanyang leeg at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.

"Ang aga mo ata? Hindi ka ba nag tinda ngayon?"Tanong nito habang naka palibot parin ang braso nito sa kanyang leeg. Naaamoy pa niya ang mabangong hininga nito dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Animoy para silang nag sasayaw sa kanilang hitsura. Nakahawak naman sa bewang nito ang kanyang kanang kamay, habang ang kaliwa ay hawak hawak ang iilang supot na pinamili niya.

Hinapit niya ng mas malapit sakanya ang bewang nito saka binigyan ng mabilisang halik sa labi. Tutugon pa sana ito ngunit bigla siyang nag iwas at natatawang tumalikod dito para asikasuhin ang mga pinamili.

"Ang daya mo naman!" Nakasimangot na sabi nito.

"May delivery sa labas bakit hindi niyo binuksan?"

"Hindi namin na tanong kung kanino galing e. Kaya hindi na namin binuksan, sabi kasi ni tatay baka kung ano ang laman niyan."

Anak ng tinapa. Napakamot nanaman siya ng kilay.

"Lika tingnan natin anong laman."

"Baka may bomba diyan Thea."

"Ano bang bomba pinag sasabi mo? Lika na nga." Hinila niya ito palabas.

Sinimulan niyang buksan ang kahon. Si Jade naman nakatingin lang sa kanyang ginagawa.

Nang mabuksan na at tumambad dito ay nanlaki ang mata nito sa nakita. Saka ito bumaling sa kanya ng nag tatanong na tingin at kumpirmahin kung galing ba sa kanya ang washing machine na nasa kahon. Bahagya siyang tumango dito. Maluha luha namang lumapit ito sa kanya saka inangkin ang kanyang mga labi kahit may mga taong nakatingin sa labas.

Bahagya niyang inilayo ito "Nagustuhan mo ba?"

Tumango lang siya kay Althea at hindi alam kung iiyak oh matatawa dahil sa napaka practical na regalo nito. Pero sobrang na appreciate niya. The last time her dad gave her a new car ay hindi naman siya ganito kasaya. Bakit ngayon ay sa napaka simpleng washing machine ay gusto niyang mag papadyak sa tuwa? To think na mas mamahalin na washing machine meron sila sa bahay.

Ikinulong niya sa kanyang dalawang palad ang mukha nito. "Thank you."

Isang halik sa noo naman ang ibinigay nito sa kanya.

"Tara ipasok na natin to sa loob. Ah Jade pag nag laba ka, damit mo lang labhan mo ok? Wag muna isama yung mga damit ko."

"Bakit naman? Eh mas makakatipid nga tayo kung sabay ko labhan damit natin. Saka yung kay tatay."

"Ako na mag lalaba sa damit ni tatay Jade wag kana makulit."

Mag bibigay na siya ng day off sa sarili para naman may time silang dalawa ni Jade. Hindi na muna siya mag titinda pag araw ng linggo. Para matulungan din niya si Jade sa pag lalaba nito. Hindi kasi siya pwedeng basta mag babad sa tubig araw araw dahil mag hapon siyang babad sa mantika. Baka mapasma lang ang kamay niya. Pero sisikapin niyang ipaglaba ito, ayaw niyang nakikitang nahihirapan ito dito sa gawaing bahay dahil alam naman niyang lumaki ito sa marangyang pamumuhay.

Gugma (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt