Chapter 13

5K 283 36
                                    

Mag aalas dose na at wala parin si Althea. Hindi naman niya ma kontak si Batchi. Ngani nganing gisingin niya ang tatay ni Althea at magpasamang sunduin si Althea. Wala talaga siyang tiwala sa Wela na yun baka kung saan saan na nito dinala si Althea. Hindi pa naman niya ito nakitang uminom, pero sabi nga ni Batchi na mahina ang tolerance nito sa alcohol. Saka mag aalas dose na, gustuhin man niyang lumabas at hanapin ang bahay ng Welang yun, natatakot naman siya dahil may mga tambay sa labas iba pa naman ang mga tao sa ganitong lugar. Umakyat siya sa papag para makapag palit ng damit. Sanay naman siyang mag suot ng damit nito. Katunayan tuwing dito siya natutulog ay damit nito ang suot niya. Hindi naman siguro ito magagalit oh kung magalit man wala na itong magawa suot na niya e. Hindi kasi siya sanay mang hingi ng sorry kaya dinadaan na lang niya sa effort. Alam niyang kaya niyang palambutin ulit ito at uumpisahan na niya ang panunuyo dito ngayon. Marami na din siyang sinayang na araw, hindi rin naman kasi siya maka porma dahil nauunahan siya ng hiya. Idagdag pa ang walang emosyon nitong tingin pag nakikita siya.

Natigil siya sa kakaisip ng marinig ang pag bukas ng pinto. Alam niyang si Althea na ito, kaya maingat na pumasok siya sa kulambo at nag tulog tulogan. Mukhang lasing nga ito at may kung anong tinutula oh kinakanta ito.

🎶🎶Geh buhat ko na ang tanan
🎶alang sa gugma mo

🎶usa ka libo ug usa ka panamilit
🎶usa ka libo ug usa ka pang hupaw

Ano daw? Mukhang lasing nga ito. Ngayon nga lang niya ito narinig kumanta basag basag pa. Pero unfairness ganito pala ito malasing ang cute. May iba kasi na nag hahanap ng away. Narinig niyang tumatawa ng mahina si Batchi mukhang lasing din ang isa.

"tsyong magpah tulog kanahh hooy tuleg na she tatahy vaka magishing sha boshesh mong falaka." Haha

"Batch shenger to noh mhag audition ako sha tawag ng taghalan sheshekat akho. At fag nagkah fera na akoh hidhi na ganuhn ka baba tingin ni Jadey shakin."

Narinig niyang biglang pumiyok ang boses nito. Saka marahang pag singa. Alam niyang umiiyak ito at hindi na niya masyadong maunawaan ang ibang sinabi nito. Naaawa siya dito at gusto niyang kastiguhin ang sarili sa mga masasakit na salitang binitawan niya dito. Gusto niyang bumaba at harapin ito at humingi ng tawad. But not now, Althea's too drunk para pag usapan ang ganuong bagay. Narinig niyang nagpaalam na si Batchi, narinig niyang pumasok ito sa banyo at maya maya pa ay narinig niya ang pag akyat nito sa ilang baitang ng hagdan. Nang maka pasok ito ay hindi naman siya nito napansin dahil nasa ilalim siya ng kulambo at dahil dim light lang ang ilaw sa papag. Pero mas kita niya ito sa labas ng kulambo, nakita niyang kumuha ito ng damit pantulog at walang ano anoy nag hubad ito sa harap niya. Buti na lang at may kulambo, bigla siyang pinag pagpawisan ng malapot ng makita niya ang kahubdan nito. Lumaki siyang magkasama sila ni Sally at kahit nag huhubad siya oh ito sa harap niya ay hindi naman siya nakakaramdam ng ganito. She feel some heat forming in the lower part of her body. Mabilis siyang nag tulog tulogan ng matapos na itong mag bihis at pumasok na ito sa kulambo.

+++++++++++

Patulog na siya ng marinig ang boses ni Wela sa baba. Narinig niya lahat ng pag uusap ng mga ito. Nahiya pa siya ng tawagin siya nitong baby Althea sa harap pa man din ni Jade. Gusto niyang bumaba at magpaliwanag dito na hindi naman naging sila ni Wela. Pero oo nga pala galit siya dito kaya bakit pa siya mag aaksayang magpaliwanag kung ano man ang pinag gagawa niya sa buhay. Inaya siya ni Wela na mag haponan sa bahay nito. Hindi naman siya makatanggi dito pag bigyan na lang din niya total kararating lang din nito. Wala pa rin itong pinag bago vocal na vocal parin ito sa nararamdaman nito sa kanya. Dati pa naman itong hahabol habol sa kanya. Tumigil lang ito nuong malaman nito na sila na ni Kathleen. Saka niya nabalitaan na nag japan na ito. Ilang taon din ito sa japan, marahil nabalitaan na nitong wala na sila ni Kathleen kaya bumalik nanaman ang pangungulit nito sa kanya. Pero malinaw niyang sinabi dito na wala talaga itong pag asa sakanya. Kaya yung mga harot harot nito sakanya, alam niyang pang aasar lang nito iyon sakanya. At bago siya lumabas ng bahay ay sumulyap muna siya kay Jade nakita niyang naka simangot at halatang nag seselos ito. Gusto niyang matawa sa reaction nito, kahit papaano nabawasan naman ang hinanakit niya dito sa mga nagdaang araw. Hindi naman kasi ito humingi ng tawad sa kanya kaya hindi niya alam kung naniniwala na ba ito sa kanya na hindi sila mag kasabwat ni Alden.

Gugma (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara