Kabanata 1

319 4 0
                                    

Huli huli akong pumasok sa room ng professor ko. Dahan dahan akong lumapit sa may pintuan.

Para dumungaw kung nasa loob na ba siya. Ngumiti nalang ako at tiningnan ang aking wrist watch medyo late ako ng 5 minutes. Pero ayos lang dahil wala naman si Prof dito.

Bumuntong hininga ako at pumunta saaking upuan, ako nalang ang ntitirang late sa klase ang mga blockmates ko ay pinagtitinginan ako at may bulong bulongan akong naririnig galing sakanila.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at binuksan ang aking libro.

"Introvert siya, she doesn't like to socialize" anang ng nasa unahan kong babae , tiningnan ko siya, medyo kulot ang itim na buhok niya.

Tumigil ang mga nagbubulong bulungan at nakita kong bumusangot ang iba at lumayo nalang.

"They will never stop" rinig kong sabi niya at tumingin ito saakin, siyang si Alana Marie iyong sikat dito sa buong Campus, galing siya sa mayamang pamilya, maganda ang kutis niya sobrang puti niya, friendly rin siya sa iba.

Nagtango nalang ako , at nginitian niya ako.

"She just want to be friends with that girl" angal ng iba. Hindi ako umimik dahil nandito ako para mag aral ng mabuti. Para naman si Mama ay maging Proud saakin. Iyon lang sapat na.

"Anong pake niyo kung gusto ko?" Sabi ni Alana. Ngumiwi nalang ako, i know she's trying to defend me but these people will never stop.

Hanggang dun lang sila, wala silang alam saakin, that's why they're attacking me. 

Wala naman akong ginagawa sakanila. I dont know their reason's and im not planning to know it.

Magsasalita sana ang babae , i dont know her from the start pero napigilan ang pagsalita niya dahil pumasok na ang Prof. Nakinig nalang ako at nag jot down ng notes malapit na ang finals , malapit na rin mag semestral break, makakauwi ako sa bicol para makita si Mama. Ngumiti ako don.

"Tingnan mo para siyang tanga" turo saakin ulit ng babae. Hindi ako umimik pa. Pagkalabas ng prof ay lumabas na rin akl para gumala sa canteen wala akong kaibigan dito.

2nd year na ako sa kolehiyo. Wala akong oras makipag kaibigan sa iba. Nadala ako, akala ko noon madaling lumipat at makipag kaibigan sa iba, akala sobrang dali lang.. mali pala iyong inexpect ko. Akala ko lahat ng bagay madali lang, madaling kalimutan at paltan ng bago.

Sa pag graduate ko nanng highschool naranasan kong maiwanan, naranasan kong mag isa, kahit na takot na takot ako, kinailangan kong makipag usap, para hindi ako mag mukhang tanga, para makapasa. Ang laking pagkakamali ko noon ay dahil pinagkatiwalaan ko ang mga taong iyon tapos ang ibabayad lang pala saakin ay paghulog nila saakin pababa.

Naging mailap na ako sa tao, i cant trust anybody.

"What do we have here?" Mapang asar na sabi ng lalaki at kumunot ang noo ko, kumunot din ang noo niya saakin , nagtarawanan ang mga kaibigan niya sa likod , ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. 

Nakapula siyang jacket at white t-shirt, naka itim na pants at vans oldskool. Hanggang ngayon nakakunot ang kanyang noo saakin tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ng mahigpit ang aking libro.

Iiwas na sana ako ng hilahin niya ang aking braso. Kinilabutan ako roon, ramdam ko ang kuryenteng tumama saakin gawa niya. Pero ano yun?

"P-pwede bang bitawan mo na ako?" Nahihiyang sabi ko at tumungo , tiningnan niya ako at tinaas ang aking baba, nakakamatay ang mga titig niya kaya umiwas ako.

what the hell?

"No.. we're going to play" nakakaloko niyang sabi, nagpupumiglas ako, ayaw niya parin akong bitawan.

One Night With My BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora