Kabanata XXXV

Magsimula sa umpisa
                                    

"After you finished eating, get dressed darling okay? We'll bond together! Sasama din si papa mo sa atin of course."

"Eh si Dark po?"

"He'll be in his hospital,"

"Ahh, magbibigay po ng service?"

Tumalim bigla ang tingin sa akin ni Dark kaya tinaasan ko siya ng isang kalay.

"Ba't ganyan ka makatingin?"

"Wala," wika niya pero nakaismid naman.

Tumawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ako para maligo't magbihis. Excited na ako, hindi dahil sa aalis kami, kundi dahil alam kong matinding kasiyahan ang maihahatid sa akin ng family bonding namin na 'to.

"Talaga po bang nagta-trabaho si Dark sa sarili niyang ospital?" Tanong ko kina mama't papa nang nasa sasakyan na kami. Si papa ang nagmamaneho habang nasa tabi niya si mama, ako naman ay nasa backseat.

"Oo anak," nakangiting sagot sa akin ni mama.

"Baka naman siya lang ang owner, ma? Pero hindi po talaga siya nagta-trabaho do'n?"

Tumawa si mama, "He really is working in his own hospital-- hospitals I mean. Paiba-iba kasi siya ng office, depende kung saan siya mas kailangan."

"Wow, ang yaman naman pala talaga ni kuya. Buti nandyan po kayo para tulungan siya."

"Oh no, believe me darling, he built his hospitals on his own, with his own money and with his own hardwork. Hindi siya tumanggap ng kahit anong tulong sa amin, kahit noong mga panahong nag-aaral siya. Lahat ng meron siya ngayon, ay pinaghirapan niya."

I was left speechless. I didn't know that. Pero may isa pa akong hindi ko rin alam.

"Ano pong trabaho niya?"

Hindi na nakasagot si mama nang tumigil na ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas ay narating na namin ang isang sikat na mall. Bumaba na kami at nagsimulang magbond together.

It was indeed a wonderful day. Hindi lang kami sa mall nagpunta, kumain din kami sa isang sikat na restaurant at nagtungo sa isang park na katabi ng dagat kaya naman napaka-mesmerizing ng view. Habang naroon ay kumain kami ng mga streetfoods na talaga namang kinatuwa ko, kahit pala mayaman ang mga magulang ko ay kumakain din sila ng ganoong klaseng pagkain. Sabi pa nga ni mama ay paborito niya iyong isaw, si papa naman ay ang kwek-kwek. Nakakatuwa lang.

"There's your brother's hospital,"

Napalingon kaagad ako sa tinuro ni mama. Nakaupo kami sa isang bench dito sa park at kumakain pa rin ng streetfoods ng sinabi niya iyon.

"Gusto mong malaman ang trabaho niya, hindi ba? Punta ka roon anak, dito lang kami ng mama mo. Sumabay ka na sa kuya mo sa pag-uwi, magde-date lang kami nitong sweetie ko. Baka gumawa na kami ng panibagong kapatid niyo ni Dark-- aww!"

Natawa ako ng hampasin ni mama si papa sa dibdib. Namumula pa ang mukha ni mama, para silang mga bata.

"Sige po ma, pa, punta na po ako kay kuya."

"Sige anak, mag-iingat ka."

Humalik sila sa akin bago ko nilakad ang ospital na sinabi ni mama. Malapit lang iyon kaya madali ko lang din narating. Kaagad akong nagtungo sa reception desk.

"Uhm, may I know where Dark Vergara is?"

"Do you have an appointment with him, ma'am?"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon