╰69th Catch╮

3.7K 145 18
                                    

Honestly, she's starting to feel tired, yet she stubbornly pushes through. But with her attempts to restrain herself from drifting away, her body finally surrendered.

"Okay lang. Nandito naman kami. Atsaka kailangan mo ring magpahinga kahit papano." Paniniyak ni Pearl sabay ngiti nang bahagya.

Ginantihan niya rin ito ng ngiti.

Kilala niyang may pagkamataray rin si Pearl, subalit hindi siya nakaramdam ng pagtataray mula rito simula nang maaksidente ang ate nito. Ganonpaman ay hindi siya nito masyadong iniimik, maliban ngayong gabi.

"Kamusta si Lara?" Tanong niya sabay baling sa direksyon ng natutulog na kasintahan.

For God's sake, new year na! Bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising? Lihim niyang reklamo.

"Wala pa rin, Arq. Sumubok ulit siya ng test kanina pero wala pa ring malinaw na paliwanag si Dok kung kailan talaga magigising si ate." Punong-puno ng kalungkutang tugon ni Pearl.

Para na naman siyang maiiyak. Pakiramdam niya ay nagkukulang na sa hangin ang kanyang baga at wala na siyang maibubuga pa. Napakagat-labi isiya. Hindi ganito mag-uumpisa ang taon para sa kanilang dalawa ni Lara. Hindi ganitong sakit ang iindahin nila buong taon. Gising na dapat ito ngayon. Nagsasaya sana sila sa pagpasok ng panibagong taon. Matatamis na ngiti at hindi pagluha ang dapat na reaksyon sa kani-kanilang mga mukha.

Subalit paano?

Her eyes well up as she attempts to stride towards Lara. It seems like she resembles a walking corpse, devoid of feeling yet her body persists with vitality. She can't feel her feet on the ground as she goes along.

Namamanhid na siya.

Hanggang sa unti-unti niyang nararamdaman na tila ba lumilipad na siya sa alapaap sa mabagal na paraan, at tanging naging alingawngaw na lamang ang pagtawag ni Pearl sa kanyang pangalan.




"ARQUI..."

Pagdilat niya ng mga mata'y namulatan niya ang kakambal na si Heathe sa kanyang tabi. Otomatikong lumibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid, hanggang sa napagtanto niyang nakahiga pala siya sa isang kama.

Sinubukan niyang bumangon subalit kaagad din siyang bumalik sa paghiga nang biglang makaramdam ng hilo. At doon na niya napansin ang suwerong nakaturok sa kanyang kamay.

"You collapsed. I told you to take care of yourself, didn't I?" Heathe stated, concern laced her tone.

Instead of answering her sister, she counter-asks, "Where is Lara?"

"She's in the other room. In the meantime, Arqui, please, think about your health!"

Heathe must be torn between frustration and concern, apparent in the way she speaks.

A frown of vexation forms on her face as she directs her gaze towards her sister. "You should know better, Heathe. Nang mawala si Ayen sa'yo, di ba ganito rin naman ang naramdaman mo?"

Subalit ang totoo ay hindi naman siya naiinis sa kanyang kapatid kundi sa kanyang sarili. Hindi niya matanggap na bumibigay na ang kanyang katawan. Hindi siya maaaring manghina.

Muli niyang sinubukang tumayo subalit pinigilan na naman siya ng kapatid. Lalo lamang siyang naiinis dahil ramdam niya ang panghihina.

"What the fvck, Heathe? Let go of me!" She screamed while struggling to break free.

She finds herself on the brink of a meltdown, unable to suppress the turmoil raging inside her.

Heathe reaches her breaking point, her voice raised in a desperate plea. "Rogue! Please, just listen!"

Once her sister refers to her by her true name, it's a clear indicator that she's indeed mad.

"No! You listen to me! Just.. just let me go! Kailangan kong puntahan si Lara!"

"What are you trying to do with yourself, Rogue? Fvck! After my situation, here you are right now! Trying to kill yourself as well? God!"

Muli niyang tiningnan nang masama ang kakambal. Magsasalita na sana siya nang makarinig siya ng pagtikhim. Kaagad siyang natigilan matapos mapalingon sa isa pang taong kasama nila sa silid.

"Heathe, l-lalabas lang ako..."

It's Ayen. And she feels embarrassed for acting up in front of her.

Matapos tumango ni Heathe bilang kompirmasyon ay mabilis din namang nawala sa kanilang paningin si Ayen. Kung hindi lamang masama ang loob niya ngayon, siguradong mayayakap niya ang dalaga sapagkat sabik siyang muli itong makita. Wala siyang gusto kay Ayen, sadyang sobrang naging malapit lamang sila noon sa puntong parang ito na ang kapatid niya kaysa kay Heathe. Natutuwa siyang muli itong makitang kasama ng kanyang kapatid.

As soon as the door closes, she subsequently cools down. Unfortunately, her rage turns into tears all of a sudden. 

Napahagulhol na lang siya sa inis dahil wala siyang ibang magawa sa ngayon. Nanghihina siya. Naitakip niya ang mga palad sa mukha.

"Arqui.." Heathe uttered gently while caressing her arm.

"I can't... I can't lose her, Heathe. Naiintindihan mo naman, di ba?" Humahagulhol niyang pahayag. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan.

"I know. Trust me, you won't lose her. We just have to be more patient for now. And Lara, she won't leave you. Believe me." Her twin sister encouraged.

Ilang minuto pa niyang hinayaan ang sarili para umiyak nang sa gayon ay mabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman. Habang pinupunasan niya ang luha sa mga mata'y bigla na lamang niyang nadama ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Wala siyang ibang naisip kundi si Lara.

Nagsalubong ang tingin nilang magkapatid na para bang naramdaman din ni Heathe kung ano ang naramdaman niya. Sa pagkakataong iyon ay mukhang hindi nito inaasahan ang pagtayo niya kaya napaatras ito at muntik pang matumba nang hindi sinasadyang maitulak niya. 

Saglit pa siyang natigilan nang maramdamang may nakaturok pa sa kanyang kamay na suwero. Walang pagdadalawang-isip niya iyong hinila para tuluyang matanggal. Wala siyang pakiramdam sa pagdugo ng kanyang kamay, sa katunayan nga ay wala siyang naramdamang sakit.

Pagbukas niya ng pinto ay nagkagulatan pa sila ni Ayen nang sila'y magsalubong. Subalit bukod sa gulat ay napansin din niya ang pangamba sa itsura nito.

Behind Ayen, a doctor and several nurses are seen scrambling to reach somewhere. As her eyes follow them, she realizes that they are rushing towards Lara's room.

Her breath almost falters when she walks to her girlfriend's room. The more she progresses, the more elusive the door becomes, slipping further away with each stride.

God, no!

◈◈◈

Caught by a Beast [GxG]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ