"Malaki na pala tong inuupahan mo girl eh." sabi ni Tisay habang nililibot ang paningin dito sa loob ng apartment ko.

" Oo, medyo malaki na rin to para sakin."

"Eh di lagi si Jillian dito?"

"Huh? Uhhhh Oo, minsan dito siya tumatambay."

"Eh natutulog din ba siya rito?"

"Hmm?"

Ang dami namang tanong ni Tisay.

"Kung dito siya natutulog."

"Ah Oo, minsan dito, pag naisipan niya."

"Uuuuyy, eh di lagi kang puyat niyan? Kaya pala ang puti ng kutis mo. Hiyang ka."

Ano daw?!

Ano namang kinalaman ng kutis ko sa pagpunta ni Jillian dito? Ang gulo niya ha!

"Gusto mo ng juice or tubig na malamig?"

Pag-iiba ko sa usapan. Mukhang lumilihis na yong mga tanong niya eh.

"Uh tubig na lang girl."

"Okay, wait mo na lang ako diyan."

Tumayo na ako saka ako kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pag balik ko nakatayo na si Tisay at napansin kong nakatingin siya sa mga nakasampay na damit namin sa tabi ng banyo.

"Di ba mga Jersey ni Jill yon girl?"

"Hmm? Ah Oo."

"Ikaw naglalaba?"

"Oo minsan ako ang naglalaba, pag naiiwan niya dito."

Jusko lahat na lang tinatanong sakin ni Tisay pati paglalaba!

"Para na pala kayong mag-asawa. Nakakainggit."

Halos mabitawan ko tong hawak kong baso at pitsel sa sinabi niya.

"Mag-asawa? Uy hindi ah. mag-Gf lang kami."

"Ano ka ba! Ganon na rin yon. Nagsasama na kayo sa iisang bubong tapos pinagsisilbihan mo pa siya. Eh di mag asawa na ang tawag don."

Ang daldal talaga ng Tisay na to! Pati yon napapansin niya.

Ibinaba ko na lang tong pitsel at baso dito sa center table. Eksakto namang palapit na si Tisay at umupo dito sa sofa. Binuksan ko muna yong TV para habang nagpapahinga manunuod kami.

"Girl may tanong pala ako?"

"Hmm? Ano yon?" 

Nagsalin na ako ng tubig sa baso saka inabot sa kanya.

"Pano pala kayo nag-a-ano?"

Napakunot noo ako habang umiinom ng malamig tubig.

"Anong nag-a-ano?"

"Ikaw naman, yong ginagawa ng mag-asawa sa gabi. Alam mo na yon!" nakangiting tanong niya sabay tapik sa braso ko.

"Ginagawa ng mag-asawa?"

Bigla na lang nag-init ang mga pisngi ko.

"Curious lang ako girl eh, nagkakacrush ako sa girl pero wala akong idea kung ano ginagawa nila pag nagsosolo na. Alam mo na yon!"

"Naku hindi ko alam! Tumigil ka nga Tisay kung anu-anong tinatanong mo!" agad kong sagot saka yumuko. Kunyare may hinahanap akong magazine sa ilalim ng center table, pero ang totoo iniiwasan kong makita ni Tisay ang mukha ko dahil baka mahalata niya yong pamumula ko.

Tama ba kasing itanong pa niya kung paano kami 'nag-a-ano' ni Jillian pag nagsosolo kami. Jusko!

"Eto naman! Matatanda na tayo kaya pwede na nating pag usapan yan. Wag ka ng mahiya girl!"

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now