Ang lambot ng labi ni Ennis..

Tinulak niya ako ng kaunti palayo sakanya. Ano ka ba Jam! Mali ang ginagawa mo. Di mo dapat siya hinalikan. Nakakahiya. Pero, anong magagawa ko? Biglang nag urge ang feeling ko na gusto siyang halikan e. 

"Sorry Ennis" ayan nalang nasabi ko.

Tumayo siya pero napansin ko na parang may mali dahil sa lakad niya, at tama nga ang hinala ko. Bumagsak siya sa sahig kaya agad kong kinuha si Ennis at dinala sa sofa. Anong nangyari sakanya? My sakit ba siya? Nilagay ko ang kamay ko sa leeg at noo niya pero hindi naman siya mainit. 

Pumunta akong taas para katukin sina Kuya at Alina.

"Anong nangyari?" tanong ni Alina na hinihimas himas ang ulo ni Ennis. Andito na kami sa may sala.

"Biglang siyang nahimatay e." sabi ko.

"Ano ginawa mo haa?" yung tono ni kuya parang tanga, as if naman my ginawa ako sakanya. Wala naman e. Tch. Hinalikan ko lang naman e.

"WALA." I Said.

"Alina, pabayaan nalang natin siya magpahinga, magigising din yan mamaya. Ikaw jam, bantayan mo ang pulso niya. Pag ayan nawalan ng hininga, ikaw ang isusunod ko." banta sakin ni Kuya. Kaya umuo naman agad ako. 

Umalis na sila kuya at eto ako binabantayan si Ennis. Hinawi ko ang buhok niya at malas lang ni Raffy dahil pinapabayaan ang katulad niya. I kissed her forehead at tumabi sakin. Mukhang wala atang tulugan ito. 

--

Minulat ko ang mata ko, umaga na pala. Pero teka bat parng ang sikip sa sofa. Inikot ko ang sarili ko at nakita ko si Jam natutulog sa tabi ko. Saka lang nag flashback sakin ang nangyari kagabi, hinalikan niya ako sa labi at bigla akong nawalan ng malay. 

Gumalaw galaw ako pero mukha yatang nagising ko si Jam, masama pa naman pag nagigising siya. Lumingon siya sakin at ngumiti pero after nun tumayo siya dala dala ang foam niya. Mukhang inaantok pa siya at dun na sa kwarto niya matutulog. 

"Ennis you're awake na." Salubong sakin ni Aaron pero ako nakahiga pa rin. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko e.

"Where's Alina?" i asked to him.

"Nasa taas pa. She's still sleeping." he said at humiga sa kabilang sofa, nagpapasoundtrip. 

Inaalala ko naman si Raffy. I picked my phone to look if may text siya, pero napunta lang sa disappointment. Wala nanaman siyang text sakin. I'll start my day nanaman na sad ako! Lagi nalang akong malungkot. 

Napatigil ako sa sarili ko ng may maramdaman akong kakaiba. Kakaiba na masama! Hindi ko alam pero agad akong napapunta sa may lababo.

Sumusuka ako pero wala namang lumalabas, pero nasusuka talaga ako. Feeling ko babaliktad na ang sikmura ko ngayong umaga.

Nararamdaman kong may nag tatap sa likod ko. Si Aaron. 

"What happened to you? Ok ka lang ba?" he said. I just nodded, di ako makasalita dahil nagmumumog ako.

After kong magmumog, pinunasan ko ang mukha ko at humarap kay Aaron.

"Iba na yan. Buntis ka ba?" diretsang tanong niya sakin na napapako sakin s kinatatayuan ko. Buntis? Ako? Imposible naman. Parang ang bilis naman ata? 

"Baliw ka talaga. Masama lang pakiramdam ko." I said sabay lakad papuntang sofa, ganun din siya. 

Gising na rin ang mga tao sa bahay ngayon, anong oras na din naman kasi. Si Alina kakababa lang din niya. Si Tita naman nagluluto pa, hindi ko alam ang niluluto pero mukhang masarap dahil sa amoy. 

Lumapit sakin si Alina at niyakap ako. "Ok ka na?" she asked.

"Yes by! Im fine." sabi ko at ngumiti sakanya. Nakayakap pa rin siya sakin, kaya naiirita ako usually yayakapin ko rin siya ng mahigpit e. Pero ngayon, para gusto kong ikalas ang pagkakayakap niya sakin, dahil gusto ko ginawa ko.

Sakto namang inaya na kami ni Tita kumain kaya hindi masyado halata na inalis ko talaga. Nauna na kaming kumain nila Aaron at Alina, mamaya nalang daw sina Tita sasabayan si Jam pagkagising.

"Mauubos mo ba yang kanin mo? Parang Mt. Everest na yan ah." sabi sakin ni Aaron.

"Hayaan mo, gutom e!" sabi ni Alina.

"Dahan dahan lang Ennis." wala akong pakialam sa mga sinasabi nila dahil kumakain ako! Gutom ako. Gutom na gutom. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pagkagutom e. 

Sasandok pa sana ako ng kanin para dagdagan ang kinakain ko pero pinigilan ako ni Aaron! Kaasar siya ah! Ugh. "Ubusin mo muna yan!" sabi niya sakin kaya sinunod ko naman siya. Kain lang ako ng kain dahil nagugutom ako. Bulalo nga pala ang niluto ni Tita.

Tumayo ako sa para kumuha ng toyo, suka at kalamansi. Inilagay ko sa platito at bumalik agad sa upuan. 

Isinawsaw ko ang beef doon at sarap na sarap ako. Pinaghahalo ko pa ng sabay ang sabaw at ang ginawa kong toyo & suka with kalamansi. Ang sarap! 

"Masarap?" asar na tanong sakin ni Aaron pero ang mukha niya nandidiri sa kinakain ko. Problema niya? Amp.

"Oo, try mo" sinawsaw ko ang beef sa toyo&suka with kalamansi ko. At inabot sakanya, nung makain na niya halos maisuka niya sa lababo iyon. Ang sarap naman e.

"Alina, gusto mo?" sabi ko kay Alina at mabilis pa sa millisecond ang pag iling niya sakin. Edi wag problema ba nila. Basta ako kumakain ako ng masarap! 

After naming kumain, lumabas kaming tatlo para alam nyo na. After kain, Yosi. Ang layo pa ng nilakad namin dahil hindi pwede sa malapit baka may makakita samin.

Nang makabili na kami, at nagyoyosi na sa harap ng tindahan. Kinuha ni Aaron ang yosi ko. Nakaka limang hits pa lang ako at tinapon na niya ang sakin. Ano bang problema niya?

"Tama na yan." tinapon na rin nila ang yosi nila. 

Anong problema nun? Pero bago kami makabalik sa bahay nila, nagpabili ako ng sampung hany. Nasa bahay kasi ang wallet ko, hindi ko naalala dahil sobrang excited na mag yosi after kumain. Umupo ako sa sofa at biglang sumagi sa isip ko ang tanong ni Aaron kanina, "Buntis kaba?" posible pero..

Imposible talaga dahil ang bilis naman..

A/N: Sunod sunod na ang update ko :)) Sana magustuhan nyo! :) NAGBIBIGAY PO AKO NG CHANCE PARA GUMAWA NG ISANG CHAPTER sa PAGHIHIGANTI ni Ennis. :) Sana sumali kayo :) Ayun lang po. Last update na ito. 

Next time nalang ulit ang update. :) 

VOTE COMMENT AND BE a FAN

Lover's Revenge (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon