AWOTH SPECIAL 3: A Whisper to his Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

      “HEZEKIAH FORD!” Dikit ngipin at nagigigil na tawag niya sa basahan habang tinitiris niya ito sa lupa nagbabakasakaling nararamdaman iyon ni Hezekiah.

 

      “So that’s how you treat someone you love?”

 

     Napatigil si China at mabilis na hinanap ng mga mata niya bugbog sa puyat at iyak ang pinanggalingan ng boses. Hezekiah stood a few meters away; he leaned comfortably on a panel near her with arms tucked on his jeans as if he was comfortably there for quite some time now.

     The only thing that confirmed her deduction was the way how he tucked his lips in to hide his smile.

 

     His head twisted trying to coax her for an answer.

     Hezekiah obviously heard her confession earlier.

 

      “Oo! GANITO AKO MAGMAHAL. Nakakamatay!” sinipa ni China sa gilid ang kawawang basahan bago niya iniligtas ang pride niya.

     Taas noo at nakahalukipkip na inatake niya ito. “O ano nauntog ka na? 24 oras pa lang bumigay ka na? Miss mo na ako? Binabawi mo na ang diborsyo? O tama ako diba? Hindi mo kaya ng wala ako-“

 

 

      “I forgot to tell you why I want a divorce.”

 

     Napakagat si China sa labi niya dahil muhkang ilang segundo na lang gaya ng mga biktima ng salvage  pupulutin na sa kangkungan ang puso niya.

 

 

----------------------------------

 

 

 

      “Ano masarap ba ang luto ko?”

 

     Hindi napigilan ni Hezekiah na ibaba ang kubyertos na hawak niya sa tanong ni China.

 

     Hindi makapaniwalang tinignan niya ito dahil tinatanong nito kung masarap ang tocino na kinakain niya. Natural masarap iyon dahil gawa iyon ng isang pamosong kompanya pero kung makatanong ito sa kanya animo inaangkin nito ang resulta ng lasa ng tocino na iyon. Buti sana kung homemade iyon pero hindi. Siya nang ang nag-de-frost dito at nagprito.

 

 

     Masayang pinagmasadan siya nito habang nakapatong ang baba nito sa pinagsalop nitong kamay sa ibabaw ng mesa. Hindi ito kumakain gaya niya, kuntento lang ito na nakaupo sa tapat niya habang pinagmamasdan siyang kumain.

 

      “O! Ba’t mo ako tinititigan?” She flicked her lashes exaggeratedly  “Nagagandahan ka sa akin? Thank you!”

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon