Chapter 5: A Moment to Remember

24.8K 374 27
                                    

     “Heath.”

 

 

     Nilingon ni Heath ang pinanggalingan ng boses.

 

 

     Si Lizbeth Soberano, ang kaloveteam niya magmula noong nawala si Venice. Hindi niya kayang magtrabaho kasama ito noon pero natutunan din niyang makisama dito. He was too preoccupied then with loneliness when Venice went on her own way. Lizbeth waited for him patiently.

 

 

     Nawala ang milyong solidong fan base nila ni Venice at napalitan iyon ng fanbase nila ni Lizbeth. Naramdaman din siguro ng milyong fans ni Venice na iniwan sila sa ere ng idolo ng walang sapat na dahilan kaya madaling nakalimot ang mga ito. May mangilan ngilan ding natira ngunit halos burado na sa alaala nila na minsan may isang Venice Manuel silang inidolo at minahal.

 

 

     Lizbeth now held the crown that Venice once owned.

 

 

      “Liz.”

 

 

      “Buti ka pa nakabakasyon.” Pangaasar nito. Tinutukoy nito ang bakasyon niya sa Barcelona.

 

 

     Napangiti lang si Heath. Patuloy niyang binasa ang script niya habang sinamahan siya nitong umupo sa isang tabi ng set nila. They were doing their latest project together, isang teleserye. They were about to film a scene together that day. Si Lizbeth ay gumaganap bilang isang nawawalang tagapagmana at si Heath ang magiging personal bodyguard na naghahanap dito. Eventually the characters were to fall for each other.

 

 

 

      “Sabihin mo nga. Sino ba yung kasama mo sa Barcelona?”

 

 

 

     Ilang milyon din ang nagastos nila ng manager niya para lang gawing blur ang muhka ni Venice sa mga tabloid na nagkalat noong nakaraang linggo. Halos hindi mamatay ang isyu pero naisip ng manager niya na gumawa pa ng isang isyu para matakpan ang balitang may kasama siya sa Barcelona. He dated Lizbeth with her consent. All the media swarmed over the news like flies. Ilang beses siyang humingi ng paumanhin sa mabait na si Lizbeth dahil ginamit niya ito para matakpan ang isyu na kinasangkutan niya sa Barcelona. She complied without any complains and like a professional actress she acted normal and happy during the whole date.

 

 

      “Hmm… Dapat hindi ka na naglilihim sa akin. We are dating diba?” pilyang biro nito ng hindi siya sumagot. He smiled back at her.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat