Dumating na si Coach Danny kasama si Karla at sinabihan na si Maine na umuwi na lang muna para makapagpahinga. Excused muna siya sa training ngayon at bukas. Sinabihan din siya na magpacheck up in case sumakit ulit yung ulo niya.

"Mauna na kami, Poks," sabi nina Kevin sa amin. "Kami na bahala dito kay Gio."

"Hoy, kaya ko umuwi mag-isa no."

"Sus, isasabay ka na nga!" sabi ni Paolo sa kanya. "Di ka naman namin kikidnapin."

Napailing na lang ako nung makita kong hinampas ni Gio sina Paolo at Kevin. Mag-aasaran lang tong mga to mamaya sa daan. Nagpaalam na sila sa amin habang si Maine inaalalayan ko papasok sa infirmary.

"Saglit lang ha?" sabi ko sa kanya pagkaupo niya sa couch. "Kukunin ko lang yung mga gamit mo."

"Nasa locker yung gamit ko, RJ," sabi niya sa akin. "Sasamahan na lang kita."

"Kaya mo ba?"

"Oo naman. Okay na ako, promise." sabi niya sa'kin sabay ngiti. "Tara na."

Pagdating namin sa locker room, nagpunta agad si Maine sa locker niya para kunin yung mga gamit niya. "Diba sa 0716M ka, RJ?" narinig kong sabi niya sa'kin habang kinukuha niya yung mga gamit niya. Nakaupo ako sa may couch sa tapat ng locker niya habang hinihintay siya. "Baliktad pala lockers natin."

"Paanong baliktad?"

"0716F kasi ako. 0716M ka naman. Dapat sa akin yung sa'yo kasi Mendoza ako, Faulkerson ka naman," tumingin siya sa'kin, yung mga mata niya parang may sinasabi. "Magpalit kaya tayo?"

"Seryoso ka?"

"Oo naman no! Ano? Palit tayo ngayon?"

Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Ginulo ko yung buhok niya saka ngumiti. "Bukas na. Iuuwi na muna kita."

•MAINE•

"'Meng! Anong nangyari sa'yo?"

Sinalubong kami ni Ate Niki sa gate pagkatapos kong magdoorbell ng ilang beses. Nakalimutan ko kasi yung susi ko kaya kinailangan ko pang magdoorbell.

"May bukol ka oh!" sabi niya sa'kin pagkaupo ko sa couch sa sala. Si RJ naman, tumabi sa'kin. "Nauntog ka ba?

"Hindi ate, natamaan ako ng bola kanina sa training. Pero okay na ako."

"Sure ka ba?" tanong niya sa'kin. "Dadalhin kita sa ospital, sabihin mo lang."

"Ang OA mo naman, ate. Okay lang talaga ako. Oo nga pala, si RJ pala, ate," sabi ko sa kanya. "Kaklase ko."

"Good afternoon po, Ma'am."

"Uy grabe ka naman sa ma'am, para kay nanay lang yon," sabi ni ate Niki kay RJ. "Ate Niki na lang," ngumiti si RJ sa kanya. "Salamat sa paghatid dito kay Menggay ah? Pasensya na, lampa kasi to minsan eh."

"Hoy ate!!! Grabe siya!!!"

Nakita kong natatawa lang si RJ sa amin tapos tumayo na siya. "Mauna na po ako, Ate Niki. Hinatid ko lang po talaga si Meng dito sa inyo. Baka kasi... matamaan ulit ng bola," sabi niya habang nakangisi. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray naman, Meng!"

"Hmp. Wag ka kasing nang-aasar."

Tinawanan lang nila ako ni Ate Niki. Hay nako, nagkasundo pa sa pang-aasar. Buti na lang wala pa sina Kuya Nico at Coleen. Baka magsama-sama pa sila sa pang-aasar sa'kin.

"Mamaya ka na umuwi, RJ. Magmeryenda ka muna. Teka, kukuha lang ako ng makakain. Sakto, nag-bake ako ng chocolate chip cookies. Hintayin niyo na ko dun sa garden para mas maaliwalas."

Lumabas na kaming dalawa papunta sa garden. Hindi na muna ako nagpalit kahit gusto ko na kasi feeling ko hulas hulas na ko. Nahihiya kasi akong iwan si RJ mag-isa.

Nakaupo na kami sa may swing nung lumabas si Nini, yung chow chow ko saka si Maya, yung siberian husky namin.

"Aww babies! Tara dito dali!" tawag ko dun sa dalawang aso ko. Kaso hindi ako pinansin, dumiretso agad kay RJ. Mga walangya. Pinagpapalit na ata ako ng mga aso ko.

"Mahilig ka din pala sa mga aso?" tanong sa'kin ni RJ.

"Oo eh. Regalo kasi nina nanay si Maya, si Nini regalo ni Ate Niki. Ikaw ba?"

"May aso din ako, siberian husky din. Lalaki."

"Ay talaga? Anong name?"

"Globie," sabi niya sa'kin habang nakangiti. "Ganito na rin siya kalaki."

"Hala gusto ko makita!"

Umupo kami sa swing habang nilalaro yung mga aso ko. Dumating si Ate Niki na may dalang chocolate chip cookies saka iced tea. "Meryenda muna kayo," sabi niya sa amin. "Iiwan ko muna kayo kasi may gagawin ako sa taas. May inuutos si nanay." sabi niya tapos umalis na rin siya.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong ni RJ sa'kin habang kumakain. Yung mga aso ko naghabulan na dito sa garden.

"Apat kami, panganay namin si Ate Niki. Tapos si Kuya Nico, si Coleen tapos bunso ako."

"Bunso ka pala?"

"Yup. Ikaw ba?"

"Pangalawa ako eh. Yung kuya ko, tapos si Mary saka si Angel, yung bunso namin," kinuha niya yung phone niya saka pinakita yung picture nilang magkakapatid. "Ito oh."

"Hala, ang cute naman ni Angel! Kamukha mo siya," sabi ko sa kanya. "Parehas kayong may dimple."

"Baby namin yan eh."

"I assume you're closest to her? Mukha ka pa namang protective kuya."

"I am, yes," sabi niya. "Protective naman ako sa kanilang dalawa ni Mary. Kailangan, babae kasi eh."

"Ang sweet mo naman na kuya," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin, labas na naman yung dimples. Hay. Nakita kong hinawakan na naman niya yung kaliwang tenga niya na medyo namumula na.

"Protective naman ako sa lahat ng babaeng special sa'kin," sabi niya habang nilalaro si Nina, pero nakatingin sa akin. "Kasama ka na dun."

Natawa ako sa sinabi niya sabay hampas sa braso niya, "Grabe siya," sabi ko na lang. Pero sa totoo lang, tinatago ko lang yung kilig ko.

Tawa lang kami ng tawa sa isa't-isa nung marinig namin na nagri-ring yung phone niya. Sinagot niya na muna yung tawag habang ako nilalaro sina Nini and Maya.

Kumakain ako nung lumingon si RJ sa'kin. "Uhm, Maine. Mauna na akong umuwi. Hinahanap na kasi ako ni Angel kasi magpapatulong daw sa homework niya."

"Ay, sige. Ihahatid na kita."

Tumayo na kami tapos naglakad papunta sa gate. Si Nini nakasunod talaga kay RJ, tapos lumalapit sa kanya sabay dinidilaan yung bandang legs niya.

"Salamat sa meryenda, Meng," sabi niya sa'kin.

"Uy thank you din sa paghatid. Sobrang naappreciate ko yun," sabi ko sa kanya. Si Nini talagang humahabol sa kanya, parang baby.

"Gusto atang sumama ni Nini sa'kin," sabi ni RJ. Ginulo-gulo niya yung balahibo ni Nini sabay bumulong dito. Hala, bumulong siya talaga! Kapag sumagot si Nini tatakbo talaga ako. "Alis na ko ha?"

"Sige, ingat ka pauwi!"

Pumasok na ko sa bahay nung makita ko si Ate Niki na pababa sa hagdan namin. "Nasaan na si RJ?" tanong niya sa'kin. May mga dala dala siyang papeles, papunta ata siya sa office nina nanay.

"Umuwi na ate, hinahanap na daw kasi siya nung kapatid niya."

"Ahh," nilapag niya sa table yung mga papeles saka lumingon sa akin. "Manliligaw mo ba yon?"

"Ate hindi ah!"

"Sus, if I know gusto mo din siyang manligaw."

Naglakad na ko paakyat sa hagdan nung sinagot ko si ate, "Wish ko lang, ate. Wish ko lang." sabi ko na lang habang nakangiti. Hay, RJ.

***
A/N: Unbeta'd, again! Medyo malapit na tayo sa aminan portion, kalmahan niyo lang mga betty hahahaha. Leave a comment for your thoughts about the chapter or tweet me, I'm @fymaichard 😊

Your UniverseWhere stories live. Discover now