Chapter XIII- Where I Belong

6.4K 121 2
                                    

(inspired ako ni ate tesh ngayon kaya mag-uupdate ako! ang saya-saya ko naman. dumadagdag ang watty family ko^o^ && umaapaw pa sa ka-cute-an ang bago kong ate!!! kaya dedicated tong chapter na to sa kanya [^_~])


*GILBERT'S P.O.V.*

Ang sakit ng ulo ko habang nag-ddrive.

Pano ba naman hindi sasakit ang ulo ko e, sinabunutan ako ni Clarisse?

Eh halos lahat pa yata ng parte ng katawan ko may pasa e. Binugbog ako in other word. Pero I deserve it.

Ngayon na-klaro ko na sa kanya ang lahat, wala na ang inhibitions na panindigan si Denise.

Tch. Siya naman nga kasi talaga ang mahal ko. 

Sa totoo lang, parang nabura lang lahat ng nararamdaman ko kay Clarisse.

Hindi dahil sa nabibigay sakin ni Denise yung pangangailangan ko kundi siya talaga ang tinitibok  ng puso ko.

Hindi man nga lang siya nawawala sa isipan ko e. Kaya it's better this way. Habang maaga, nagawa ko na ang pinaka-mabisang solusyon- ang sabihin ang tunay kong nararamdaman.

Mas maigi na 'to. Sa sitwasyon naman namin, talagang may masasaktan. Pero, at the very least, konti lang yung damage dahil hindi ko na hinayaang tumagal pa ang problema't mas marami pang masaktan.

Kahit naman kasi piliin ko si Clarisse, babalik at babalik rin naman ako sa piling ni Denise e... at walang makapag-babago nun.

Pumasok na ako sa subdivision nila at hinanap ang bahay ni Denise. Kelangan ko siyang makausap. Kailangan na kailangan.

Ngayon ko tatapusin ang sakit na nararamdaman niya. Kasi....

mas pipiliin ko siya.

Mas pipiliin ko ang babaeng mahal ko kesa sa babaeng pinipilit ko lang na mahalin.

Sabi nga nila, hindi masarap ang manggang hinog sa pilit. Kaya ngayon, mas pipiliin ko ang makapag-papasaya sakin.

*ding**dong*

"Ah, manang..."

"Good evening po sir, si Maam Denise po ba?"

"Ah, opo sana, nasa loob ba siya?"

"Sabi niya wag raw paiistorbo e."

"Manang please... kelangan ko lang talaga siyang kausapin. Aalis lang naman ako agad pag nag-insist siyang huwag akong papasukin. Please manang?" puppy eyes

"Ay jusme naman kasi kayong mga bata kayo! Oh, sige na nga, pasok na. Hayyy. Nasa bar siya ngayon. Naku naku. Wag mo nang sasaktan ang alaga ko ah? Pag yun sinaktan mo, ako mismo ang pupugot ng ano mo!"

Please, Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon