Huwag mo akong alalahanin. Okay lang talaga ako. Walang problema. Walang mali.
Lahat, maayos.
Hindi naman kita hinintay eh. Hindi ako naghintay na replyan mo ako. Wala. No hard feelings. Hindi naman kita kinakailangan eh.
Bwiset!
Ganyan ka ba talaga? Kakausapin mo lang ako pag may kailangan ka? Alam mo, hindi mo rin naman ako masisisi kung lalayuan kita eh. Kung hindi kita pansinin, o hindi kita kibuin, that's my way of saying and making you feel kung ano man ang ginagawa mo, ninyo sa akin!
I needed you. All of you! Kayong lahat! Specially nung mga oras na pasan ko ang lahat at ako ang nasa spot, kinailangan ko ang tulong at suporta ninyo na inasahan ko kase nga mga "kaibigan" ko kayo.
Na kaibigan kita. Mali ba ako? Ha? Ako ba nga masyadong nag overestimate sa kung ano man ang mayroon tayo?
Ako lang ba ang nagmamahal dito?
Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na nandyan ka naman ... na hindi mo ako iniwan at iiwan.
Sabihin mo, masama ba akong kaibigan?
