Dear Jay,

8 2 0
                                        

Kumusta ka na?

Haha.

Ang weird nuh? I mean, dati hindi naman kita tinatanong kung kumusta ka na.

Eh pano ba naman, halos araw araw kitang kasama? Since elementary, kasanggang dikit kita. Kapag may aasarin tayo, laging epic. Tayo yung Jay-Joseph na tandem na laging sakit sa ulo ng mga teachers natin nun.

Naalala mo pa ba si Mam Angie? Yung adviser natin nung Grade 5! Diba ang sungit nun.

Walang araw ang lumipas na hindi tayo pinagbantaang pag uumpugan ang ulo. Walang araw na hindi niya tayo sinubukan paghiwalayan ng upuan.

Eh panay kase ang tawa naten sa kilay nyang di pantay at lipstick niyang parang maga ang kulay.

Tapos yung mga mata niya? Naks. Haha. May nakikita pa kaya yun sa kapal at laki ng eyebags niya?

Madalas din ang paglilibkt natin sa barrio nun. Pag malapit na ang pista, tumatakas pa tayo para lang makapaglaro ng video game.

Syempre, ikaw taya! Haha. Madalas ikaw lang nagbabayad. Ako taga laro lang. Pero di naman lagi! Haha. Nagbibigay din naman ako minsan. Hehe.

Alam mo kase na magkano lang baon ko, at since naka abroad na ang tatay mo, nakakaluwag luwag na kayo. Kumusta na pala si Tito Rudy?

Dumating ba siya nung gumraduate tayo ng elem? Pasensya na ah. Hindi ko na natanong kase mangiyak iyak ako nun. After ng valedictory speech ko, diba lumapit ako sa yo, sabay sabi na "Mamimiss kita."

Namiss kita nun, bro. Hehe. Buti nalang pareho lang ang high school na inenrollan naten. Kaba pa nga ako nun kase diba meron meron na kayo? So, baka sa private school ka na mag aaral.

Buti na lang hinde. Kaya tuloy pa rin ang kalokohan naten. Ang dami mong chicks nung high school!

Pangit mo lang.

Ako naman yung good boy na studies first ang motto. Alam mo naman sina Mama. Haha.

Kahit na medyo nagbisyo ka na nun, at hindi talaga kita mapigilan, panay parin ang bilin at buo pa rin ang tiwal ng mama mo, si Tita Gina, sa akin.  Kase alam nila na hindi naman kita pababayaan. Kilala rin naman nila ako.

Alam din nila na mas mabait ako sayo! Hahaha.

De joke lang.

Ang lupit mo nuh? Pareho pa tayong nag BS Agricultural Engineering.

Crush mo ko nuh? Hahaha.

Kung di lang kita tropa ng pagkatagal tagal, siguro pinaghinalaan na kita. Well, sa gwapo ko ba namang to.

Imagine the possibilities. Haha.

Moment of truth ... employment.

Nagturo ako. Ikaw naman "medyo" nagtambay ka muna.

More like parang tinatamand ka pang magtrabaho.

Dalawang taon ... apat.

Wala ka paring trabaho.

Madalas pa rin naman tayong magkita, pero di na kasing dalas nung dati.

Medyo napadalas din ang pag iinom mo, kase nga ang dami mong free time.

Tapos ... ayan.

Ayan. Hindi ko akalaing magkakaganyan ka.

Jay, bakit?

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now