Dear Ex,

16 3 0
                                        

First off, hindi ako nakikipagbalikan.

Hindi rin ako lasing.

Hindi na rin kita mahal, kaya huwag ka nang mag assume jan.

Well, may chance, pero malabo na. Meron ka nang iba.

Ang sweet niyo nga eh. Bagay kayo. Promise, hindi ako bitter.

Sana hindi naman siya magselos dahil dito. Hindi naman kita nilalandi or whatever.

Gusto ko lang ng makakausap.

Gusto lang kitang makausap. Namimiss na kasi kita.

Shit. Teka lang ah? Namimiss kita in a way na namimiss ko yung mga conversations natin. Yung late night calls na tinatyaga natin kahit nung hindi pa tayo at nililigawan mo pa lang ako.

Nakakamiss kase meron akong mapagshesharean ng mga hinanakit ko, ng mga thoughts ko. I mean, yung makikinig ka talaga kahit na wala nang katorya torya ang dinadada ko. Anjan ka lang, steady lang. Tibay mo nun. Hehe.

Naeenjoy ko dati yung mga kwento mo sa basketball. Lagi mong ipinagmamalaki na mas magaling kang magcross over kay TJ kasi nga parang nililink siya lagi sa kin ng mga classmates natin.

Ang cute mo rin pag nagseselos ka. Haha.

Naalala mo nung JS Prom at natsempo na kapartner ko si Rence? Tapos ikaw naman si Kat. Halos manuntok ka na nun sa selos kase nga tayo na nun, kabago bago nga lang, at napakaprotective mo saken.

"Walang hawak hawak sa baywang ah?" pinagbantaan mo pa si Rence nun, eh ang liit liit lang kaya nun (kaheight ko, kaya nga pinagpartner kami eh) tapos ikaw naman napakadumbo mo. Halos ayaw na nga akong isayaw nung tao eh! Hahaha.

In a way, naenjoy ko yun. Honestly.

Kase I felt na napakaconcerned mo saken. Alam mo naman na introvert ako diba? Sa dami ng mga kwento ko sayo, malamang ilang beses ko nang nasabi sa yo na wala akong best friend kase literal akong anti social.

Swerte mo nga kase ikaw lang talaga ang parang kasakasama ko nun eh. Boring ako nuh? Hehe. Kaya wala akong matatawag na kaibigan. Well, ikaw lang.



Then ... yung breakup. Mahabang istorya.

Ang daming nangyari, ang dami kong sinabing masasakit nung gabing yun, sa harap pa mismo ng gate ng bahay namin. Iyak ka lang ng iyak.

Ang laki mong lalaki. Ang lalaking mga biceps at napakalapad na shoulders, umiiyak sa harap ng pandak na babae alas nuebe ng gabi habang tahol nang tahol ang aso namin.

Naiinip na siguro si Panda (yung aso namin) kakahintay sa atin para pumasok kasi ilang oras na tayong nakatayo dun.

Pero wala yung inip niya sa sakit na dinulot ko sayo nung gabing yun, at meron man akong mga pinagsisisihan, ayos lang kasi alam ko naman na you are getting better and better these days.

Alam ko na kahit na hindi ako parte ng mga pangarap mo, ay magiging mas maayos ang kalagayan mo. Na mas maganda nang ganito tayo, parang wala lang.

Not even friends.

Para malinaw kung saan ako pupwesto.

Para sumaya ka, kase deserve mo.

Binitawan kita hindi dahil isa kang masamang tao, isang ipinagbabawal na bisyo, o isang pusang walang ginawa kundi magreklamo. Hindi ka rin kulangot.

Hinayaan kitang kumawala sakin para malaman ko kung magpupumiglas ka bang bumalik sa piling ko ... which is something na hindi mo ginawa.

Handa na ako para sa yo.

Pero since ganyan talaga ang buhay, hindi naman araw araw Pasko, mangyayari talaga ang mangyayari.

Hindi ka para sakin.

Hindi rin ako para sayo.

Hindi ko isinusulat to para makipagbalikan.

Hindi rin ako lasing.

Well, mahal pa rin kita. Swerte mo. Pero mas mahal ko yung konsepto ng "ikaw" na totoong masaya DAHIL wala ka na sa piling ko.

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now