III-Sick

4 0 0
                                    

Dahil naulanan ako kahapon, heto ako ngayon, inuubo, sinisipon, at nilalagnat.

Tatlong kumot na ang magkakapatong na nakabalot sakin pero giniginaw parin ako.

Bigla akong napatingin sa cellphone ko ng umilaw 'to.

Napaubo pa 'ko ng ilang beses bago ko nakuha ang cellphone ko.

"Hello?" namamalat na ang boses ko.

"Hello bes?"

"Oh, ano?"

"Ang pangit na ng boses mo! Boses palaka bes!" I can hear her laughing.

At tinawanan pa 'ko! Sama talaga ng ugali ng bruhang 'to.

"Remind me again why you became my bestfriend." I rolled my eyes as if she can see me.

"Joke lang! Ano ba naman 'to, di ka pa ba nasanay sakin?"

"Hay ewan sayo." I yawned and my eyelids feel so heavy.

"Labyu bespren! Hihi. Anyways, kamusta kana?"

"Eto, 'di pa okay." I said.

"Get well soon be-Ay! Malilimutan ko pa sana. Ano, ire-reschedule daw bukas yung gt ni Tyler."

Agad akong napabangon sa pagkabigla dahilan ng pagkahilo ko kaya napahiga uli ako.

"Sh*t"

"Hoy! Napano kana diyan?"

"Nabigla lang ako sa pagtayo kaya sumakit ulo ko."

Napasapo nalang ako sa aking ulo. Ghad, kaya ayaw kong nagkakasakit eh.

"Tss. 'Di na healthy bes ang pag fa-fangirl mo. Tingnan mo ngayon, nilalagnat ka." I heard her sigh.

"Ano ka ba! 'Di ba sabi mo susuportahan mo 'ko dito?"

"Okay, okay. Basta kapag masyado ka nang naulol kay Tyler, ay talagang masasapak kitang luka ka!"

Napatawa nalang ako sa kagagahan ng bespren ko.

"Anong oras yung gt bukas?"

"4:00 daw bes."

"Ah, sige. Thank yo-"

"Wait! Dont tell me pupunta ka parin bukas?! Nilalagnat ka pa kaya!" I can hear frustration on her voice.

"Ehhhh. Sayang naman kasi bes ang opportunity! Ang tagal ko na kaya siyang gustong makita! Tapos lagnat lang ang magiging dahilan ng 'di namin pagkikita?! No way!"

"Baka lumala lagnat mo niyan?" Kahit naman luka ang bespren ko, alam ko namang may malasakit yan sakin.

"Hindi yan. Magaling na 'ko bukas. Promise! Ako pa ba? Eh ang isipin ko pa nga lang na makikita ko si Tyler bukas ay feeling ko'y na-energize na buong katawan ko."

Tyler is my drug, really.

"Sus! Basta pag 'di ka pa magaling bukas ay 'wag ka nang pumunta ha?"

"Hmmn, tingnan natin." I teased her.

"Hoy umayos ka diyan! Sige, bababa ko na 'tong tawag. Bye! Labyu! Get well soon!"

"Thank you! Love you too. Bye bes" Then I ended the call.

Hays, paano na bukas?

Kailangan kong gumaling agad. ASAP!

Kahit tamad na tamad akong bumangon ay ginawa ko parin para makainom ng gamot. Para gumaling agad!




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Fangirl's DreamWhere stories live. Discover now