II-GT

12 0 0
                                    

Nakatulog ako kagabi ng may ngiti sa labi kaya nagising din akong masaya!

Syempre di ko nalimutang i-screenshot yung pag mention niya sakin sa tweet niya. Achievement yon bes! Haha

While we're having breakfast, my mom noticed that I'm in a good mood.

"Anong nangyari sayo anak? Laki ng ngiti mo ah?" Tinaas-taas niya pa ang kilay niya na wari'y kinikilatis ako.

"Makikita ko na kasi mama ang boyfriend ko mamaya" I answered with a big smile flastered on my face.

Nanlaki ang mata ni mama at nagulat na lamang ako nang hinampas ni mama ang kamay niya sa lamesa at napatayo.

"Boyfriend?! Eh wala ka pa ngang pinapakilalang manliligaw mo tapos may boyfriend kana agad!" Her nostrils are flaring.

Uh,oh.. Napaka-strict kasi ni mama pag dating sa boyfriend-boyfriend na yan. Gusto niyang mag boyfriend ako kapag nakapagtapos na 'ko sa pag-aaral.

I sighed "Mom, si Tyler po yun. Yung idol ko po baga."

Naupo ulit si mama sa upuan niya.

"Eh bakit sabi mo boyfriend mo?" She then continue eating. Ang moody talaga ni mama.

"Ganun talaga ma kapag fangirl ka, kunwari'y boyfriend mo yung idol mo ganon. Basta yun na yun ma."

Napabuntong hininga si mama bago nag-salita "Alam mo anak, ayaw ko lang naman na magaya ka sa'kin. Gusto kong makapag tapos ka ng pag-aaral at makamit mo ang mga pangarap mo bago ang lovelife lovelife na yan"

Masayang nagsasama dati si mama at ang tatay kong hapon. Mayaman ang tatay ko at may kaya lang si mama. Hanggang sa may makilalang ibang babae si papa na anak ng kaibigan ni lola(mama ni papa). Pinagpalit niya si mama para sa babaeng 'yon at iniwan kami kaya mag-isa si mama sa pagpapalaki sakin.

Hanga ako sa katatagan ni mama. Binubuhay niya 'ko kahit single mom lang siya. Kaya mahal na mahal ko siya eh.

"Ma, hindi naman po 'ko mag bo-boyfriend agad eh. Sinusunod ko naman po yung sinabi ninyo."

I smiled at her.

"Sige anak, basta't 'wag munang lumandi ha? Bata ka pa."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni mama at tumango sa kanya.

-------------------------------

3:55 pm na at 5 minutes nalang ay mag-uumpisa na ang gt. Kanina pa 'ko ditong 2:00 pm dahil sa sobrang excitement ko. Ang suot ko ngayon ay pantalon at yung tshirt na pinatatakan ko.

Kinakabahan ako dahil baka biglang umulan. Kanina pang umaga madilim ang langit at natatakot akong baka bumuhos ngayon ang ulan at di matuloy itong gt.

Dito kasi sa open area gaganapin ang gt.

Kinakabahan din ako sa mangyayari mamaya at syempre excited din! Makikita ko na si Tyler e.

Halos mahimatay na 'ko sa gutom at uhaw dito pero 'di ako naalis sa pwesto ko dahil baka bigla siyang dumating nang wala sa oras.

Ghad! Ang tagal.

Habang umiinom ako ng dala kong tubig ay may narinig akong mga nagtitilian kaya napalingon ako sa kanila and my jaw almost drop when I saw his back! Likod niya bes! Alam kong si Tyler yun kahit anong anggulo pa man!

Napatili nalang rin ako at tumakbo papunta sa kanya. Sobrang siksikan kaya hirap na hirap ako. Halos ibalibag ko na ang mga nadaraanan ko makarating lang sa kanya.

Ayan na, malapit na ako sa kanya, konting tiis na lan-

Biglang nahawi ang mga tao dahil biglaang bumuhos ang ulan.

Nakita kong may lumapit kay Tyler na bodyguard niya ata na may dalang payong at pumasok sila sa sasakyan.

At naiwan akong tulala sa ulanan.

Nalulungkot, nanghihinayang, at naiiyak.

Natauhan lang ako ng dumaan ang van na sinakyan ni Tyler sa harap ko at 'di ko alam kung dala na ba ng kadesperadahan at hinabol ko yun. Hinabol ko kahit alam kong 'di ko yun maabutan.

Pabagal nang pabagal ang takbo ko hanggang sa madapa ako't 'di na siya maabutan.

Napaiyak na lang ako bes. Ang tagal ko na 'tong hinihintay eh! Ang tagal ko na siyang gustong makita tapos 'di matutuloy dahil lang sa ulan? Ugh!

"Takteng buhay 'to, makikita ko na nga siya eh,tapos 'di pa matutuloy?!"

Tuluyan na 'kong napahagulgol sa kalsada.

OA na kung OA pero ganito talaga ako pag dating sa kanya.

A Fangirl's DreamWhere stories live. Discover now