Chapter Sixteen

2.2K 48 0
                                    

                APPREHENSION was killing her. Isang linggo na siyang ganito, iyong pakiramdam na kahit na anong oras ay may mangyayaring hindi maganda.

                Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. She felt vulnerable. She felt like throwing up.

                Alam niyang sa mga susunod na araw ay may darating. Akala niya ay handa na siya upang harapin iyon ngunit nagkamali siya. Kinakabahan siya. Palaging tinatambol ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay may mga mata na palaging nakatingin sa kanya kapag lumalabas siya. Kahit sa unibersidad ay ganoon ay pakiramdam niya. Napa-paranoid na nga raw siya sabi ng mga katrabaho niya. Biro pa nga ng mga ito na delayed “aftershock” niya iyon buhat ng pagkakabaril sa namayapang mamamayahag. Sinakyan niya na lang ang ang sinabi nito. Ngunit hindi pa rin talaga siya mapalagay.

                Bakit ayaw pang dumating ng kung ano man iyon, para hindi na siya matakot ng ganito?

                She hugged her legs; a throw pillow was between her chest and lap. She felt safer here, at the confinement of her house. Dito, alam niyang walang makasasakit sa kanya. Alam niya, dahil pamamahay niya iyon. Alam niya kung may papasok, pumapasok o pumasok nang walang paalam. Hindi man alam ng kanyang mga kapit-bahay ay malakas ang pakiramdam niya. Hindi siya iyong normal na babae na walang alam sa kahit na anong bagay.

                Simula kasi nang patayin si Aries ay nag-aral siya siya ng self-defense. Hell, she even knew how to shoot a gun! But she knew that was not enough. She knew it too well to down her guards.

                She bolted up to her feet when she heard a soft knock on her door. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hinagod iyon sa pagbabakasakaling bumagal ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Kinalma niya ang sarili. Mukhang tama ang mga katrabaho niya, napa-paranoid na nga siya.

                She made her way to the door and she slightly opened it to peek out whose outside. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ang naroon.

                Si Raffy.

                Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto pero hindi niya ito pinapasok. “Raffy, hi.” Nakangiti niyang bati habang mahigpit na hawak ang seradura ng pinto.

                She didn’t know how to react and what to expect knowing now the deepest secret of her friend. Though, she knew there’s nothing to be afraid of.

                “Hi. Hindi mo ba ako papapasukin?” She sounded so casual so she knew there’s nothing to be got awkward of.

                Pinapasok niya nga ito. Iminuwestra niya rito ang sofa ngunit mas pinili nito ang recliner at at-home na at-home na naupo. Nakangising binuksan pa nito ang TV at sinimulang maglipat-lipat ng channel.

                “Coffee? Orange juice, or water?”

                Umakto itong nag-iisip. “Orange juice.”

                Nginisihan niya ito. “Water lang ang available.”

                “Nang-alok ka pa.” nakangusong usal nito.

                Natawa siya saka ipinagpatuloy ang pagpunta sa kusina para paghandaan ito.

                “Freshly sqeeze, Becca!” habol pa nito.

                “Demanding!”

                Malakas itong tumawa.

A Piece of Everythingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن