Prologue

10.9K 169 12
                                    

MAYROONG TATLONG bagay na eksperto siya kung gawin: ang ikasa, isasinta, at iputok ang kanyang baril. Malinis, mabilis at walang iniiwang marka, ganoon siya kung magtrabaho. Wala siyang awa at walang pasubali. Walang pagdadalawang-isip na gagawin niya ang sa kanya ay nakaatas na gawin...

Hinawi niya ang buhok na tumabing sa kanyang mukha habang siya ay marahang naglalakad kasunod ng senador na kanina pa niya tinitiktikan. Ilang dipa ang layo na ibinigay niya rito at sa kanyang sarili upang hindi ito makahalata.

Lihim siyang napangiti. Sayang ang business deal na nai-close mo, Senator Valles, sabi niya sa isip.

Ito na ang pang-siyam na target at kapag natapos ito ay isa na lang. Isa na lang at matatapos na ang lahat. Maaari na siyang mawala.

Nakita niyang lumiko ang senador pakanan at pumasok sa loob sa restroom kaya binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng pinto. Marahan niya iyong binuksan at saka siya sumilip. Walang tao. Malamang na nasa loob ng cubicle ang sinusundan niya.

Lumingon muna rin siya ng kaliwa't kanan sa malawak na hallway na iyon upang masigurong walang makakakita sa kanya. Clear. Tuluyan na siyang pumasok.

Walang ingay na isinara niya ang pinto sa kanyang likuran saka iyon ini-lock. May nag-i-isang cubicle lamang ang naroroon kaya nasisiguro niyang nasa loob noon ang senador. Naiinip na sumandal siya sa pinto saka ipinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib. Kating-kati na ang kamay niyang iputok ang baril niya rito.

Sa noo nito, kung saan isang bala lang ay patay na ito.

Ilang sandali pa siyang naghintay hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niya ang senador na inaayos pa ang sinturon nito.

"Hi," bati niya.

Napasinghap ito, nanlalaki pa ang mga mata na napatitig sa kanya. Pagkagulat ang nakarehistro sa mga mata nito hanggang sa mapalitan iyon ng paghanga nang mabistan ang kanyang kabuuan. Sino nga ba ang hindi hahanga sa kanya kung ang suot niya ay isang pulang halter dress na yumayakap sa katawan niya?

Parang manyak na ngumisi ito. Mayamaya ay biglang humalakhak. "I really didn't believe them when they told me I still have the charm but right now...? I do."

Gusto pa sana niyang sakyan ang sinabi nito ngunit naisip niyang hindi nga pala siya naglalaro, rather, nakikipaglaro. Gusto na niyang matapos ang gabing ito at nang makauwi na siya.

Blangko ang ekspresyon na tinitigan niya ito.

"Oh, I like that look. Looking bored but really wanted me. Kitten..." Humakbang ito ng isa ngunit tumigil din at saka dinukot mula sa bulsa ang wallet at mula naman doon ay hinugot nito ang isang card. "Let's meet at my suite. Is that okay with you?" Ngumiti pa ito.

Kung hindi lang niya sinanay ang sarili para sa mga nakakadiring bagay ay baka nasuka na siya sa mga pinagsasabi nitong taong ito. Kadiri. Ni minsan, hindi niya naisip na makipag-one night stand sa isang lalaking kasing tanda na yata ng tatay niya.

"Okay," aniya.

Ngumiti ito ng matagumpay.

"I wanted you, too," sabi niya gamit ang napapaos na tinig saka ngumiti ng mapanganib. "I wanted you to die."

Nanlaki ang mga mata nito nang mabilis na hinugot niya mula sa ilalim ng kanyang palda ang isang silenced pistol at saka itinutok iyon dito. Nakita niya ang mabilis na pagbaba-taas ng Adam's apple nito.

"Natatakot ka palang mamatay."

"S-sino ka?" Mabilis itong humakbang paatras hanggang sa nakasandal na ito sa maputing pader ng restroom.

"Someone."

Nangangatal sa takot na nag-offer ito. "B-bayaran k-kita... Dodoblehin k-ko. Dodoblehin ko ang i-ibinayad sa 'yo n-ng kung s-sino mang nag-u..." Lumunok ito. "Nag-utos sa 'yo. Maawa ka..."

"Maawa ka..."

Kumulo ang dugo niya nang marinig ang dalawang salitang iyon. Ano ang karapatan nitong humingi ng awa kung saan ay may isang pagkakataon na hindi ito nagbigay niyon?!

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pasensya na," malamig na sabi niya, "pero wala akong awa."

Matapos niyang sabihin iyon ay agad niyang kinalabit ang gatilyo ng baril. Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito nang tumama sa gitna ng noo nito ang bala na pinakawalan niya. Pinagmasdan niya ang mabilis na pagbagsak nito sa makinis na marmol, ang dugo ay mabilis na naglawa sa sahig.

"Awa?" she muttered mockingly, "You wish."

A Piece of EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon