Chapter Twelve

2.3K 48 2
                                    

                “MAAYOS na ba ang lahat?” malakas ang boses na tanong sa kanila ni Mrs. Alejo. “Ang sound system d-in-ouble check niyo ba? Ang lights? Ang foods? Okay na? Okay na ang lahat? As in lahat-lahat?”

                Natawa sila sa sunod-sunod na tanong nito.

                “Ma’am, chillax ka lang, masyado kang tense.” Sabi ni Jela, isa rin sa mga co-professor niya.

                “Aba, malaking tao si Mister Karson, hindi dapat basta-basta pagtrato natin sa kanya. Isa itong pribilehiyo.”

                “Wow, Ma’am! ‘Pribilehiyo?’ Ang lalim, Ma’am. So very deep.” Banat naman ni Abs—oo, “Abs” talaga ang pangalan nito—na nasa kanyang tabi.

                Tumalim ang tingin ni Mrs. Alejo. “Miss Jerez…”

                “Yes, Ma’am?”

                “I am giving you the privilege to kick that Abs head.”

                Tiningnan niya si Abs. Nakangisi naman itong mabilis na lumayo sa kanya. “I’m shutting my mouth na po! Promise!” Itinaas nito ang kanang kamay. “Honest 'to! Pero, Ma’am?”

                “Yes?”

                “You said that Rebecca can kick my head? Is that possible? Rebecca can’t even kick!”

                Tiningnan niya ito na tila nainsulto. “D’you wanna try?”

                “Er, no.”

                “Good.”

                Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang mga estudyante sa loob ng auditorium kung saan gaganapin ang general assembly. Ilang linggo rin ang naging paghahanda nila para maisaayos nang mabuti ang magiging program ngayong araw na ito. Sisimulan sa isang panalangin at matatapos sa isang salu-salo. At syempre, ang highlight ng event ay ang speech ng naimbitahan nilang mga speaker.

                Pero may munti pa ring pag-aalinlangan si Rebecca nang mga oras na iyon. Naalala niya kasi niya si Raffy. Natatakot siya na baka may gawin ito. Dahil sa ilang ulit nilang pagkikita sa university ay hindi nito itinago sa kanya ang pagkamuhi nito sa kanilang guest speaker na si Domingo Karson.

                “Ano ba ang ginawa sa iyo ni Domingo Karson?” Naalala niyang tanong niya rito. “Bakit parang galit na galit sa kanya?”

                “’Parang’ is an odd word to use, Becca. Hindi lang ako ‘parang’ galit sa kanya. Galit talaga.” Umiling-iling ito. “Hindi mo ako maiintindihan kahit na ikwento ko sa 'yo ang lahat. At saka mas mabuti na rin na wala kang alam”

                Napapikit siya. Please, don’t make Raffy do something stupid.

                Sa likod ng stage ay kausap ni Mrs. Alejo si Mr. Karson na kararating lang. Kahit na may edad na ito ay hindi pa rin nawawala ang tikas nito maging ang air of authority nito. Tapakataas nitong tao. Kinikilala at iginagalang ng lahat. Tinitingala ito ng lahat maliban kay Raffy at… siya.

                Oo. Maging siya. Bakit nga ba niya gagalangin at titingalain ang isang taong katulad nito. Hindi iilang beses na nasangkot ang pangalan nito sa masasamang gawain: sa droga, sa kurapsyon at mga pagpatay. Isa itong tuta ng mga gahaman at sakim na pulitiko. Hindi lang ito mahatulan at maidiin sa kaso dahil hawak ito ng mas matataas na tao at may kakayahan itong magbayad mapawalang sala lang ang sarili.

A Piece of EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon