Chapter 11

17 0 0
                                    

Brigitte's POV

"Hoy, ba't ba biglaan pagyaya niyo?" masungit 'kong tanong kay Delanxe.

Bigla-bigla kasing nagtext sakin na magkita kami. Pagkababa namin nandon na sila ni Miere sa dulo.

Tinanong 'ko si Delanxe kung paano niya nalaman na nando'n kami, kaso ang bruha 'di ako sinasagot.

"Wala lang. Bakit ba?" giit ng bruha 'kong kaibigan.

"Nasaan si Shin?" tanong 'ko.

"Baka kasama si Kris. Ilang araw 'ko na silang nahuhuli na magkasama eh," sambit ni Miere.

Nandito na kami sa mall. Parang kahapon nandito lang kami ni Blake.

Si Kurt umuwi na. Basta nalang kasi ako hinila nitong si Delanxe eh. Nakakahiya tuloy kay Kurt. Ginawa lang akong 3rd wheel nitong dalawa eh. Ako nasa likod nila, habang sila? HWW (harutan while walking) Bwisit.

"Hoy! Niyaya niyo ba 'ko para gawing 3rd wheel? Nakakainis ha," reklamo'ko.

"Kumalma ka lang, Brigitte. I'll make sure na mag-eenjoy ka," sabi naman ni Miere.

"Kanina pa tayo naglalakad. Sa dulo ba ng earth yung pupuntahan natin?" masungit 'kong tanong.

Simula ng dumating kami dito, lakad lang kami ng lakad. Wala man yatang balak ilibre ako.

Maya-maya tumigil kami sa may fountain. Oh ano na gagawin namin dito? "May iintayin lang tayo. Para manahimik na si Brigitte," pang-aasar ni Miere.

"Miere, sure ka bang pupunta yon?" tanong ni Delanxe.

Nagkibit balikat lang si Miere at lumingon lingon sa paligid. Sino ba kasi 'yon? Matutuwa pa ako kung si Blake 'yon.

"Ayan na pala eh," narinig 'kong sabi ni Miere. Nilingon 'ko naman kung saan nakatingin si Miere at nanlaki ang mata 'ko ng makita 'ko si Blake.

"Hello!" bati 'ko kaagad habang kumakaway. Kahit sinungitan niya ako kanina, wala na 'yon sakin. Buti nalang madaling mawala yung lungkot 'ko once na malibang ako. Thanks to Kurt.

At dahil siya si Blake Andrei Tuazon, irap lang ang sinagot niya sakin. "Ba't niyo ba kasi ako pinapunta dito?" tanong nito kay Miere.

"Sus. Sinabi 'ko na yung dahilan sa text ah. Palusot ka pa," nakangising sabi ni Miere.

Matapos mag-asaran nung magkapatid ay nagyaya na si Delanxe kumain at hanggang ngayon ay hindi 'ko mawarian kung saan ba talaga. Kanina pa nagtatalo si Miere at Blake eh.

"KFC nga kasi, " nakasimangot na sabi ni Blake.

"McDo," simpleng sagot naman ni Miere.

Sa amin naman ni Delanxe kahit saan basta mag-eenjoy kami. "Tama na nga yan. Jollibee nalang. Bwisit," saad naman ng bestfriend 'ko. Kung nandito si Shin kanina pa 'yon umuwi dahil sa inis.

Nang makarating kami sa Jollibee, agad na kaming pumila. "Ano gusto mo, Delanxe?" tanong ni Miere.

"C1 lang. Sayo?" tanong niya sakin.

"Same lang sayo," sagot 'ko.

"Hanap na kayong upuan. Kami na bahala ni Blake," sambit ni Miere.

"Anong tayo? Hoy, ikaw bumili nung sayo," sagot naman ni Blake sabay tingin sakin.

Natahimik naman kami ng ilang segundo dahil sa sinabi ni Blake.

"Oo sige. Babes, kaya mo na yan," nahihiya'kong sabi.

Si Delanxe naman ay tumingin lang sakin sandali at tumango.

Nauna sila Miere na umorder kaysa sakin. Inalala pa nga ako ni Miere kung okay lang daw ba ako, dahil siguro simula ng umalis si Delanxe tahimik na 'ko.

Agad naman akong pumunta sa pwesto namin ng maka'order ako, madali 'ko naman silang nahanap dahil medyo malapit lang ang cashier sakanila.

Kwentuhan lang ng kwentuhan sila Delanxe at Miere, pero kami ni Blake tahimik na kumakain. "Blake," pagtawag 'ko.

"Oh?" Masungit na tanong niya.

"Ano yung sabi ni Miere sayo?" tanong 'ko.

"Pake mo?" maikli niyang sagot.

Nakaka'curious naman.

"Ano nga? Masyado bang private para hindi mo sabihin sakin?" pangungulit 'ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya tumahimik na ako.

Pagtripan 'ko kaya si Blake? Ganti 'ko nalang sa pagsusungit niya.

Nag-ikot kami sa mall nang matapos kaming kumain at ngayon pikon na pikon na sakin si Blake.

"Baby! Pansinin mo naman ako," pagtawag 'ko habang nakahawak sa braso niya.

"Miere, uwi na tayo. May gagawin pa pala ako sa bahay," seryosong sabi niya.

Tumingin naman sa aming dalawa si Miere, napansin 'ko namang naging seryoso ang tingin ni Miere.

"Tara na. Hatid na namin kayo," aya sa amin ni Miere.

Habang papunta kami sa parking lot patuloy 'ko pa ring kinukulit si Blake. Napatingin naman ako kila Delanxe na nasa harapan namin na para bang seryoso ang pinaguusapan.

Nakarating kami sa parking lot dito sa may labas ng mall at hanggang ngayon hawak 'ko pa rin braso ni Blake.

"Baby Blake," kinikilig 'kong tawag ulit sakanya.

Huminga siya ng malalim at marahas na tinanggal ang kamay 'ko sa braso pero ngumiti ako ng nakakaloko at hinawakan pa rin ang braso siya.

"FUCK OFF!"

Napatigil kaming apat sa paglalakad ng sumigaw siya. "BITAWAN MO NGA AKO!" sigaw niya.

Sinunod 'ko ang sinabi niya dahil natatakot na rin ako dahil nagulat din ako sa pagsigaw niya.

"S-sorry.." mahina 'kong sabi habang deretsong nakatingin sa nanlilisik niyang mata.

"Sorry? Alam mo, kanina pa 'ko pikon na pikon sayo eh," tumigil siya sandali. "Hindi pala, kapag nakikita kita napipikon na ako sayo. Ang landi mo! Napaka clingy mo! Nakakarindi!" reklamo niya.

"Blake, tumigil kana," rinig 'kong sabi ni Delanxe.

"Hindi ako titigil hangga't hindi pa natatauhan 'tong kaibigan niyo, sumosobra na eh. Hindi ka ba marunong makiramdam? Are you that stupid para hindi mo marealize na ayaw kitang kausap?" galit na galit niyang sabi.

Ramdam na ramdam 'kong ayaw talaga niya sakin.

Hindi naman ako makasalita dahil sa takot at sa sakit na nararamdaman 'ko sa mga sinabi niya sakin.

"Kahit saan ako magpunta, nando'n ka palagi. Para kang aso sunod nang sunod! Kanina lang kasama mo si Kurt tapos ngayon lalapit ka sakin? Ano hindi ka makuntento sa isa?" singhal niya.

"BLAKE! SUMOSOBRA KA NA!" saway sa kaniya ni Miere.

"Hindi, Kuya. Kailangan niyang marealize na not all the time kaya siyang tiisin," naiinis pa niyang sabi.

Napatungo nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha 'ko.

Bad idea pala 'to. Masyado akong nag-enjoy sa ginawa 'ko. Ayan nagalit tuloy pero hindi ko naman deserve masabihan ng mga sinabi niya.

"I'm sorry. I didn't know na I crossed the line. I just thought na magkaibigan na tayo kahit papaano. But I was wrong, and I'm so sorry for that," humihikbi 'kong sabi.

"I just wanted to spend our time together ng masaya kaya I let myself na maging makulit ngayon, and I didn't know that I crossed your boundaries, I'm sorry," malungkot 'kong sabi.

Nanghihina na ako dahil hindi na rin ako makahinga ng maayos. Sobrang sakit na rin ng puso 'ko.

Para lang makatakas sa sitwasyon naming ngayon, tumakbo na ako palayo.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon