Isang patak, dalawang patak.Bumubuhos na naman ang ulan. Ang dating mainit at matinag na araw ay pinalitan ng maulan at basang klima
Napakabilis naman kuhanin sakin ang mga bagay na ikinasasaya ko.
Isang patak, dalawang patak
Ang dating masaya at punong puno na buhay ay napalitan ng matigas at malamig na bangkay.
Isang patak, dalawang patak
Hanggang kailan pa ba ako magtitiis sa pananakit at pangiinsulto nila?
Isang patak, dalawang patak
Hanggang kailan kukuhanin ng tadhana ang mga bagay na nakakapagpasaya sakin?
Isa, dalawa, tatlo, apat?
Hindi ko na alam.
Ilang luha ba ang kailangan bumuhos bago ko makamtan ang kasiyahan ko?
--
HI.