Matabang Utak

167 4 0
                                    

A/N: my audition entry on Royal Rumble, akalain mong nakalusot pa 'to!? Enjoy reading~ ♥

WAAAITTTT!! SPG pala 'to >.<

Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang ay Kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengwahe, Karahasan, Sekswal, Horror, o Droga na HINDI angkop sa mga bata. . .

Matabang Utak

______________________

Mawalay sa mga mahal sa buhay dahil nagtatrabaho sa ibang lugar o labas man ng bansa, nakaka-miss. Lalong lalo na siguro kung lumabas ka ng daigdig para gampanan ang tungkulin. At saka walang kasiguraduhan kung makikita mo pa sila o hindi na.

"Nakaapak na sa hukay ang isang paa niyo sa sandaling maging astronaut kayo. Bukas pa ang pintuan upang umatras." Nasabi ko nuon bago pa sumabak sa pagsasanay ang mga bagong estudyante. Isa na ruon si Lourdes, ang tanging babae sa buong pangkat. Subalit buong tapang niya pa ring hinarap ang mahihirap na pagsasanay at kapahamakang darating upang matupad lamang ang pangarap.

Akala ko nuon uurong siya sa mga mahihirap at mabibigat na pagsasanay. Pero dahil sa kanyang tiyaga at sipag ay nagawa niyang posible ang kanyang minimithi. Nakakahanga.

"Uncle, sobrang excited na 'ko sa first exploration ko!" nasabi niya sa akin.

"Ikaw talagang bata ka," sabay tapik ko ng ulo niya. Ganyan din ako ng kabataan, tuwang-tuwa.

Cousel5C, isang eksoplaneta o planeta sa labas ng Solar System. Pumapagilid ito kasama ng buwan, tala at iba pa sa Red Dwarf ng Cousel5 na nakapa loob sa konstelasyon ng Taurus. Matatagpuan ito siyam na sinag-taon ang layo mula sa Daigdig. Natuklasang may atmospera na may kakayahang sumuporta ng anumang buhay.

Hindi nga kami nagkamali nang lumapag ang Bearer11 sakay ang apat na crews. Ako, ang kaedaran kong si Herman, sina Hans at Lourdes na magka-batch sa Spaceflight Association Academy (SFAA).

Salamat sa imbesyon ni Professor Weissner dahil napabilis ang biyahe ng shuttle sa kalawakan. Isang linggong nanalagi kaming nakalutang sa sasakyan na iyon pero sulit ang paghihintay. Makakalanghap na rin sa wakas ng preskong hangin at makakatayo na rin ng maayos.

Napansin ko na halos magkanda-tumba sa pagtayo si Lourdes nang maging normal na ang gravity ng sasakyan. Kukunin ko na sana ang tungkod pero naibigay na ito ni Hans sa kanya. Kapwa malalim ang titigan nila sa isa't isa.

Nang makatapak na kami sa lupain, namangha ako sa aking natanaw. Kulay asul na kalangitan, matataas na kabundukan, at kagubatang nakapaligid sa di kalayuan. Sobrang saya ko sa aking nakikita pero panandalian nawala iyon sa sumunod na nasipat ng aking mga mata.

"Sir," lumingon ako kay Hans na nakaakbay kay Lourdes. "Pupunta lang kami ni Lourdes ruon sa gubat, baka may tubig duon."

Hindi ko gusto ang aking nakikita. . .

Tumanggi ako at sinabi kong si Herman ang samahan ng lalaking 'yon. Hindi na nagreklamo si Herman, "Tara na," anito. Saka umalis na ang dalawa.

Nang lumingon ako kay Lourdes, nakatanaw siya sa kawalan, umiiyak. Pinatahan ko siya at itatanong ang dahilan. Pero hindi natuloy dahil nabasa ko na sa kanyang mga mata ang dahilan. Natutuwa siya na nakarating siya ng ibang planeta.

Masaya ako para sa kanya.

Masyado ng nagkakadramahan kaya  napagpasyahan na sumunod sa dalawa naming kasamahan. Iniwan namin ang shuttle, panigurado namang walang magnanakaw dahil wala naman nilalang na nakatira ruon.

Subalit nagkamali kami, may nilalang palang naninirahan dito nang hindi namin nalalaman. Hindi ito tao kung hindi hayop.

Nang makarating kami sa kagubatan ay nakita namin ang siguro'y nasa apat na lobo. Takam na takam sa kinakain, ang katawan nila Herman at Hans.Nagimbal kaming dalawa sa nasaksihan. Tinakpan ko ang bibig ni Lourdes dahil baka marinig ng mga lobo ang pagsigaw niya. Takot na takot siya at nagbabagsakan na ang luha.

"Umalis na tayo rito," bulong ko sa kanya.

Ngunit naiiling siya, "Hindi, iligtas natin sila. Hindi akong pwedeng iwan ni Hans!"

Napakakulit niya kaya binuhat ko siya. Dahil siguro sa adrenaline rush ay binalewala ko ang bigat at pagpupumiglas niya habang ako’y tumatakbo.

Narinig ko ang mga yabag at alulong sa kalayuan. Paglinga ko, apat na lobo ang humahabol sa'min!

Anumang bilis ang gawin ko'y hindi lumalayo ang distansya ko sa mga humahabol sa amin, lalo lamang silang lumalapit. Mga matang mabalasik, matatalas na mga pangil, at naglalaway pa. Naglalaway na kainin kami.

Palakas ng palakas ang mga yabag. Palapit na sila nang palapit. . .

Mabuti na lamang at nakarating na kami sa shuttle. Agad kong binuksan ang pinto, dali-daling pumasok at sinarado ito. Pagkababa ko kay Lourdes ay narinig namin ang malakas na kalampag ng mga lobo sa labas ng shuttle.

"Shit," ang mga hayop na 'yon. Balak pa yatang sirain ito.

Dali dali ko nang pinaandar ang makina upang makalipad na ang sasakyan, para makaalis na kami sa planetang iyon.

"KUNG pinadala muna natin ang rover sa Counsel5C, hindi ito mangyayari. Malalaman sana natin na may lobo palang naninirahan doon!"

Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko habang inuulat ko sa headquarters ng SFA sa Earth ang nakakagimbal na nangyari sa amin; ang mga lobo at pagkamatay nila Herman at Hans. Sinisi ko pa ang buong SFA dahil nagpabaya sila. Kampante sila na walang mangyayaring masama kapag nakalapag  kami ruon.

Pero napagtanto ko na hindi dapat magsisihan sa ganitong sitwasyon kaya agad akong humingi ng paumanhin. Nasabi ko lang naman 'yon dahil nabigo kami, namatay pa ang dalawa kong kasamahan. At nasusuklam ako na makitang umiiyak siya. Nalulungkot ako. . .

Kahit mahirap gumalaw nang lumulutang ay nakarating ako kay Lourdes, patuloy pa rin siya sa pagluha.

Napansin kong may punit ang kanyang pantalon, parang nakalmot. Sa loob no'n ay ang galos sa kanyang kaliwang binti. Marahil may nadaanan kaming talahib kaya nagalusan siya. Hindi niya 'yon napansin sa kaiiyak. Kahit na tutol siya, ginamot ko pa rin ang galos niya.

Lumipas pa ang araw ay patuloy ang kanyang paghikbi. Kinulong ko siya sa aking bisig at inalo. "Magiging ayos din ang lahat, 'wag ka nang umiyak."

Inaya ko na siyang kumain dahil buong araw nang walang laman ang sikmura niya.

"Alam mo," napalingon ako sa kanya habang kumakain kami. "Kahit na capsule lang ang kinakain natin. Eto ang paborito naming pagkain ni Hans."

 Nangingiti pa siya habang ikinwento iyon subalit kabaligtaran para sa akin. Ang sakit sa puso sa tuwing naririnig ko sa kanya ang tungkol sa kanila. Patay na siya, dapat kalimutan niya na si Hans! Limutin niya na ang ala-alang magpapalungkot sa kanya, ‘di ba?

Namalayan ko na lang ang pagpupumiglas niya nang siilin siya ng aking halik.

"Tito, h-huwag!" patuloy siya sa pagpupumiglas hanggang sa nagsawa na siya. Hinayaan niya na ang agos na magdaloy sa kanya.

Mahal na mahal ko siya. Wala akong pakealam kung magkadugo kami, pamangkin. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

SINABI niyang kalimutan na ang nangyari sa'min bago kami makalapag ng Daigdig, na hindi pa rin magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa, subalit mukhang hindi ko magagawa 'yon. . .

'Wolves conquer Texas for just a week!' Nabasa kong artikulo sa dyaryo.

Hawak ko ang sikreto ni Lourdes na magpapanganib sa pagkaubos ng sangkatauhan at magiging susi rin upang maubos ang mga wolves gaya ko.

Lintek na mga lobo 'yon, sila pala ang kumalmot sa binti ni Lourdes nuong nasa Counsel5C  kami. Kahit na galos lang ay magiging kalahating tao at kalahating lobo ang sino man kapag humalo na ang virus sa blood stream. At kahit pakikipagtalik ay mahahawa rin, katulad ko. Hindi kailanman malalabanan ang katakaman sa karne ng tao dahil natural na 'yon sa katulad namin.

Nasa human form ako nang biglang nakuha ng atensyon ko ang nagsasalitang lalaki sa telebisyon. Batang siyentipiko at maraming naimbento na malaking naiambag sa spaceflight, si Professor Weissner. "Kapag 'di napatay ang pinaka-boss o pinag-ugat ng lahat, hindi mauubos ang mga lobo." Aniya na aking kinagulat.

Nakakabilib talaga ang talino ng taong ito pero masyado na siyang maraming nalalaman kaya dapat ipalamon na siya sa mga lobo. S-subalit mukhang maganda kung sa akin na ito ibalato para makain ko naman at mapasa sa akin ang mataba niyang utak.

Mga Maiikling Kwento ni Lolo TeppeiWhere stories live. Discover now