Irong-Irong Complex

173 3 0
                                    

Irong-Irong Complex

---------------------------------------------------------

Monologo ni Reyna Cesaria

Sa kanyang silid, nagbabasa ng diyaryo. Ang headline ay ‘Isang Prinsesa, Ampon Daw?’  Tila nababahala sa binasa kaya itinapon niya ito sa basurahan. Dumungaw siya sa bintana at natanaw ang nag-iisa niyang anak na si Prinsesa Paula na nag-espadahan sila ni Biskonde Gaston. 

Mga walang-magawa sa buhay. Ganyan tayo eh, mga tsimosa’t tsismoso. Kung alam lamang talaga nila ang katotohanan na huwag naman sana ay tiyak kong malalagay sa kahihiyan ang royal family ko at hindi lang iyon. Sakaling malaman ni Tee-Psy ang tunay na pagkatao ng aking anak, paniguradong mapapatalsik ang ating bansang Irong-Irong sa Aphrodite Nations.

“Kung bakit ba naman kasi puro baog, matagal magkaanak ang royal blood na nananalaytay sa lahi niyo?!” reklamo ni Ministro Tessa Cameron-Valdez sa akin nang isang araw. Kahit kalian talaga panira sa buhay ko ang babaeng iyan. Pero kahit ganuon ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya na inilihim niya ang tunay na pagkatao ng aking anak.  

"Grabe ka naman magsalita. Hindi baleng bastusin mo ako huwag lang ang lahi namin!" saway ko sa kanya.

"Pasensya na po. Sorry naman po, "sabay peace gesture niya pa. "Kailangan na talaga nating maipakilala sa kalalakihan ang inyong anak para magkaruon na siya ng asawa at mga anak na puro babae!" pagdiinan daw ba?

"Sobrang OA mo naman Tessa! Huwag mo naman pamadaliin si Paula, seventeen years old pa lamang siya! Nag-e-enjoy pa siya sa kanyang 'teenage years'-" hindi pa ako tapos tapos magsalita nang umatake na naman ang hika ko. Agad kong kinuha ang aking nebulizer at inilagay ko sa aking bibig.

"Iyan example: May asthma kayo. Hindi pa iyan may sakit pa kayo sa puso. Then, paano po kung one day kunin na kayo ni Lord at masaklap pa'y maagang ma-deds si Prinsesa Paula? Sino ang magiging reyna? Magsasanhi ng kaguluhan kung sakaling walang mamumuno sa buong bansa."

Sa totoo lang may point siya, sisenta’y-siyete na gurang este gulang na ako’t may sari-saring karamdaman. Kaya ito na ang tamang panahon na ipakilala siya sa mga maharlikang kalalakihan. Malay natin may manugangin na ako’t magkaruon na ng mga apo. Pero paano nga ba sila magkakaanak?

Matangkad, gwapo, matipuno ang pangangatawan, at aristokrato ang mga pinakilala ko sa kaniya. Nakakadismayang lang na wala man lang napupusuan ang aking anak, ang iba’y sumuko at hindi na bumalik pa dahil literal niyang pinaki-kick-out sa mga guwardya ang mga kawawang boylets palabas ng palasyo.

“Oy! Bumalik na naman ang Bikonde Gaston upang suyuin muli si Prinsesa Paula!” Narinig kong sabi ng gwardiya na tiyak kong si Geoff iyon. Mga hampaslupa! Nagke-kwentuhan habang nagta-trabaho. Hala! Hindi pwede iyan sa palasyo ko! Anyways, Biskode Gaston ng Passi Province. Nakakahanga naman na bumalik siya, sana sagutin na siya ng aking anak. 

"Pustahan tayo na decline parin siya!" wika muli ng gwardyang iyon. Aba’t hindi parin ba nila titigilan ang pagtsi-tsismisan during working hours? At nasa tapat pa sila ng opisina ko ha!

“Sige ba, pusta ‘ko a-accept na siya ni Paula” Pati ang dama na si Carla pumupusta rin. Pambihira, gawin daw bang pustahan kung 'accept or decline' ang bawat nanliligaw sa aking anak?!  Lalabas na sana ako ng opisina upang pagsabihan sila while api-apihin sila pero baka masira pa ang image ko. Kaya dumungaw na lang ako sa bintana. Natanaw ko ang aking anak na nag-eespadahan kasama si Biskonde Gaston.

Nakakamanghang pagmasdan na ito ang unang pagkakataon na hindi itinaboy ni Paula ang sumusuyo sa kanya. Maswerte ka Gaston. Hindi kaya..omg! Sabagay kitang-kita ko’t ramdam na nasisiyahan ang anak ko sa piling na beinte-uno anyos na binata. Subalit nababahal ako na kung sakaling malaman ni Gaston ang tunay na pagkatao ng aking anak, mahalin parin kaya niya ito?

Mga Maiikling Kwento ni Lolo TeppeiWhere stories live. Discover now