Fireworks

212 2 0
                                    

Fireworks

--------------------------------------

Nakatanggap ng tawag ang AFP sa tangkang ng Tsina na maghulog ng nuclear bomb sa Pilipinas ngayong gabi. Subalit hindi ito hahayaan ni Ric na bagong Kapitan ng AFP Army Department. Kasalukuyang siyang asa headquarters ng AFP sa Subic.

Sobrang bata pa niya sa edad na bente-tres anyos sa ganuong posisyon. Pero nararapat naman ang posisyon niyang natamo dahil sa malaki niyang naiambag sa pag-unlad ng depensa sa bansa.

“Eleven miles North West of Calayan Islands na ang layo ng sampung Chinese army plane, Sir.”  Report ng isang sundalo na naruruon sa kanya habang nakatingin ito sa screen na may kakayahang ma-track ang flying objects na pumapasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Hindi na siya makapaghintay na magamit na ang kanyang bagong imbensyon na may abilidad na pasabugin ang mga sasakyan sa kalangitan kahit daang milya man ang layo at may iba-iba ring kulay ‘pag sumabog sa kaulapan. Sobra niya talagang pinagmamalaki ang kanyang nilikha.

“Ihanda na ang Grand Cannon, eveyone.” Utos niya sa mga sundalong naruruon. “Huwag hayaang pumasok sa kalupaan ang mga insekto,” dagdag pa niya at saka lumabas upang magpahangin.

Kinuha niya ang kanyang telepono sa bulsa upang tawagin ang kanyang kaibigan.

SAMANTALA, tatlong daan at tatlumpu’t pitong kilometro, Hilaga ng Subic. Naroroon si Antonio sa paborito niyang tambayan kung saan makikipagkita siya sa lihim niyang iniibig. Sa wakas! Makikita na muli kita Malu. Sa isip-isip niya, sobrang excited na talaga siya. Kinakabahan din dahil ipagtatapat na niya ang hindi niya pa nasasabi sa mahigit limang taong hindi nila pagkikita.

Habang naghihihintay, biglang nag-ring ang kanyang telepono, “O, ba’t ka napatawag Ric?” aniya sa kabilang linya.

“There will be fireworks display there. Hope you and your girlfriend enjoy it. Ciao.”

“Ano bang pinagsasabi mo diyan? Porket naging captain ka lang, nag-i-ingles ka na. Tsss,“ pang-aasar niya sa kaibigan na naibaba na pala ang tawag.

Si Antonio ay isang isang sundalo rin sa AFP (Armed Forces of the Philippines) na pinoprotektahan ang bayan laban sa mga bansang sinasakop ang ating lupain at sa bantang terorismo. Maglingkod sa bayan, iyon ang pangarap niya nuong bata pa siya at kanya na nga itong naabot. Walang imposible, ika nga.

Bigla tuloy sumariwa sa kanyang isipan ang mga ala-ala sa giyerang kanyang naranasan, ang mga taong binuno sa PMA, at ang labis na pagtutulol ng kanyang kababata sa kanyang pangarap limang taon na ang nakalilipas.

“MALU, pansinin mo naman ako.” Pagsamo ni Antonio sa kanilang usual place. Their favorite place, sa ilalim ng punong mangga na ang matatanaw sa harapan ay ang mga Wind Turbines ng Bangui. Paborito nila ‘yong tambayan dahil maganda ang tanawin at hanging malalanghap ruon.

Hindi pa rin pinansin ni Malu ang labingwalong taon na binata, lumayo siya at tinanaw ang mga wind turbines. Ayaw kasi niya na mag-sundalo ang binata, naiinis siya dahil gusto yata nitong mamatay. Lalo pa siyang nagalit dahil nakatanggap pa ito ng sulat mula sa PMA (Philippine Military Academy) na pasado raw ito sa scholarship exam. Tuwang-tuwa naman ang binata at ramdam na ramdam talaga niya na desididong-desidido na ito na pumasok duon upang tuparin ang kanyang pangarap.

“Toto,” tawag ni Malu sa binata. “—‘wag ka nang umalis. Ang layo ng Tagaytay! At saka makakahanap ka naman ng trabaho rito at ligtas pa. ‘Wag lang ang pag-susundalo.” Bakas talaga sa dalaga ang pagtutol niya sa gustong tahakin nito.

Lumapit si Antonio at hinawakan nito ang magkabilang balikat nito. “Ano bang dusto mong pasalubong?” panunuhol nito.

Magka-singtangkad lamang sila kaya kita ng dalaga na nakatitig si Antonio sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nang bumitaw na ito’y, “Hindi uubra sa’kin ‘yan,” usal niya habang nakatilikod sa kausap upang maitago ang pamumula.

Mga Maiikling Kwento ni Lolo TeppeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon