[17]

12.5K 404 98
                                    

(A//N: Dahil sumasaya na ang love storeh nina Chester at Aliyah, guguluhin ko muna sila ng beri beri layt lang. Yeah. Beri beri layt lang *smirk* HAHAHAHA!)

(ALIYAH'S POV)

"Sigurado ka ba talagang hindi na kita ihahatid?" tanong sa akin ni Chester habang isinasarado ang maleta ko.

"H-Hindi na." sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Bakit ba naman kasi ikaw pa ang naisipang ipadala ng lolo mo sa convention na yan. Hindi tuloy matutuloy ang plano nating pumunta sa Camiguin. Wala ka pa dito sa birthday ko." Malungkot niyang pahayag habang nakanguso.

Hindi ko maiwasang ma-guilty. Hindi alam ni Chester na hindi naman talaga sa convention sa Baguio ang punta ko kundi sa Coron, Palawan dahil pumayag ako sa gusto ni Mathew.

Pumayag ako sa gustong mangyari ni Mathew hindi dahil mahal ko pa siya kundi naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang pagbigyan bago man lang siya mamatay. Kahit hindi ako pabor sa gusto niyang wag magpa-surgery at hintayin na lang ang araw ng kamatayan niya, naisip kong sa ganitong paraan ko lang siya mapapasaya. Pagkatapos nito ay nangako siyang hindi na niya ako guguluhin pa.

Lumapit ako kay Chester at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"I love you." Halos pabulong kong sabi sa kanya.

Hindi ko talaga intensyong magsinungaling kay Chester pero wala akong magagawa. Ayoko siyang magalit sa akin at baka masaktan ko na naman siya.

"Eeeeeh. Wag ka ngang mag-I love you I love you diyan." Nakanguso niya pa ring wika.

Natawa ako ng bahagya dahil sa pagnguso niya. Hinatak ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

"Babawi ako sa'yo. Promise!" bulong ko sa kanya.

Niyakap niya rin ako pabalik.

"Dapat lang. Naku! Akala ko pa naman talaga makakasama kita sa birthday ko."

"Gusto rin kitang makasama, Chester." Sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Chester, nagpaalam na ako sa kanya. Nagtext na kasi sa akin si Mathew na nasa airport na daw siya.

Pagkadating ko sa airport, agad akong sinalubong ni Mathew na may napakalawak na ngiti na animo'y nanalo siya sa lotto.

"I'm glad you came." Masayang sabi niya.

Tumango ako bilang sagot at binitawan sandali ang maleta ko.

"Mathew, tuparin mo ang pangako mo. Ginagawa ko lang 'to hindi dahil mahal pa kita. Naaawa lang ako sa'yo at gusto kong mapasaya ka. Mahalaga ka sa akin Mathew bilang isang kaibigan."

Biglang nawala ang kaninang ngiti niya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Maya-maya lamang ay muli na naman siyang ngumiti.

"Oo Aliyah. Tutuparin ko ang pangako ko."

"Good." Tipid kong wika at muling hinawakan ang maleta ko.

"Ako na." sabi niya at akmang aagawin ang maleta ko.

"No need. Kaya ko na 'to." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Sorry Chester. Promise ngayon lang 'to at hindi na mauulit pa.

(3RD PERSON'S POV)

Tila zombieng bumaba si Chester mula sa kanyang kwarto. Hindi siya nakatulog kagabi kakaisip kay Aliyah. Tumawag naman ito sa kanya kagabi at kinamusta siya pero sandali lamang ito at hindi na nasundan. Naiintindihan naman nya ito at naisip niyang baka pagod ito. Pero hindi niya maiwasang ma-miss ito lalo na't hindi pa niya ito makakasama sa mismong araw ng birthday niya.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon