Job Hunt

586 19 2
                                    

Claire's POV

Halos dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang mangyari yung sa mall. Kakatapos lang ng 2nd semester namin, malas nga lang wala na rin akong trabaho ngayon. Nagsara na kasi yung tinatrabahuan ko  dahil nalugi. Inisa-isa ko na lahat ng maaring kung pagtrabahuan ngunit puno na raw lahat, marami rin kasing magsa summer job kaya't marami akong kakompetinsya. 

Naalala kung may binigay pala yung lalaki na business card sa akin, matutulungan nya kaya ako? Hirap na rin kasi maghanap ng trabaho ngayon at desperada na akong makahanap. 

"Hello, who's this ?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hello, who's this ?

"I'm Claire Bustamante, yung  nakilala nyo po sa mall binigay nyo po kasi yung business card nyo sakaling may kailangan ako "

"ahh, ganoon ba. Ano ba'ng maitutulong ko sa'yo Claire ?

"Itatanong ko lang po kung maibibigay ba kayong trabaho sa akin, kahit ano po kayang-kaya ko po gawin lahat." 

"Lahat ?

"Opo sir."

"Sige, itetext ko yung address kung saan tayo magkikita at ang mga requirements na rin"

"Okay po Sir! Salamat po."

Yeeesssss !!!! sa wakas meron narin akong trabaho. Pero ano naman kaya yung trabahong ibibigay nya. Hahhh !! baka pagbebenta ng katawan yung iaalok nyang trabaho. Sinabi ko pa namang lahat kaya kung gawin. Diyos ko, huwag naman sana! nagulat ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Wow! ang bilis naman, itenext na nya kung saan at kailan kami magkikita, at ang mga requirements na kailangan ko. Nakapagtataka lang walang Resume o application letter na nakalagay. 

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng tawagan ko sya, nakuha ko na rin lahat ng mga requirements na kailangan nya. Nasa loob ako nang isang cafe, dito raw kasi kami magkikita. Limang minuto na lang at mag aalas-dyes na ng umaga. Actually, hindi naman sya late maaga lang talaga akong pumunta rito nakakahiya naman kung ako pa yung hihintayin nya. Halos 30 minuto akong nauna dito sa cafe kaya nakaramdam na ako ng gutom. Oorder na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng cafe at bumungad sa akin ang napakagwapo nyang mukha. Sheyytt . . sira yata ang aircon dito ba't biglang uminit. 

"Kanina ka pa ba ?"

"ha ? ayy hindi. . kararating ko lang." natulala tuloy ako sa kagwapuhan nya. 

"Dala mo ba yung mga requirements na pinakuha ko sayo?

"OO. " sabay abot sa envelope. Binasa nya ng maayos ang mga requirements, sinigurado talaga nyang hindi ito peke. Ano bang akala nya sa akin scammer? halerr. . ang ganda ko kaya para sangayin ang buhay ko sa ganoong kalukuhan. 

"You're hired !

"Thank you, Sir! ha ? What ? Wala ho bang interview ? ano po bang trabaho ko?

"Magiging yaya ka ng mga anak ko! Since, mukhang magaan naman ang loob sayo ni Zach. Alam kung maaalagaan mo ang mga anak ko habang nasa trabaho ako. Tsinek ko na rin yung record mo at mukhang mabuting tao ka naman." tuloy-tuloy na sabi nya.

"Sandali lang po, hindi pa yata nag sync-in sa akin lahat ng sinabi mo. Magiging yaya ako ng mga anak mo? Wala po akong karanasan sa pagiging yaya."

"Di ba kailangan mo ng trabaho?  at kailangan ko ng yaya ! Ang kailangan mo lang namang gawin eh bantayan sila. Yun lang. P15,000 a month a magiging sahod mo.!

"Talaga? ganoon kalaki ?"

"OO. deal?

"Opo sir. Tinatanggap ko po yung inaalok nyong trabaho. Kailan po ba ako magsisimula ?

"NOW !" agad na sagot nya.

WOW ! agad2x naman. Ano to? may lakad kuya? Hindi ba pwedeng magkape muna tayo total nasa coffee shop naman tayo.

"May meeting ako ngayon kaya't ngayon magsisimula ang trabaho mo. Ihahatid muna kita sa bahay ko, nandoon sila Zach at Ayesha kasama ang tyahin nila. Aalis rin kasi ang tyahin nila kaya't kailangan mo silang bantayan ngayon."

"Paano yung mga gamit ko?"

"Well, pagkatapos ng meeting ko pag-uusapan natin yung magiging trabaho mo kaya mamaya na natin yan pag-usapan."

Lumipas ang 30 minuto at nakarating na kami sa kanilang bahay.  Nasa isang village ito, namangha ako sa mga nakita ko. Yayamanin pala itong amo ko kaya't di nakapagtataka kung ganoon kalaki ang sahod ko. 

Pagbukas ng gate ay bumungad sa akin ang batang babaeng tumatakbo patungo sa amin habang umiiyak. 

"Dada !! ahhhh !! huhuhu !!"

"Bakit baby girl, what's wrong ?

"Dada ! Kuya Zach stole my toys" patuloy parin ito sa pag-iyak.

"Zach, ibigay muna kay Ayesha yung laruan nya" 

"Yes, Dada ! Sino siya Dada ? Habang nakatingin sa akin.

"Zach, Ayesha. Remember, Ms. Beautiful ?"

Nakatingin ang batang lalaki sa akin na para bang iniisip nya kung sino ako. Nilapitan ko ito at pinaalala sa kanya kung kailan kami huling nagkita.

"Zach, naaalala mo ba ako? Ako yung tumulong sa'yo nung hinahanap mo yung dada mo sa mall ? di ba ?"

"Yess ! Ms. Beautiful. What are you doing here ?" inosenteng tanong nito.

"Ako yung bago nyong yaya ! pasimpleng sagot ko sa kanya.

"Zach, Ayesha. Ate Claire is your nanny. Siya yung magbabantay sa inyo habang nasa trabaho ako." Dagdag ni Nathan.

"Claire, kailangan ko ng umalis isang oras na lang at magsisimula na ang meeting ko. Bantayan mo ng maigi ang mga anak ko at wag kang magkakamaling gawan sila ng masama, lagot ka !

Ano ?!! anong akala nito sa akin kidnapper o kriminal. Iba din talaga to. 




The Engineer's Instant WifeWhere stories live. Discover now