Chapter 3 - Hot, Undeniable Connection

14.2K 374 12
                                    

Mainit ang ulo ni Letizia kahit na gusto niya ang pelikulang pinapanood sa big screen dahil katabi niya ang lalaking kinamumuhian na guwapung-guwapong pagmasdan ang nakatagilid na anggulo ng mukha at mga matang nakapako sa screen. Nakasiksik sa kanan nito si Nam at siya naman ay nasa kaliwa at kating-kati nang tumayo at iwanan ang dalawa. Akala niya talaga kanina ay panalo na siya sa laro nila ni Sainth. Akala niya ay uuwi na ito. Iyon pala'y matigas din ang binata.
"Enjoying the movie?" baling sa kanya ni Sainth. Hindi niya iyon napaghandaan kaya napaigtad siya. Her eyes captured that frolic grin on his face, kahit na magkunwari pa itong hindi napantastikuhan sa naging reaksyon niya. Lalo tuloy siyang nanggigil.
"Very much."
"Kaya pala nakasimangot ka."
"Ano naman sa 'yo, eh sa ganito ako mag-enjoy?" pagtataray niya.
"Mainit na naman ang ulo mo. Napaso ako."
"Sana malapnos ka pa."
Ngumisi si Sainth. Halatang nawiwili sa kanya. "Type ko talaga ang mga babaeng suplada at palaban," makahulugan nitong saad.
Pinukol niya ng nagngingitngit na titig si Sainth. Kinuyom niya ang kamay para masuntok sa tagiliran ang lalaki pero mabilis nitong nahawakan ang kamay niya kaya nagdaop ang mga balat nila. Ang pagdadaop na iyon ay lumikha ng nakakakiliting kuryente na kumalat sa buong katawan niya. She knew that Sainth felt it too by the way his eyes lit up.
"Bwesit!" pabulong niyang asik sa lalaki sabay wasiwas sa kamay nitong nakahawak pa rin sa kanya. Nagagalit siya sa sarili. Bakit may kuryente? Iyon ang pamosong spark, hindi ba? Leche! Tumayo na siya at walang paalam na umalis. Tatawagan na lang niya si Nam pagkauwing-pagkauwi upang makapagpaliwanag.
Pagkalabas niya ng sinehan ay saka niya palang napuna na kanina pa pala siya hindi humihinga nang maayos. She inhaled deeply.
"Leaving so soon?"
Literal siyang napatalon nang marinig ang boses ni Sainth.
"Anong ginagawa mo rito at ano ba'ng pakialam mo? Kung gusto mo, umuwi ka na rin," pasuplada niyang tugon.
"Akala ko ba hindi ka nagpapatalo? Eh, mukhang umuurong ka na ngayon." Hinimas nito ang baba, ngumisi nang malawak.
She bit her lip. Oh, if only she could scrape that frolic grin off his face. Ngising aso pero bagay na bagay dito. Wala ba'ng hindi babagay sa mukha nito? "Pakialam mo ba? Pakiusap, magbigti ka na!"
He laughed. "Bakit ba galit na galit ka? Sa ating dalawa, ako ang mas may karapatang magalit. You almost made me cum in my casual slacks, remember?"
Nag-flash sa utak niya ang eksenang hinihimas ng paa niya ang size 7 and a half Humongous Moose ng binata. He was really big and thick. Tama ngang tawaging Humongous Moose ang sandata nito. Sa naisip ay nag-init ang kanyang batok. What if he would thrust his meat inside her undefiled flower? Kakayanin ba niya? Sisigaw ba siya? Iiyak? Sabi nila parang kagat lang naman ng langgam iyon. Totoo kaya? Baka langgam ni Zenki iyon na mas matalas pa ang ngipin sa palakol ni diva. Ipinilig niya ang ulo. "P-problema ko pa iyan ngayon? Hindi ko na kasalanan kung malibog ka! Sa himas lang ng paa, tumitirik na ang mga mata mo!"
He chuckled. "Right, sa himas palang ng paa mo. I wonder how it would feel if I strip you naked, and bang you from behind. I'm betting your tight. Virgin ka pa ba?" Mahina lang ang boses nito. Hindi naman tunog nambabastos at halatang nang-iinis lang. Malinaw iyon sa pagkislap ng mga mata nito kada tumataas ang kilay niya o kumikibot ang labi.
Kasabay ng pamumula ng kanyang mukha ay ang pag-igkas ng kanyang palad na dumapo sa pisngi ng binata. "Bastos!"
Hindi natinag si Sainth. Nakaukit pa rin ang malawak na ngisi sa labi nito. "I'll take that as a no."
"Gago ka, virgin pa ako!" hiyaw niya. Huli na nang maalalang nasa pampubliko silang lugar at ngayon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao at lantaran siyang sinusuyod ng tingin ng mga kalalakihan. "Makakapatay ako ng tao," bulong niya sabay talikod.
"Hey, don't go."
"Gusto mong batuhin kita ng sapatos? Nakakabwesit ka! Sino ka ba sa akala mo? Ipinanganak ka lang na may gintong kutsara sa bibig. Pera lang ang dahilan kung bakit naiimpluwensyahan mo ang ibang tao, pero ang totoo ay isa kang mabahong basura! Nakakadiri at nakakasulasol ang amoy mo! Hindi ka dapat sinasamba ng mga tao na tila ba isa kang santo dahil nililinlang mo lang naman sila! Mapagpanggap!" Tuluy-tuloy ang panlalait niya kay Sainth at hindi na niya naisip na maraming tainga ang nakatutok sa kanila.
"Hoy, sino ka rin ba sa akala mo? Kung makapanlait ka sa idolo namin, akala mo naman kung sino kang magaling!" marahas na sigaw ng kung sino sa kanya.
Nagpalinga-linga siya. Hinanap ang may-ari ng boses. Nahindik siya nang makitang papasugod na sa direksyon niya ang grupo ng mga kababaehang pulos nakaitim na t-shirt na may imprintang #SainthWarriors sa harap. Mukhang natiyempong nasa parehong lugar ang mga alipores ng lalaki. Bago pa siya makaurong ay nahatak na siya ng isang dambuhalang kamay. Halos malasog ang buto niya sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya.
"Siya rin yata ang nagpost ng pangit na mensahe sa fanpage ni idol! Iyong nagsabing mabaho ang idol natin!" sabat ng isa.
"Oo, ikaw nga! Halika rito at kakalbuhin ka namin!" Umakma ang babaeng hahablutin ang buhok niya kaya napapikit na siya nang mariin. Naramdaman na lang niya ang pagbaklas ng kung sino sa malabakal na kamay ng avid fan ni Sainth at ang marahang pagpulupot ng mainit na palad sa kanyang pupulsuhan. Pagkatapos ay natagpuan na lamang niya ang sariling hatak-hatak ng kung sino palayo.
"You can open your eyes now, Zia."
Dahan-dahan siyang nagmulat.
"I-ikaw?" Hindi siya makapaniwalang mukha ni Sainth ang masisilayan sa kanyang pagdilat. Iginala niya ang mga mata. Napapalibutan sila ng mga rosas at ng mahalimuyak na amoy ng namumukadkad na mga bulaklak. Nasa loob sila ng flower shop!
Sainth smiled at her. A smile that was both consoling and bruising. Sa dinami-rami naman kasi ng tao sa mundo, bakit si Sainth pa ang nag-abot ng tulong sa kanya? Si Sainth na siyang pinakaayaw niyang tao. Hindi ito puwedeng maging Knight in shining armor at kailan pa ba siya naging damsel in distress? Matapang siya, palaban, hindi pumipiyok. Nagkataon lang na isang grupo ng mga mukhang amasona ang umatake sa kanya. Ano'ng laban niya d'un?
Isang parte naman ng utak niya ang nagsasabing masarap din palang may tagapagtanggol paminsan-minsan. She felt a tweak in her heart. Nababaliw na siya. Tila nasasamyo pa niya ang mabangong Grandi Totale. She always knew that she would hate that scent anywhere, anytime. Pero bakit gustong singhutin ng baga niya ang hanging kasingbango ng Grandi? Maybe it really was a scent made to seduce the soul.
Pagdantay ng magaang kamay sa balikat niya ang bahagyang pumukaw sa paglalayag ng kanyang diwa. She looked up only to meet his gaze. "Sainth..." Half of her brain was still floating in her thoughts. Hindi niya maputol ang malalim nilang pagtititigan.
"I know this feels like a dream, Zia. Don't worry, it's all real. Hindi ka nananaginip lang. Totoong may diyos ng mga griyego ngayon sa harapan mo." May masuyong panunudyo sa tinig nito.
Here we go again. Kailangan bang haluan nito parati ng pagyayabang ang lahat ng bagay? Napabuga siya ng hangin. Nakakapagod kausap ang binata. Nauubos ang enerhiya niya. Masyado nang mahaba ang araw na iyon at maraming bagay na ang nangyari. Nakaladkad siya, nauntog, nakiskis, nahablot, kamuntikan pang makalbo at malunod sa magulong nilalaman ng kanyang isipan. Sa naisip ay lalo siyang nanlupaypay. Kinapa niya ang bag upang siguruhin na nakakabit pa iyon sa balikat. "I have to go," aniya.
"Wait!"
"Puwede ba, pagod na pagod na ako. Sige na, panalo ka na. To follow na lang ang medalya mo. Nakakahiya naman sa iyo."
Kumunot ang noo ni Sainth sa mga sinabi niya. "What are you so mad about? What did I ever do to you? May atraso ba ako sa yo?"
"Wala! Ayoko lang talaga sa yo." Tumalikod na siya at sa pagkakataong iyon ay hindi na nagpahabol ng pang-iinis si Sainth sa kanya.

Sensations: Scent of Temptation (PUBLISHED - MSV Uncut)Where stories live. Discover now