Chapter 2 - What Happens Under the Table

14K 461 17
                                    

Maaliwalas ang panahon at magaan ang ihip ng hangin nang araw na iyon subalit may kung ano'ng mabigat na enerhiyang nagtutulak kay Letizia pabalik sa sinakyang traysikel. Huminga siya nang malalim at tinanaw ang Strauss City Mall sa kabilang kalsada. Dalawang higanteng gusali iyon na pinag-uugnay ng isang connecting bridge sa gitna. Tila nakikita pa niya ang nakangising mukha ni Sainth na nakadikit sa hugpungan ng dalawang gusali.
She snuffed. Hinigpitan niya ang pagkakakipkip sa dalang bag saka tumawid ng kalsada. Sa entrada palang ay nahagip na ng mga mata niya ang pigura ng kaibigang si Snoop na Supervisor ng Kiddieyum, isang pambatang kainan, na dati ay business ng kapatid ni Sainth na ibinenta nang pumanaw ang dalaga pero kinalaunan ay naging shareholder pa din ang mga Strauss.
Binilisan niya ang paghakbang upang maabutan ito. "Snoop!" Kinalabit niya sa braso si Snoop na nanlaki ang mga mata nang makita siya.
“Hoy, anong ginagawa mo rito?” gilalas nitong tanong na wari mo'y nakakita ng multo.
“May kikitain akong tao, si Nam, esyudyante ko. Nagdi-demand na samahan ko siya sa pamamasyal. Bakit ba?" kalmado niyang tugon. Alas-cinco ang usapan nila ni Nam. May sampung minuto pa siya. Ang totoo niyan ay tinanggihan na niya ang babae. Hindi naman kasi ito nag-aanyaya, nagdi-demand ito at may superiority complex por que paangat na itong modelo sa Asya kaya siguro nag-enroll sa english classes online upang hindi mahirapang makipagplastikan.
“Nam? Ang maarte mong estudyante? Eh, hindi ba at tinanggihan mo na siya?"
“Oo nga pero nagbago ang isip ko. Baka naman hinusgahan ko na siya kaagad. So, heto, sasamahan ko siya para mas makilala ko iyong tao."
“Ibig mong sabihin magtatagal ka rito?"
“Oo. Naabisuhan ko na sa text si Nam na papunta na ako rito kanina,” kalmado niyang tugon na taliwas naman sa ekspresyong nakasungaw sa mukha ng kaibigan.
Hindi niya napaghandaan ang biglaang paghatak sa kanya ni Snoop kaya kamuntikan pa siyang matalisod. Dinala siya nito sa likod ng pinakamalapit na standee na nasa tapat ng isang land developer booth. Nagtayuan mula sa kanina'y malinis na pagkakatali ang ilang hibla ng kulot nitong  buhok at bakas sa mukha ang pagkabalisa habang panay ang pagtingin-tingin sa paligid.
“Nababaliw ka na ba? Baka nawala sa isip mo na Strauss City Mall  ito at ininsulto mo lang naman ang may-ari ng kompanya?"
Tumikwas ang kilay niya. “Hindi ako takot sa pa-feeling santong Sainth na iyon. Mapagpanggap. Manlulupig ng mahina. Baka i-axe kick ko pa siya sa mukha, eh."
“Grabe ka, paano kung makita ka ni Sir Sainth dito?"
“Ano ngayon kung makita niya ako? FYI, customer ako rito.”
Nagpapapadyak si Snoop. Mangiyak-ngiyak ito habang niyuyugyog ang balikat niya. “Mapapahamak tayo!"
“Ikaw lang! Boss mo iyon, eh! Ako ba ang nagtatrabaho rito? Bahala ka nga sa buhay mo. Maiwan na kita at baka nasa foodcourt na si Nam." Ihahakbang na lang niya ang paa nang impit na tumili ang kaibigan sabay kabig sa ulo niya pababa na halos ikangudngod ng mukha niya sa kandungan nito.
“Bitiwan mo nga ako, nadudutdot ang ilong ko sa pantog mo!”
“Shush! Papunta dito si Sir Sainth!" bulalas nito.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang papalaking pigura ni Sainth. Mukhang tao ang kuyug-hangin sa suot nitong white polo shirt na maayos ang pagkakarolyo hanggang siko, formal slacks, at black leather executive shoes. Huminto ito sa tapat ng eye clinic at nakipagngitian sa optometrist. She frowned. “Sus, takot ka diyan? Magsuot ka lang ng palda, siguradong—"
Bago pa man niya matapos ang litanya ay nahila na siya ni Snoop papasok ng bookstore. Nagkubli sila sa likod ng mga naka-install na eskaparate. Nauntog pa ang noo niya sa solid shelf dahil sa pagmamadali ni Snoop.
“Ano ba'ng problema mo, Snoop? Takot na takot ka dyan sa hunghang na lalaking mukhang--"
“Tahimik! Kapag ako nawalan ng trabaho, susulsihin ko iyang bibig mo!"
Itinirik niya ang mga mata at nagkasyang panoorin si Sainth mula sa pinagkukublihan nila, sa likod ng patung-patong na mga libro. She cocked an eyebrow. Ano ang kaaya-aya sa lalaking mukhang tinapay na pinalamanan ng expired tuna spread? She could not even understand why the number 1 magazine in the Philippines would want to put Sainth Strauss in Hall of Fame! Hell she cared if he was five times declared as the sexiest man in the country. Amoy at lasang bulok pa rin ito. So what if the expression lines on his face only intensified his male charisma? So what if despite being protected by a decent, virginal polo shirt, she could still imagine him sunbathing in the buff?
Namilog ang kanyang mga mata sa huling bagay na pumasok sa utak niya. Hinding-hindi niya pag-aaksayahan ng oras na isiping nakahubo ang lalaki at ibinibilad ang katawan sa ilalim ng sikat ng araw. Nakakasuka!
“Tara na, Zia. Uuwi ka na," putol ni Snoop sa inilakbay ng diwa niya.
“No! Pupuntahan ko na si Nam, tapos ang usapan.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya at inignora ang ilang ulit na pagtawag ni Snoop sa pangalan niya. Hindi niya nakasalubong si Sainth. Saang impyerno na naman kaya ito nagsuot? Mabilis niyang iwinasiwas ang tanong na iyon sa kanyang isipan. Hindi pinaglalaanan ng oras ang isang walang kuwentang nilalang na nabuhuhay sa sanlibutan.
Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang foodcourt. Hindi siya nahirapang hanapin si Nam. Para itong lampara na laging nagliliwanag sa kaputian. Kaagad siyang namataan ni Nam kaya tumayo ito at sinalubong siya ng pinakamalawak na pekeng ngiti.
“Oh, I thought you’re not coming,” anito matapos siyang hagkan sa pisngi. "That's why I texted my boyfriend to come over. I hope you dont mind. Im sure you’re used to being the third wheel,” anito at dinugtungan ng nakakalokong pagtawa.
Napangiwi na lang siya. Maysa-demonyita talaga ang babaeng ito. Sumulyap siya sa suot na wristwatch. Quince minutos pala siyang late sa napagkasunduan nilang oras. Lumagpas ang tingin niya sa balikat ni Nam at tinanaw ang sinasabi nitong boyfriend na nakaupo patalikod sa kanila. The mystery man had a pair of strong, and steel-straight shoulders. Na tila kaysarap sandigan. And his nape, gosh, his nape could enthrall even the wicked antagonist of happily-never-after.  Abala ito sa pagbuklat ng menu kahit na alam naman siguro nitong hindi doon kakain si Nam. Hindi kasi sanay kumain sa foodcourt ang babae.
"I'll introduce you to my boyfriend!"
Ni-relax na niya ang katawan habang naglalakad palapit sa mesang okupado ni Nam at ng boyfriend nito. No need to fret. Wala naman na ang lalaking pinagtataguan nila ni Snoop, and even if he was around she wouldn't care. Hindi naman siya apektado sa presensya nito.
“Baby!” tawag ni Nam sa nobyo.
Unti-unting naglaho ang maisog na ngiti sa labi niya nang tumayo at lumingon sa direksyon nila ang sinasabing boyfriend ni Nam. Pamilyar ang puting polo shirt na nirolyo hanggang siko, ang itim na slacks at ang executive leather shoes. The iron-hard chest and of course the strong, steel-straight shoulders, there could only be one name. And as if on cue, nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Pakiwari niya ay nasunog siya sa mainit na paraan ng pagtitig nito sa kanya.
“Lagot na."

Sensations: Scent of Temptation (PUBLISHED - MSV Uncut)Where stories live. Discover now