Chapter 1 - The Scorching Hate Message

23.7K 532 31
                                    

’The Most Regal and the Best Perfumes of All Time – Sainth's Scents, presents the newest scent that seduces the soul, Grandi Totale. Now available in all Strauss City Malls.
Awtomatiko ang pagguhit ng malalim na ismid sa labi ni Letizia pagkabasang-pagkabasa niya sa FB post ng isang kakilala sa facebook na ang orihinal na kopya ay nagmula sa official facebook fanpage ni Sainth Mercxi Paul Strauss; ang COO ng Sainth's Scents at Strauss City Malls. Mag-isa na lang itong naninirahan sa Pilipinas. Ang mga magulang nito ay nasa Amerika na. Ang alam niya ay may kapatid itong babae pero pumanaw na dahil dinapuan ng malubhang sakit.
Si Sainth, he's nice and sweet only to women with healthy sexual appetites. Born with such a huge ego and could not stay monogamous! Allergic nga yata ito sa salitang steady. 6-pack abs at matangos na ilong lang naman ang pinagmamalaki nito, and maybe that gangrenous dick inside his signature briefs. So what if it was rumored to be really huge and was given the nickname, ‘The Humongous Moose.' Ano'ng pakialam niya d'un? Kapag nahuli niya ang 'Humongous Moose’ nito, pipilipitin niya iyon hanggang sa manlupaypay at tuluyang mawalan ng silbi.
Kinutkot lalo ng kuko niya ang mouse at hindi matigil sa pagkuyakoy ang kaliwang binti habang naniningkit ang mga mata. Kanina pa tapos ang pagtuturo niya ng english online sa mga estudyanteng koreano, thai, at taiwanese kaya oras na ng pagmamanman niya sa buhay ng sikat na retired supermodel at ngayon ay magaling na businessman. Araw-araw siyang nakaabang at naghihintay kung kailan bubulusok pababa ang karera at mga negosyo nito. Tatlong beses sa isang araw ay sinasambit niya ang kahilingang mangudngod ang binata nang wala nang ipinagkaiba sa plateau ang dulo ng ilong nito.
88 friends reacted to the post. Love at like lahat. Walumpu't walong katao ang nakigulo sa walang kuwentang post na iyon, at ni hindi lumampas sa ninety ang friends niya sa napapanis niyang FB account. Parang may sariling buhay ang mga kamay na nagpipindot sa keyboard hanggang sa humantong siya sa FB fanpage ni Sainth. Lalong naningkit ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya ang nakangiting profile picture ng binata. Hah! His fucking face looked like a bulbous dick in orgasmic state. Nakakadiri ang mukha nito.
Nakakadiri nga ba, Zia? anang maliit na bulong sa likod ng utak niya. Muli niyang minasdan ang picture ni Sainth. Close-cropped chocolate brown hair, cut jaw and eyes with a permanent glint of wickedness.
She groaned. The man was a player who ate women for breakfast! That should be enough para ituring niya itong kasuklam-suklam.
May malalim na galit siya para sa mga lalaking kagaya ni Sainth—rich, powerful playboys with innocent, angelic names.
One; Angelito Jarder, her father, was the 1960s version of Sainth who took pleasure in breaking hearts. Hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama. Kinamumuhian niya ito dahil maliban sa apelido nito ay wala na itong ibinigay sa kanya. Isa itong pabaya at walang kuwentang ama. And probably, he didn't really like her. It was fine. Hindi niya rin ito gusto. Ang huling balita niya, nag-leak ang sex scandal nito online. Hindi na siya nangahas na panoorin iyon dahil hindi naman niya pinangarap na makita ang hubad na katawan ng papa niya. Nireport lang sa kanya ni Snoop, ang bestfriend niyang bading, na batang-bata raw ang kasama ng papa niya sa video at galing sa mayaman at makapangyarihang pamilya ang babae.
Two; Saviour Goodman, ang unang naging nobyo niya ay kasingkulay din ng balahibo ng tatay niya. Playboy at gustong mag-ulam ng tahong. Ayaw niyang ibigay ang gusto nito kaya naman lagi itong may carnal expedition to tahong islands.
Three; Guardian Langit, her ex-boss was a certified pervert. Naglilinis-linisan sa simula pero sa huli'y lumabas din ang tinatagong pangil. Halimaw ito at gusto lang maka-score.
Four; Jesus Vicente Wagas, the rich neighbor from her past. Kuno mabait. Iyon pala'y kinukuha lang ang loob niya para mai-kama siya.
And here’s Sainth. Sainth Mercxi Paul! He's not a ‘Saint’ and definitely not ‘Merciful.’ Kunwari hindi bulok pero may itinatagong masangsang na amoy. Kung tratuhin ang mga babae parang ulam in can na mauubos sa isang kainan tapos magbubukas ng panibagong lata.
The man was wicked.
A menace.
Dangerous.
Maraming babae na ang pinaasa at pinaiyak nito. In an exclusive interview, he explained himself, wala raw itong binibitiwang pangako kaya wala itong pinapaasa.
The nerve! Kaya naman sa tatlong magkakaibigang pulos palikero--si Sainth, Sanz at Ryd--ay kay Sainth siya pinakagalit. Sa tatlo, si Sainth ang mestisuhin at mamula-mula ang balat. Si Sanz ay maliwanag ang kaputian at maalun-alon ang buhok na natural ang light brown na kulay. Si Ryd ang mabalbon at tall-dark-&-handsome ang peg. Parehong mga babaero at wala nang ginawa kundi ang magpakaligaya sa buhay nang husto. Gayunman ay namumukod tanging si Sainth ang pinakakinaiinisan niya.
Bukod d'un sa interview, talagang mainit na ang dugo niya sa binata. Maybe he was her mortal enemy in her past life, noong mga tipaklong pa sila.
Ibinalik niya ang atensyon sa picture ng binata. “Kung makangiti dinaig pa ang santo. Walang hiya, ang kapal. Mapanlinlang ang mukha! palatak niya at patuloy na inusisa ang profile ng lalaki. Nakapaskil sa wall nito ang dagsa-dagsang events na sinasalihan. Naki-parte pa ito sa World Blood Donor Day at may litratong naka-thumbs up habang kinukuhanan ng dugo.
Napaismid siya. Plastic, himutok niya. Ang karamihang dinadaluhan nito ay mga financial wellness seminar. Ang pinakahuling event na nakapost sa wall nito ay ang 'The Scent Party' na ginanap nang i-launch ang Grandi Totale sa publiko. Pagkatapos nun ay isang video na sa malamang ay in-upload ng Admin na nagmimintina sa page na iyon. May caption ang video na: Don't judge her. She's INNOCENT. Hindi naman ma-play dahil either with restricted content or nabura na raw.
“Kawawa naman ang girl nauto ng matandang hukluban," basa niya sa pinakahuling comment saka itinuloy na ang pagscroll up.
Napabuga siya ng hangin. Hinayaan niyang tubuan ng utak ang mga kamay at pinabayaan iyong tumipa nang tumipa and, voila, nakabuo siya ng pinakamakabuluhang post mula sa daigdig niya—daigdig ng malakas at hindi pa nakukuntamina ng kuyug-hangin.
’Viral post: Sainth's Scents, presents the newest garbage scent from the garbage mind of the COO, ang feeling santong COO. Basura ka at ang kompanya mo. Akala mo kung sinong mabango. Nakakasuka ang baho mo. Latak! #garbage #pwe #walangkwenta #mabahoka
“All caps for emphasis. Lamunin mo!
Wala pang  limang segundo ay sunud-sunod na ang pasok ng notifications at friend requests. Friend request para ma-access ang private account niya. Pinutakti ng bayolenteng reaksyon at bumaha ang komento laban sa post niya sa official fanpage ni Sainth.
“Mga hayop, bitches to the rescue. Sila na nga ang inuuto pero sila pa itong kamping-kampi sa walang kuwentang lalaki." She clicked the 100+ notifs in bold red. Lahat halos ay mensahe ng panggigigil sa kanya. Kung nakakamatay lang ang hate messages, pihadong kanina pa siya sumakabilang-buhay.
She flipped aside a few strands of her bitchy bobcut. Hindi siya apektado, gawa sa aspalto ang puso niya. Tumayo siya at in-stretch ang mga braso at binti. Naghi-hip rotation na siya nang tumunog ang kanyang telepono.
Snoop calling...
Sumalampak uli siya ng upo at nakipagtitigan sa screen ng computer. Tiyak pagagalitan na naman siya ng mahaderang bakla na sa kasawiang palad ay isang dekada na niyang matalik na kaibigan at sa malas ay isa sa daan-daang empleyado ni Sainth sa City Mall nito. Kung bakit naman kasi sa dami ng pinagpasahan nito ng resume noon ay tanging ang Strauss City Mall lang ang kumontak dito.
She picked up the phone. “I know, I messed up again but I did it on purpose and I'm not sorry." Inunahan na niya si Snoop. Sunud-sunod ang pagbuga ng hangin ni Snoop sa kabilang linya. Na-iimagine na niya ang paglaki lalo ng butas ng ilong nitong hugis mais. Sa kanilang dalawa ay ’di hamak na mas maayos ang takbo ng utak nito kahit na madalas ay mukha itong beking nabugbog ng kuya ng babaeng inagawan ng boyfriend.
“Ano na namang kahibangan ang sumanib sayo? Si Sainth talaga ang t-in-arget mo ngayon?"
“Correction, si Sainth lang naman talaga ang target ko.
“Kakaloka, ang tapang mo rin ha. Trending ka worldwide! Puro mukha mo ang nasa newsfeed ko!" nakukunsuming bulalas ni Snoop.
“Mainam ’yan para magsawa ka sa pagmumukha ko.” Humikab siya at inipit sa pagitan ng kaliwang tainga at leeg ang aparato. In-expect na niya ang reaksyon ng madla at hindi siya takot. Kapag binato siya ng mga ito ng kamatis ay sasaluhin niya iyon at isasahog sa ginisang itlog.
Isa-isa niyang pinaraanan ng mata ang dagsa-dagsang komento sa ilalim ng wall post niya.
Joyce L, Cris Ysulan, Anj Fortuna and 100K  other people commented on your post in Official: Sainth MP Strauss Fanpage.
Akala mo kung sino kang maganda! Ang kapal ng mukha mong babae ka!
Anong tingin mo sa sarili mo, Diyosa?
Hoy, tingin-tingin din sa salamin ’pag may time
@Letizia Bitch, go to hell! F*ck off!
Wala kang lugar sa mundo, magbigti ka na! #JusticeforSainth
Post pa more! #RIPletizia
War na this. #prayforletizia
Natawa lang siya. Wala siyang pakialam. Baka pagbubuhulin pa niya ang bituka ng mga dedicated followers ni Sainth.
“Siraulo ka talaga," ani Snoop.
Inilipat niya sa kabilang tainga ang cellphone. “Sige na, marami pa akong gagawin. Tatawagan na lang kita kapag ibinalibag na ako ni Sainth."
“Baka nga ibalibag ka."
“Subukan niya lang."
“Ibabalibag ka sa kama!" dagdag ni Snoop.
Napangiwi siya. “Nakakadiri ka. Hindi ko inasam ang mabalibag sa kama ng ogre mong boss. Maghugas ka nga ng utak, ang dumi na, eh." Pagkasabi niyon ay in-off na niya ang phone at tinapunan ng pinal na tingin ang screen ng computer bago tuluyang pinindot ang power off button.

Sensations: Scent of Temptation (PUBLISHED - MSV Uncut)Where stories live. Discover now