Chapter Sixteen

5.7K 63 8
                                    

Sa wakas, after the long wait para sa karamihan sa inyo, ito na po ang Chappie 16. Mamaya ko na sasabihin ang dahilan bakit late kesa sa status ko yung chapter, baka excited kayo masyado eh. ^_^V

Nga pala, dedicated ang chapter na ito kay jlove279 na napaka-sipag pala mag comment sa mga chapters ko. Salamat :D


Chapter Sixteen


10…

 

Hindi talaga alam ni Kat pero talagang guilting-guilty siya sa ginagawa niya. Ngayon lang niya nagawa ito kay Carlo.

Pano pa niya ko pagkakatiwalaan niyan kapag nalaman niya to? Pano na?

Nagtype siya sa computer bago sumilip sa pintuan ng boss niya. Nang makita na may kausap sa telepono si Carlo, binuksan niya ang isa pa niyang document bago tinuloy ang pagtatype ng assignment.

Bakit nga ba ngayon lang niya ginagawa ang assignment para sa school niya?

Hindi din niya alam eh. Basta ang alam lang niya lagi niya sinasabi noon na “bukas na lang” o kaya naman “mamaya na lang.” Ayan tuloy, sa kakapabukas niya, malapit na ang deadline at nasa kalahati pa lang siya ng paper niya para sa project niya for Marketing- major pa niya.

Haaay. Sakto pa talaga na busy pa kami ngayon dahil sa Mecca Ads. Ano ba talaga uunahin ko?

“Katrina.”

Halos sumigaw siya nang makita si Carlo sa harapan ng mesa niya.

“B-bakit po?”

Sinubukan niyang alisin ang document habang nakatingin kay Carlo. May nakita siyang pop-up sa dulo ng paningin niya at pinindot na lang ang enter sa keyboard. Nakaluwag siya ng hininga nang makita ang background ng Windows.

Ayos, hindi niya napansin! ^_^

 “Alam ko busy ka pero pwedeng pa-singit lang muna nito?” Pinasa sa kanya ang isang maliit na papel na may ilang sulat.

“Sige po.”

“Agenda kasi ito para sa next meeting ko with the President of Mecca Ads. Maayos naman na ang lahat. Baka bukas o sa isang araw mabili na natin sila. Nagsi-skim na lang kami sa mga detalyeng kailangan bigyan ng pansin. Patype na lang then print six copies then give it to me. ”

“Sige po, sir.”

“Hihintayin ko yan ngayon hapon.” Nakahakbang na ito paalis ng biglang bumalik ito sa kanya. “Siyanga pala, may dumating bang package dito?”

“Wala naman po.”

“Ganun ba? May hinihintay kasi akong pakete at importante siya. Ok lang ba kapag dumating ito kung sayo muna?”

Ha? o.O Akala ko ba importante? Eh bakit ganun yung bilin niya? Ang gulo ah!

“Ha? B-bakit po?”

“Basta. Ingatan mo yun at ayokong ibabalik mo sakin yun ng hindi mo binasa ang nakasulat. Basahin mo muna saka ka mag-isip ng desisyon kung ibibigay mo ba sakin o hindi.”

“S-sige po.”

Tuluyan na itong umalis.

Ano naman kaya yun?

Bago pa niya tuluyan napagisipan ang nangyari, binuksan ulit niya ang computer niya at nagtaka nang hindi niya makita ang document ng assignment niya. Mahaba na din na oras ang nagastos niya bago siya nakaisip ng suspetcha niya sa pop-up kanina

My Husband My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon