Chapter Five

9.2K 162 5
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay AnneBernadetteCastueras dahil hiniram ko ang pangalan ng character niya para sa character ko dahil sa ganda ng story nyang "My Facebook Boyfriend... for real?" na hindi ko pa tapos basahin, haha. At ayan na ha? Double update in one day dahil nainspired na naman ako sa last update ni ate glimmer. Hindi ko mapa-promise na may update na agad bukas or sa tuesday kasi pala may assignment daw for tom so I dunno, just stay tuned na lang siguro.

Chapter Five

 “Bilib ako sayo, friend. Natututo ka na lumaban sa iba,” patawang sinabi ng BFF ni Katrina na si Christy.

“Hindi naman. Napuno lang kasi ako sa kanila. Ang gulo gulo kasi nila eh.”

“Tama lang naman yan. Ang usi kasi nila eh. Love life ba nila? Hindi, diba? Haay naku friend, hindi ko talaga ini-expect na magpo-propose si Papa Carlo sayo. Pano ba naman yung mga kwento mo sakin tungkol sa kanya, nakakaturn off kasi para siyang robot. Di man lang ngumingiti o tumatawa. Gusto ko naman kung magkakaboyfriend ako, may sense of humor man lang kahit na hindi kasinggwapo ni Papa Carlo.”

Kakatapos lang ng klase nila ni Christy kaya papunta na silang gate ngayon para umuwi.

“Ano nga pala reaction ng papa mo nung nalaman na kasal na kayo ng boss mo?”

“Nagulat siya. Muntik na nga ata magkaroon ng pangalawang atake sa sobrang gulat niya eh. Buti na lang at naging ok din siya sa huli.”

“Eh bakit ba biglaan na lang ang proposal niya? Ano bang meron?”

Nagkibit balikat siya. “Sabi niya kasi biglaan din daw yung engagement niya kay Celine at wala na siyang maisip na paraan para umiwas sa kasal niya. I think he doesn’t like her that much.”

Natawa si Christy. “That much? Girl, kung pahihiyain niya ang isang babae sa mismong araw ng kasal nila, I think it means na he doesn’t like her at all.

“Bakit naman niya hindi magugustuhan si Celine? Eh hindi naman sila ganoong magkakilala para magkaroon ng dislike.”

“Malay mo may radar pala yang hubby mo at may tinatago palang ibang personality si Celine na parang Mr. Jekyll and Mr. Hyde?”

“Sus. Or baka ayaw lang talaga niya muna magpakasal sa iba.”

“Then why get you involve?”

“I dunno. Trip niya?”

“Hmm.” Biglang napangiti si Christy. “Speak of the devil, hindi ba yan yung gorgeous husband mo sa may gate?”

“Huh?”

Napatingin si Kat sa gate at nakita nga niya ang kanyang asawa na nakasandal sa isang Porsche Cayman na itim habang nakatingin sa kanya. Nakashades ito at naka itim na polo and black pants.

Nagbulungan ang mga katabi nila.

“Wow, ang sosyal naman ng sasakyan ni Kuya. Porsche pa.”

“Kakatakot nga eh. All-black. May namatay ba?”

“Hindi ba niya alam na bawal pumarada sa harapan mismo ng gate?” bulong niya na narinig naman ni Christy.

“Pakipot ka pa, friend. Ikaw na nga tong sinusundo niya. Go ka na!” Tinulak siya ng unti ni Christy para bilisan ang lakad.

“Opo. Eto na nga, binibilisan na nga eh.”

~~~

“Anong ginagawa nyo po dito?” Tanong niya ng magkatapat na sila.

My Husband My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon