Chapter 58: Confessions

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ma I have the right to know..sabihin mo sakin.."

Nakayuko lang si Mama..Tumulo na iyong luha niya..

Nilapitan ko siya at niyakap..Naawa ako sa Mommy ko..I know it was hard for her..

"It's okay Mom kung hindi mo pa kayang sabihin.. Naiintindihan kita Ma..Alam ko mahirap sayo ang mga nangyari noon.."

Naiintindihan ko ang lahat..Kilala ko ang lolo ko..Kapag gusto niya ang isang bagay, gagawin niya ang lahat para lang makuha niya iyon..Kahit nga ako na apo niya, hindi ko mapalambot ang puso niya..Lolo is very strict..

"No Kurt..Kailangan kong sabihin sa'yo ang lahat..Ako ang may kasalanan nito.."

"What do you mean Mom?" 

Naguguluhan na ako..

"Kurt..Si Yumi ang anak ko sa labas.."

Parang gumuho ang buong mundo ko sa sinabi ni Mama..Si...si Yumi?

Kapatid ko sa ina si Yumi?

si Yumiko?

"Si Yumi Ma? Sinong Yumi?..... Hindi naman siguro si"

"I'm sorry anak.."

kapatid ko ang babaeng pinakamamahal ko?

kapatid ko ang babaeng pinakasalan ko?

"Alam na ba 'to ni Yumi ma?" tanong ko sa kanya

Tumango lang si Mommy..

Kaya ba iniwan ako ni Yumi? Dahil ba magkapatid kami..

"Ibig sabihin ma..Magkapatid kami ni Yumi?"

Matagal din bago nagsalita ulit si Mama..

"Bakit hindi mo sinabi agad ma? Bakit? Bakit hinayaan mong umabot pa kami sa ganito?"

"Kurt..Alam mo namang mahal na mahal ka namin ng Daddy mo.."

Fvck na buhay 'to..Hindi ko maintindihan..

"Ma, deretsuhin mo ako..Huwag kang magpaligoy ligoy..Mas lalo mo lang akong pinapahirapan.."

"Kurt anak..Hindi kami ang tunay mong mga magulang.."

Anong?....

Sino ang tunay kung magulang?

Sino ba talaga ako?

Kung ganun..Ibig sabihin, hindi kami magkapatid ni Yumi?

"Anak I'm sorry kung hindi namin kaagad nasabi ng Daddy mo..Nong kinasal kami ng Daddy mo, pinilit kami ng Lolo mo na magka-anak agad..Kaso lang baug ang Daddy mo..Kaya hindi kami maka-buo..Kaya ang ginawa ng Lolo mo, kinuha ka niya sa tunay mong mga magulang..Hindi alam ng mga magulang mo na buhay ka pa..Dahil pinalabas ng Lolo mo na patay ka na pagkatapos kang iluwal ng tunay na nanay mo.."

Kinuha nila ako sa tunay kong mga magulang? Ginawa ni Lolo iyon? Nagawa ni Lolo iyon?

Parang gusto kong mabaliw sa lahat ng mga narinig ko..Totoo ba ang lahat ng ito o resulta lang ito ng alak kaya naghahallucinate ako..

"Sinong tunay kong magulang Ma?"

Parang may pagalinlangan sa mukha ni Mama..pero kailangan kong malaman..Gusto kong malaman..May karapatan akong malaman..

"Sino ma? sabihin mo sakin.."

"Ang Tita Margaret mo Kurt..Magkapatid kayo ni Paolo..Patawarin mo ako anak kung hindi namin agad sinabi..."

Si Tita Margaret? Magkapatid kami ni Paolo?

Hindi nga kami magkapatid ni Yumi pero magpinsan naman kami.

Pero hindi, dahil kapatid ni Daddy si Tita Margaret at anak ni Mommy si Yumi. Ibig sabihin hindi kami magkadugo ni Yumi. 

"Ibig sabihin hindi talaga kami magkapatid ni Yumi?"

Parang pinatong sa mga balikat ko ang sampung toneladang semento nong nalaman kong hindi ako tunay na anak ng mga kinilala kong magulang..Ang daming umiikot ngayon sa isipan ko..

Pero para din akong inilipad sa ulap nong nalaman kong hindi kami tunay na magkapatid ni Yumi..

"Hindi kayo magkapatid ni Yumi anak..Nong nalaman kong ikakasal kayo ni Yumi..natuwa ako dahil makikilala na niya ako, makikita ko niya siya kahit kailan ko gusto..magiging ina niya ako kahit papaano..Nilihim ko sa kanya iyong totoo dahil alam ko hindi magiging maganda ang epekto..Marami ang masasaktan..Pero dapat sana na sinabi ko na agad sa kanya ang totoo..Patawarin mo ako anak..Puntahan mo ngayon si Yumi at sabihin mo sa kanya ang totoo..Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanya pero hindi pa siya handang harapin ako.."

Alam ko madami pa kaming dapat pag-usapan ni Mama tungkol sa totoo kong pagkatao..Pero makakahintay naman ako patungkol sa totoo kong pagkatao..

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko..

"I'll talk to you later Mom.."

Kailangan kong makita agad si Yumi at sabihin sa kanya ang totoong hindi kami magkapatid.."

Pumasok ako ng kotse ko at pina-andar na iyon..Pero hindi ako sigurado kung nasan si Yumi ngayon..Kinuha ko iyong phone ko at dinial ang number ni Vince.. 

Calling Vince..

 (Hello Kurt?)

"Vince? Asan si Yumi?"

 (Si Yumi? Andito siya sa shop..Bakit may problema ba?)

"Papunta na ako diyan ngayon..Huwag mo siyang papaalisin..May mahalaga akong sasabihin sa kanya.."

 (Cge cge ako na ang bahala sa kanya..)

"Salamat pare.."

Pagkatapos non eh  pinaharuruot ko na iyong kotse papuntang shop..Malapit lang naman iyong shop..pwede nga lang lakarin ehh pero mas mabilis talaga pag naka kotse diba?

Malapit na akong makarating sa shop ng biglang.......

may malaking truck na sumalubong sa sasakyan ko..

*Beeeepppppppppppppppppppppppppppppp*

Sinubukan kong umiwas sa truck..

pero....

*BOOGGSSSHHH!!!*

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon