Chapter 29: Longest Night

283K 3.2K 177
                                    

YUMI's POV

Gumagawa ako ng homework ko ng magpaalam si Kurt sakin..

Nagkayayaan daw kasi ang barkada niya..

Eh? May barkada na pala siya? Akala ko kasi si Gab lang ang kaibigan niya..

Syempre pumayag naman ako..

Saglit lang daw kasi and on top of it

Contract wife lang naman ako diba?

Naging busy ako sa mga homework ko kaya hindi ko napansin na malapit na pala mag 10 PM. Pero hanggang ngayon hindi parin bumabalik si Kurt. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan na sana siya ng bigla nalang tumunog ang doorbell namin.

Diing Doong..

Bumaba na ako at binuksan ang gate namin, hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mag doorbell eh meron naman siyang susi. Pero nagulat nalang ako ng hindi si Kurt ang nasa labas ng gate namin kundi si..

O_o

"Gab?"

Hindi ko talaga inasahan na pupunta siya dito. Gabi na para bumisita siya.

"Hi Yumi.."

Bati niya sa’kin na nakangiti pa.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya. 

"Binibisita ka.."

"Pero gabi na..Bukas ka na lang bumalik.."

 Ang awkward lang, noon pag nakikita ko si Gab sumasaya ako parang ayoko ng siyang humiwalay sa’kin pero ngayon naiilang ako sa tuwing nakikita ko siya.

"Nag-aalala lang kasi ako.. Wala si Kurt diba?"

Sabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na wala si Kurt sa bahay namin.

"Paano mo.."

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, bigla nalang pumasok si Gab sa loob ng gate namin at dumeretso papasok ng bahay.

"Pwede ba humingi ng juice?"

Tanong niya habang nakaupo na siya sa couch namin. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang kung umasta si Gab.

Ano bang nangyayari?

“Cge saglit lang..”

Iniwan ko na muna siya sa sala at dumeretso sa kusina para kunan siya ng juice. Saka ko lang siya binalikan dala ang baso ng juice niya.

"eto na pala ang jucie mo..."

Inilagay ko sa center table iyong juice..

"Salamat Yumi.."

 Umupo narin ako sa couch kaharap niya.

"Gab pano mo pala nalaman na wala dito si Kurt?"

tanong ko sa kanya..na curious talaga ako ehh..

"Ha? Ahh wala kalimutan ko na lang yun.."

sabi niya habang iniinom niya iyong juice

"ahh Gab..ano kasi..hindi pa ako tapos sa ginagawa kong assignment.."

Pagpapalusot ko para umalis na siya. Hindi talaga ako kompotable na andito siya lalo na at kami lang dalawa andito sa bahay namin ni Kurt tapos gabi na. Ano nalang ang masasabi ng mga kapitbahay namin na nakakita kay Gab kanina sa labas.

"Okay lang yun..Dito na lang muna ako.."

tapos kinuha niya iyong remote sa mesa..

Feel at home lang? nanonood ng TV? 

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon