Chapter 37: Gab's Angel

289K 3.2K 165
                                    

GAB's POV

Tumawag sakin kanina si Kurt para iparating ang magandang balita na tuloy ang kasal nila ni Yumi..

Akala ko talaga hindi na matutuloy iyong proposal ni Kurt kay Yumi..Todo effort pa naman kami non..Pinilit pa naming pasayawin si Kurt..hahaha..Ang totoo non trip lang talaga namin ni Paolo na pasayawin si Kurt.. Ayaw na ayaw niya kasing sumayaw..Pero dahil kay Yumi, ginawa niya yun..haha..Laughtrip lang talaga nong tinuruan namin siya sa mga steps..Mas matigas pa sa bato ang katawan niya eh.. :))

Kung tinatanong niyo sakin kung nasasaktan parin ako..Syempre meron pa din pero mas nangibabaw iyong saya ko para sa kanila..

Tanggap ko na na hindi talaga kami para sa isa't -isa ni Yumi..Sabi nga nila, when one door closes, another door opens..Parang ganun..

Dahil tapos na lahat ng class ko sa araw na 'to, naisipan kong tawagan si Kurt..Pero busy daw siya..Alam niyo na..Busy kay Yumi..si Paolo din naman busy din kay Jane..

Loner ako ngayon -__-

Napag-isipan ko na lang pumunta ng starbucks para makapagkape..

 "Mocha Frappuccino"

Tapos naghanap na ako ng pwede kong mapag-upuan..

Kinuha ko na lang ang laptop ko at nagfacebook..

"Ohh it's you again.."

Napatigil ako sa pagfafacebook at napatingin don sa nagsalita..

"ohhhh? Kilala ba kita?"

tanong ko sa kanya..Familiar iyong mukha niya pero hindi ko maalala kung san kami nagkita..

Iniisip ko talaga kung saan..

"Nevermind.."

sabi niya tapos tumalikod..

"Wait...It's you from the last time right?"

humarap ulit siya sakin at ngumiti

Iyong anghel na nakita ko nong nakaraang buwan..

Iniwan ko pa siya non dahil kay Shanice..

"Now you remember.."sabi niya

"Have a seat.." sabi ko sa kanya

"Thanks..So are you going to tell me now what happened the other time that you have to leave me without any explanations?"

Lagot na talaga..Kahit magaling ako sa school stuffs hindi ako ganun kagaling mag ingles..Hindi lang nosebleed aabutin ko dito..

Nag smile na muna ako..Iisipin ko pa kung anong tamang english ehh..

"Do you understand tagalog?" tanong ko sa kanya

"konti lang.." sabi niya

Oo nga pala..Nagtagalog pala siya nong tinanong niya ako noon..Nakakatawa parin tagalog niya..

Mabuti na lang at nakakaintindi ito ng tagalog..hahaha..Hirap kaya mag english..O kayo kaya..

"Ganito kasi nangyari non..Pero ano pala name mo?" tanong ko sa kanya

"I should be the one to ask you first..What's your name?" 

Akala ko magtatagalog siya eh..Pero okay narin ako nalang ang magtatagalog..Nakakatawa kasi tagalog niya..may accent..haha..

"Gabriel dela Cruz..Gab nalang itawag mo sakin..so anong pangalan mo?"

"Leeyan..Leeyan Mitchell..so mind to explain now?"

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon