Chapter 39:WIDIWDLY?

56.7K 1.5K 284
                                    

Chapter 39

"OH MY GHAD!!" nanlaki ang mata naming dalawa at kaagad na humiwalay sa sa isa't isa nang biglang may sumigaw.

Hindi namin napansin agad na pumasok pala ulit sila kaya nakita nila kami sa ganung sitwasyon.

We're kissing... ano bang nangyayari sayo Avery? Bakit mo ba kasi siya hinalikan. Bakit ang tanga ko?!

"K-kayo?" tanong nung nasa ginta habang nanlalaki parin ang mata.

Nakayuko lang ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman akalain na babalik sila at ang malala nakita pa nila kami sa ganung sitwasyon.

Sobrang nahihiya ako sa sarili ko.

"S-sorry." nakayuko kong sabi at nagtatakbo palabas ng Ladies Room.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Nakayuko ako habang nasa harapan niya.

Para sa kanya wala lang na may nakakita sa aming dalawa na nasa ganoong sitwasyon samantalang ako hindi ko na alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanila kapag nakita ko sila.

Lalo na kapag malalaman ni Dad ang nangyari ngayon. Paniguradong sobrang madi-disappoint sa akin si Daddy at 'yon ang ayoko na mangyari.

"I'm sorry." seryoso niyang sabi at akmang hahawakan ang pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko huwag niya lang mahawakan.

"Okay lang, kasalanan ko din naman kasi ako ang unang humalik." nakangiti kong wika at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang gilid ng Jersey short na suot ko para pigilan ang sarili ko dahil pati sa kanya ay nahihiya ako.

Akmag aalis na ako ng pigilan niya na naman ako. Oo nga pala, hindi ko pa nasasagot ang tanong niya.

"I want to be happy." nakangiti kong wika habang nakatitig sa mata niya.

Gusto ko siyang yakapin muli at langhapin ang pabango niya na humahalimuyak sa ilong ko. Pero hanggang dito nalang ako kasi wala na talaga.

"...with you." dugtong ko at nakita kong ngumiti siya dahil sa sinabi ko.

Bakit ang daya mo Xander? Bakit ngayon mo lang pinapakita sakin ang ngiti sa labi mo. Ngiti mo na muling nagpapa-tanga sa akin at nagpaparupok sa akin.

"Pero." biglang nawala ang ngiti sa labi niya pero patuloy parin akong ngumiti sa harapan niya.

"the answer is NO!" sagot ko at tuluyan ng lumungkot ang mata niya.

Napansin kong mas dumami ang dugong dumadaloy sa kamao niya dahil sa pagsuntok niya sa salamin. Parang wala lamang sa kanya na may sugat siya sa kamao niya kasi hindi manlang niya tinatakpan ng panyo para tumigil sa pagdudugo.

"Why?" nanginginig ang boses niyang tanong.

"Simple lang...napagod ako," saad ko habang nakatitig sa mata niya.

"Sabi nila kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka dapat mapapagod na mahalin siya kahit pa sinasaktan ka niya araw-araw," alam ko na sa bawat pagtitig niya sa 'kin ay umaasa siya. Umaasa na sana bawiin ko ang sinabi ko.

Maging ako gusto ko din bawiin pero ayoko na talaga. Ayoko ng masaktan pa. Sobra na!

"Pero napagod ako Xander," umiwas ako ng tingin kasi nanghihina ako.

"Mahal ba talaga kita o Infatuation lang ang nararamdaman ko para sayo? Yung bang akala ko mahal kita pero hindi naman talaga. Siguro nga."

Muli akong tumitig sa mga mata niya, nakikita kong nasasaktan siya.

"...siguro nga infatuation lang 'tong nararamdam ko para sa 'yo," gusto kong bawiin ang sinabi ko pero wala na dahil narinig na niya mula sa labi ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang