Epilogue

427 7 0
                                    

When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile.

Mich's POV

They said, happy endings do exist. Pure bullsh*t. Walang happy ending sa real world. Mas lalong walang forever! I hate him. I swear I hate him. Ano bang nagawa ko sa kanya at iniwan niya ako?! He left me.. without a reason. Ngayon alam ko kung ano naramdaman ni Marco nung iniwan siya ni Ginny. Masakit. Sobra.

*flashback*

Ang malas ng love life ko. Kung hindi ako lolokohin.. iiwan naman ako. Ha-Ha.

3 days ago. We were happy but then he left me. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung bakit niya ako iniwan pero ang alam ko, kasama niya si Cassandra. How'd I know? From Anne.

Why'd he leave with Cassandra? Why'd he leave me? I asked Gian, Patrick and Jake. Pero wala. They don't know daw. Kahit sila Anne, di nila alam.

Narealize niya ba na mahal niya si cass at hindi ako?

T*ngina. Kung mahal niya si Cass he could have atleast broke up with me! Hindi yung iiwan niya lang ako sa ere! Pakshet.

*tok tok tok*

"Mich. Please naman. Open the door. 3 days ka na namin di nakita." Ella. Tsk. Parang 3 days lang naman eh.

Tumayo ako at binuksan ko yung pinto. Gad agad naman nila ako niyakap. Kasama nila sila Patrick.

"You know what, Mich. Sometimes you just have to smile, pretend that nothing bad happened. Pretend that everything's okay. May mangyayari ba kung iiyak ka ng iiyak? Diba wala? Kaya stop na."

"Naks. Galing google ata yung sinabi mo kanina." sabi ni Roch. Binigyan naman ni Ella si Roch ng death glare.

"3 months, Mich. 3 months for goodness sake! 3 months kang nag mumukmok sa kwarto mo! 3 months kang di nakakain ng maayos! 3 months kang iyak ng iyak. 3 months kang di nakatulog ng maayos! 3 months kang di naka breath ng fresh air---"

"Ella, anong fresh air? Baka ibig sabihin mo polluted air.." bulong ni Roch kay Ella pero rinig ko.

"ANAK NG! Kita mong nag s-speech ako! Panira ka ng moment. Tsk."

"Sorry naman!"

"Hay nako po! Uulutin ko. 3 months ka ng hindi naka breath ng fresh air! 3 months ka ng hindi nakakain ng maayos---"

"Ella. Inulit mo lang yung sinabi mo kanina eh." sabi no Roch.

"Oh? Inulit ko ba? Sorry ah! Nawala kasi ako nung bigla ka na lang umepal sa pag s-speech ko!"

"Hoy Gian! Patahimikin mo yang girlfriend mo! Highblood na babes ko!" sabi ni Patrick

"Baby. Dun na lang tayo sa labas ah. Baka kung ano pa gawin ni Ella sayo." sabi ni Gian

"Aww. How sweet. Haha! Pero, teka nga. Ang OA mo namang magbigay ng speech Ella! Parang 1 week lang eh. Kung makapagsalita ka diyan parang 1 year na siyang nagmumukmok sa kwarto." Yumi

"Bakit ba ang hilig niyong manira ng moment?! Jusko po, kaibigan ko ba talaga kayo?! Dapat sinusuportahan niyo ako sa speech ko." Ella

"Eh kase naman eh. OA."

"Alam mo kung ano yung OA?! Yung fact na di mo pa sinasagot si Jake."

"Anong OA doon?!"

"Ewan ko! Naisingit ko lang. Sagutin mo na kase!"

"Hayaan niyo siya. Wag niyong mamadaliin. Handa naman akong maghintay eh." sabi ni Jake.

"Ayiiiiiiieeeeeeee~"

-___-

Pakshet na buhay to oh.

Bakit ganun? Bakit ang unfair?

Tumayo na ako. I can't take this anymore. I need some fresh air.

"Mich! Saan ka pupunta?" tanong ni Ella

"I need to breathe fresh air right? I'll be in the park."

I can't take it anymore. Masakit. I loved him. He loved me. He promised. I believed. And now? He left me. Sabi niya.. Hinding-hindi niya ako iiwan. Nangako siya... He promised. How could have I forgotten na 'Promises are meant to be broken.' Sabi niya din na forever kami. Ha-Ha. I forgot. Walang forever. Hinding-hindi mangyayari yun. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Naniwala ako sa kanya.

Sa sobrang pag-iisip ko. Di ko namalayan na naandito na ako sa park kung saan naganap ang huling date namin.

Tumingin ako sa langit. "Looks like it's going to rain." Naalala ko tuloy yung huling date namin. Ang saya saya namin. It was the best date ever.

Everything was perfect.

Bigla na lang umulan kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Gosh. The prefect day for rain. Saktong-sakto.

"Mich."

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.. "Josh."

I had this sudden urge to hug him. Maybe because I need someone to hug right now. I need someone to comfort me.

I hugged him and he hugged me back. Mas lalong lumakas yung pag-iyak ko.

"Shhh.. Tahan na."

"Ang sakit, Josh." sabi ko.

"Please. Please don't cry. Ayokong nakikitang kang umiiyak.."

Wala akong nagawa kundi umiyak lang. "Ang gago niya para iwan ka."

Pag ako nakita ko ulit si Kyle. Lalapitan ko siya at sisigawan ng. "I deserved an explanation! I deserved an acceptable reason!" No joke. Gagawin ko talaga yan.

"Hay. Let me have half of your broken heart. And I 'll attach it to half of my broken heart too. And we'll make a big new heart, that consists of only You and I." sabi ni Josh. Natawa naman daw ako. Haha.

"Saan mo nakuha yan? Google?"

"Hindi. Sa Twitter." sabi niya. Hahaha.

"Ayun oh. Tumawa ka narin. Wag ka ng umiyak." sabi niya

I nodded and wiped my tears.

Siguro kung di mo lang ako niloko, Josh. for sure masaya tayo. For sure di ko rin nakilala si Kyle.

Mas okay pa sana yun.

°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°□°

Finally natapos narin ang GvsB. Nagkatuluyan ang RoAn, ElRick at JaMi. MiKy lang ang hindi. Sorry sa mga MiKy Shippers diyan. Haha.

Anyway, if you have any questions just comment it below and I'll answer them! Love Love! <3

-EM

Girls vs. BoysKde žijí příběhy. Začni objevovat