47

472 8 0
                                    

Day2 – Zayn

Linggo ngayon at nagsimba kami ni Nerdy Girl. Hindi ako masyadong nakikinig sa misa kasi nakaheadset ako at pinapakinggan ko 'yung narecord kong speech niya sa tabing-dagat. Inutusan niya ako na tanggalin ko raw 'yung headset ko at sinunod ko naman siya.

Pagkadating namin sa bahay, siya ulit ang nagluto ng ulam namin. Hindi ulit kami sabay kumain. Sayang at hindi niya nakikita 'yung facial expression ko kapag kumakain. Pero mas mabuti na rin kaysa naman ano pa ang isipin niya.

"Oy magtoothbrush ka na." Ani Nerdy Girl.

"Bakit? Kikiss mo ba ako? Mabango naman hininga ko eh." Natatawa ko namang sagot sa kaniya.

"Kapal mo ah. Kakadiri ka. Sige na. Magtoothbrush ka na. Kung hindi, isusumbong kita sa Mama mo." Nakakatuwa talaga siyang mainis. Nakakainis. Kinikilig ba ako o ano?

Tinatamad pa naman kasi talaga akong magtoothbrush kasi ayaw kong bumangon. Pero dahil siya ang nagsabi at sinabi niyang isusumbong niya ako kay Mama, sumunod na rin ako, kaysa nga naman mabulok ang ngipin ko. Baka hindi niya ako ikiss. Wait, what?

"Hoy Zander. Masamang matulog ng may headset sa tenga. Masisira pandinig mo niyan eh." Ngumiti lang ako. Pinapakinggan ko kasi ulit yung record.

Pumasok na siya sa kwarto niya since magkahiwalay naman kami ng kwarto. 'Yun 'yung hiling niya sa Mama ko. 'Eto namang si Mama, pumayag. Tss. Bukas ko na lang gagawan ng paraan.

"Oy Nerdy Girl. Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kaniya.

Kakausapin ko sana siya kaso mukhang tulog na siya. Umupo lang ako sa tabi niya.

"Sorry sa lahat ha? Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung palagi kitang inaapi. Wala eh. Ang nerd mo kasi." Huminga ako ng malalim. "Gusto ko matuto kang lumaban, para kapag wala ako sa tabi mo, makakaya mo ng ipagtanggol ang sarili mo."

Pagkatapos ko sa speech ko, bumalik na ako kaagad sa kwarto ko at pinakinggan ko ulit 'yung record para makatulog ako ng mahimbing.

My second day as her husband is..worth it.

The Jerk and the NerdWhere stories live. Discover now