Kalilimutan Nalang

30 0 0
                                    

Kalimutan ka
Hindi pa naipagtatapat nararamdaman ko
Kailangan ba  na makalimot na ako?
Sa nararamdaman kong to
Nararamdaman ko para sayo
Kalilimutan na ba itong paghanga ko?
O itutuloy hanggang mahulog sayo
Mahulog sa matatamis na ngiti mo
Mahulog sa bawat kwento mo

Alam kong walang pag asa
Kaya hindi na ako makikipagsapalaran pa
Ihahagis na ang puting bandera
Sinyales na ako ay suko na
Hindi na sasabihing gusto kita
Kasi alam kong ako ay baliwala
Kaya ikaw ay kalilimutan na
Nararamdaman para sayo'y kalilimutan na
Kahit ang bigkasin sayo ay di pa nagagawa
Kalilimutan nalang mga araw na kasama ka
Hanggang dito nalang itong tula
Itong tula na kung wala ka ay hindi magagawa

Spoken Word Hugot I Mean PoetryWhere stories live. Discover now