Play With Me 4 - Wrong Chair

17 3 0
                                    

Naria (POV)

Wahhh! Ang creepy naman netong school bus namin ≧﹏≦ sobrang luma paano pa kaya to gumagana wala bang budget para bumili ng bago ang school o kaya kahit manlang pinturahan ng bago saka renovate man lang hindi ba nila naisip yun

"Miss sumakay na kayo madami pa tayong susunduin" sabi ng driver ng school bus namin parang ayaw ko na ngang sumakay eh huhuhu bakit kasi bawal mag dala ng sariling sasakyan sa school na yun

"Sige po!" Naglalakad na ako papasok ng school bus ng maramdaman kong hindi sumusunod si Patri

"Patri!! Ano ba alika na!" Nagulat naman siya sa pag sigaw ko, anyare parang nakakita siya ng multo sa gandang tow!

"Ahh sige" pumasok na ako pagka sabi niya nun

Patricia (POV)

Nagulat ako nung tawagin ako ni Naria sa lakas ba naman ng boses niya sino hindi magugulat ngunit mas ikinagulat ko wala na yung estudyanteng babaeng nakayuko banda sa likuran ng bus

"Hey! ano bang tinitingin tingin mo jan! Alika na!" Nakadungaw siya sa bintana kung saan nakaupo yung babae kanina don't tell me aughh! Never mind kakausapin ko nalang si kuya mamaya haist! Creepy! Palipat lipat pa kasi ng school kainis naman!

Tahimik ang lahat sa byahe pwera nalang sa anim na magkakaibigan sobrang ingay nila

"Akalain mo yun may bago nanaman tayong biktima" parang mapang asar na sabi nung isang babae maganda siya kaso mukhang pangit ang ugali. Pero anong ibig sabihin niya?

"Yah!!!Exciting!!" Sigaw naman nung maarteng lalaki bakla yata I don't care

"Mukhang may aagaw na sa kagandahan mo teh" sabi naman nang isang babae na mukhang adik

"Don't she dare" masamang tingin niya sakin yung babaeng masamang ugali hindi ko alam pangalan nila eh umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya

"Sis tingnan mo mukhang tulala si papey mo sa kaniya" nagsalita naman yung isa pa nilang kasamahan na babae na mukhang isip bata plus maarte sinamaan naman siya ng tingin nito

tumingin ako sa boy na sinasabi niya kumindat siya sakin eww!! Kahit gwapo ka, cute ka waley epek kindat nayan kadiri! Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at binaling ang paningin sa kalsada

"Ang ganda niya" rinig kong sabi nung lalake nayun hindi ko nalang pinansin, ang ganda ng simoy ng hangin hmmm medyo mabundok bundok kasi sa amin pero this is the most expensive village na meron sa buong pilipinas. Ewan ko ba sa school na nilipatan namin kay mahal mahal luma naman ang school bus kung pwede lang mag dala ng sariling kotse sa school nayun. Hinding hindi ako sasakay dito malamang si kuya naglakad lang yun kaya maagang pumasok ewan ko ba dun duwag parin hanggang ngayon

Kung nagtataka kayo ba't hindi ko kausap si Naria ito tulog sa balikat ko mahihiluhin kasi siya sa bus kaya dead battery..

.
.
.
.
.
.

After ng kalahating oras na pag babyahe nakarating narin kami sa school natagalan kasi madaming dinaanan na student, as expected maganda ang school magara, school bus lang talaga ang panira

"Pat ang astig! Nawala ang inis ko sa school bus" manghang mangha na sabi ni Naria. As always same utak kami

"Yah same here" I replied to her

Habang pinagmamasdan namin ang kabuuan ng school may iniabot ang isang babae na mukhang nasa 20's. Isang coat na may pin kung saan naka lagay ang name namin. Masasabi kong sobrang ganda ng pagka pula niya at ang gaan sa mata. Napangiti nalang ako. Mukhang maeenjoy namin ang school nato.

I Want To Play Wanna Play With Me (On - Going)Where stories live. Discover now