"I HATE YOU!" inis kong sigaw at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya pero napahinto ako sa paglalakad ng may sinigaw siya na mas lalong ikina-kulo ng dugo ko.

"FLAT CHESTED!" sigaw niya kasabay ng malakas niyang pagtawa.

"GO TO HELL ASSHOLE!"

Damn you Luke Evans, die now...

-

Avery's POV

"U-umalis kana kaya sa likod ko dahil kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao." bulong ko dahil mas lalong dumadami ang estudyanteng nakatingin sa aming dalawa ni Xander.

"I don't care." aniya at mas lalong yumakap sa likod ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na kami sa Ladies Room. Akmang papasok na ako ng pigilan ako ni Xander.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Hindi ba sumasakit ang puson mo?" muli niyang tanong habang nakakunot ang noo niya.

Napaawang ang labi ko dahil sa pag-aalalang nakikita ko sa mukha niya. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Okay lang ako." tipid kong sagot at tuluyan ng isinarado ang pinto at sinandal ang likod ko sa pinto.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Para akong tumatakbo sa karera dahil sa lakas ng kabog nito.

Nasapo ko ang mukha ko ng makitang walang lamang napkin ang machine. Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng bumili ako sa labas ng pad habang may tagos parin ako.

"X-xander." tawag ko sa kanya at nilapat ang tenga ko sa pinto para marinig kung nandyan pa siya.

"Hmm?"

Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto na nasa labas parin siya ng ladies room.

"P-pwede mo ba akong ibili ng ano." nahihiya kong sabi kahit na hindi niya makikita ang mukha ko dahil nasa loob parin ako ng CR.

"Napkin? Sure!" aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Seryoso ka? Ibibili mo ako? Hindi ba nakakahiya yun dahil lalaki ka? Okay lang naman kung huwag mo akong ibili. Tawagan mo nalang si Kaye para siya na ang bumili." nahihiya kong sabi dahim hindi ko ma-imagine na si Xander ang bibili ng napkin ko.

"I can do it for you, I don't give a damn Hezekiah. Just wait for me." rinig kong sabi niya ng marinig ko ang yabag niya palayo.

"Xander!" tawag ko sa kanya pero wala na siya.

Bibili talaga siya ng napkin para lang sakin? Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Pero hindi na magbabago ang isip ko. I'm sorry Xander dahil kahit ikaw ang laman ng puso't isip ko. Hindi na mababago ang desisyon ko at 'yon ang kalimutan ka.

Makalipas ng 10 minuto narinig kong kumatok siya kaya kaagad kong binuksan ang pintuan. Nabigla ako ng bigla siyang pumasok sa loob ng ladies room at mabilis na sinara ang pintuan.

"B-bakit ka pumasok?" gulat kong tanong sa kanya habang namimilog ang mata ko.

Hindi niya ako sinagot sa halip inabot niya sa akin anv itim na bag. Kumunot ang noo ko dahil pad lang naman ang binili niya bakit ganito kabigat ang kalaki ang lalagyan.

Bubuksan ko na sana ang zipper ng bag ng mapansin na nakatigin siya sa akin na kasalukuyang nakasandal sa dingding at nakalagay sa loob ng bulsa niya ang dalawa niyang kamay.

"I told you I can do it."

"...dahil lahat ng iutos mo sa akin kaya kong gawin." dugtong niya habang seryoso ang tingin niya sa akin.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora