Chapter 24. Jacket Mayhem!

27.1K 312 14
                                    

Friday
Dimaculangan Residents
8:15 pm

Para akong tanga na naka alumbaba sa dining table namin. Yung jacket ni Sef na pinahiram niya saken nun nasa Tagaytay kami ee nasa akin pa rin hanggang ngayon at siyang nakahain dito sa lamesa. Kanina ko pa nga ito tinititigan. Hindi ko na kasi naiintindihan ee… hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari… tapos yung mga sinabi pa sakin kahapon ni Ms. Elena. Ano kayang ibig niyang sabihin nuh?

Hindi ba niya alam, na kahit kailan hinding-hindi kami pwedeng magkasundo nung si Miguel Josef Uy Monteverde?? Wala akong panahon para sakanya. Take care of him daw… sus, bakit muka ba kong nagaalaga ng mga puslit na bata?? Accountant ako nuh, hindi special education ang tine-take up ko!!

Para kaming Yin at Yang nun si Sef. Kung baga sa magnet North Pole at South Pole. Negative at Positive. We’re totally two different people na kahit ano pang sabihin ng mga propeta sa langit ee hinding-hindi talaga kami pwedeng maging friends!!

hate that guy sooo much!! Seryoso!! At ngayon ko lang ito naranasan… possible palang kamuhian mo ang isang tao in a major major way!!!

A minute or so, tumabi sa kanan ko si Eddy at sa kaliwa ko naman ay si Em-Em. Para kaming statwang tatlo. Nag-alumbaba din silang dalawa at tatlo na din kaming naka titig dun sa Jacket ni Sef.

“Si Miguel nuh?” tanong ni Em-Em. I didn’t answer. Nakatitig pa din ako dun sa jacket. Tumatak na talaga sakanilang lahat yung pangalan na Miguel.

“Si Miguel nga!” sagot naman ni Eddy.

“Tinamaan ba?”

“Pwedeh. Pero matagal ng may TAMA yan.”

I made a face. Sira talaga tong mga kapatid ko oh! I frowned at them both. “Asus, tumigil nga kayong dalawa!” 

Biglang nagtinginan silang dalawa at pareho nilang nilapit ang mga muka nila saken, my face was sandwiched between them.

“Rah-rah-ah-ah-ah!” Kanta ni Em-Em sa tenga ko, with matching facial expression pa siya oh. Nakuu, saming magkakapatid siya talaga ang may magandang boses.

“Roma-Roma-ma-ah!” Tuloy naman ni Eddy sa kanang tenga ko. So tama bang mag-duet??

“Ga-ga-ooh-la-la!” sabay nilang kinanta.

“Want your bad romance!”

GAAAH!!! Bigla akong tumayo, slamming my hands on the table. At kumaripas sa pagtakbo yung dalawa but in doing so, hinablot ni Eddy yung jacket.

“MA!! MAY BAGO KA DAW BASAHAN OH!!” Sabi ko sa inyo mga kapatid ko yan ee, diba? Yun din yung naisip ko dati? Ang gawing basahan ang jacket ni Sef? Muka naman talga kasing basahan ee.

I chased after them. “ED!!” I screamed. Tawa ng tawa yung dalawa habang nakikipag habulan ako sa kanila. Nagmistulang playground ang buong tahanan namin.

“Oh, ano ba yang pinag-gagagawa niyo? Mga batang ito…”
 Si papa kararating lang galing sa talyer.

“PA!!” I whined, after mag-mano. “Yung jacket ko oh!!” Para kong batang aping-api at parang hindi ako yung ATE.

“KO?” inulit ni Em-Em. “Hahaha. Naku papa, meron ka ng manugang!!”

“TALAGA?” Sabay pasok naman ni Mama mula sa kusina. “MAY BOYPREN KA NA ELEONOR?” Yung boses ni mama talagang excited ee kala mo buntis ako.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon