Chapter 20. Burger Trouble!

28.1K 376 36
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights

---------------------------------------
Chapter 20. Burger Trouble 
---------------------------------------

Tuesday
3:15pm
Matute Field

Alam niyo yung parang batang binigyan ng pasalubong? Haha. Ako yun. Dali-dali kong tinakbo sila Borge na pumunta sa may bleachers. Mas masarap daw kasing kumain dun. I excitedly sat down ng inabot na sakin ni Jill yung libre nilang Bulgogi sakin. Alam niyo ba yung bulgogi ng Burger King?? NAKUU, i-try niyo ang burger na ito!! PRAMIS!! MAKAKALIMUTAN NIYO PANGALAN NIYO SA SOBRANG SARAAP!! Hahaha. HEAVEN!! Only 99 pesos!! Oh diba??

Sa baba ng bleachers umupo sila Borge, Sara at Darren. Sa taas ko naman, sila Japo, Jill at Meg. Talagang sinolo ko yung upuan na namamagitan sa kanila. Kung sila nasasarapan kumain dito sa may bleachers, as for me, mas masarap kumain ng walang istorbo!! But then… hindi ko na nga napansin na kasama pala nila si Sef na agad naman umupo sa kaliwa ko. Di naman masyadong halatang muka akong libre ano? Tsk. Ee sino ba naman kasi sa panahon ngayon ang aayaw pa sa grasyang kagaya nito? Sabi ko sa inyo ee, hindi masamang magtampuhan sa barkadahan!! Haha. Kita niyo na, nakalibre pa ko ng masarap na merienda!! :yahoo:

I excitedly opened the wrap of the bulgogi at nilanghap muna ang amoy nito… hmmm… I was smiling despite of myself… sarap talaga… And like what I always do before eating a burger, binuksan ko muna ito, removing the sandwich on top.

I didn’t realize that Sef was watching me intently, “Anong ginagawa mo?” He then asked when I left the burger open and took a handful of French fries.

“Kumakain, duh!!” I said irritably. Napaka obvious naman ng sagot ee, tinatanong pa niya!! How stupid can he get? Sef continued watching with apparent curiosity as I started placing French fries sa gitna nung burger ko!! Hehe. Yep, this is what I always do before I eat any burger. Ritwal na nga ata toh ee. Ginagawa niyo rin ba toh? Haha. Nakuu try doing this lalo na sa bulgogi ng Burger King!! Haha. Teka kanina pa ko advertise ng advertise ng Burger King aa? Babayaran ba nila talent fee ko dito?

Finally contented sa dami ng fries na nilagay ko, I started to pour ketchup all over it. And when it was all done, sinara ko na ulit ito, licking my fingers clean.

“Ano nanaman bang pauso yan!!” Sef blurted out.

“Huh!” I scoffed, “INGGIT KA LANG!!” :D

After closing the burger, I started wrapping it up again… haha… Sorry, masyado bang maraming ritwal? Well, this is just how I eat… last ko kasing kinakain ang bulgogi ee… I went back with the fries chaka yung ice cream na dinagdag nila Borge. Syempre baka matunaw na yun nuh!!

Ang sarap na ng kain ko nung fries ko, I even deep it in sa ice cream!! Hmmm… YUMMY!!! Ng bigla ba namang pumuslit si Sef ng fries saken!! I glared at him. Ang kay Ellie, kay Ellie!! Kainis talaga toh!! But he was smirking, obvious na nangaasar.

Ahh. Madamot na kung madamot!! Inabangan ko ulit siya when he reached for another round of MY fries… nilayo ko nga sakanya… bibiktimahin pa niya yung mga kawawang French fries!! AKIN TOH!! AKIN!!

Sef frowned back at me! “Ellie, wag ka ngang madamot!” Pilit pa din niyang inaabot yung fries saken, talagang ayaw niyang tantanan!! And it looked as if he were hugging me habang patuloy siya sa pag-abot nito.

“SEF! Bumili ka nga kasi ng sayooo!!” 
I shouted, saving the fries out from his reach. Lumapit siya saken, and I swear… Naamoy ko kaagad ang napaka bangong perfume ni Sef!! Dios ko…Aaminin ko, mas masarap pa nga ata siyang kainin kesa sa mga fries na toh ee!! Hahaha. Naku tignan niyo, kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko. Gutom lang toh!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon