T.E.G 7 [Blackmail]

154 8 2
                                    







Nakauwi na si Baekhee sa kanilang bahay at agad niyang narinig ang boses ng dalawa niyang kaibigan at ang mga halakhak ng bunso niyang kapatid.


Akala ko ba si Kyung lang ang nandito?



Kunot-noong tanong niya sa sarili. Pagkapasok niya sa kanilang bahay ay bumugad sa kanya ang mga una at comforters na nakakalat sa salas.


"Vana, bakit ang kalat? "- tanong niya sa bunsong kapatid na ngayon ay tinatalian ni Lulu.


"Ah! Makiki-sleepover lang kami Baek. Pumayag naman si Kuya Myung so ito. "- sagot ni Lulu. Tumango nalang si Baekhee at pumanik sa kwarto niya para maglinis ng katawan.


Habang nasa taas si Baek ay nilabas muli ni Kyungie ang cellphone niya at pinakita ulit ang mga pictures nila Chanyeol at Baekhee sa garden. Tuwang-tuwa si Vana sa mga pictures ng ate niya.


"Kumain na kayo? "- tanong ni Baekhee mula sa hagdan. Tanging tango galing kay Lulu at Kyung ang natanggap niya kaya dumiretso na siya sa kusina para kumain.


"BAEK~ Dala ka ng juice pagtapos mong kumain! "- utos ni Kyung.


"Neknek niyo! Ang lapit-lapit lang nitong kusina dyan sa salas eh, kayo pumunta dito! "- sigaw din ni Baekhee.


Bad table manners Baek. Sabi niya sa sarili.


"Please Baek~ "- may panlolokong sabi ni Kyungie. Hindi na siya pinakinggan ng kaibigan na tuloy tuloy lang sa pagkain.


"Sige na Baek~ Unless gusto mong kumalat 'tong pictures niyo ni Chanyeol sa garden~ Yoohoo~ "- pangangasar pa lalo ni Kyung.


••
BAEKHEE's POV


Nagulat ako sa sinabi ni Kyung kaya napatakbo agad ako sa kanila. Nakita ko siyang winawagayway ang cellphone niya at nakadisplay doon ang picture namin ni Chanyeol habang natutulog.


Nanlaki ang mata ko at sinubukang hablotin ang phone niya.


"Yah! Give it to me! "


"Bakit ishe-SHAREit mo? Hahahaha. "- pangangasar ni Lu. Tinitigan ko sya ng masama at inirapan.


"NO WAY! IDE-DELETE KO YAN! KYUNGIE NAMAN EHHH~ "- sabi ko at sumalampak sa comforter.


[ONHOLD] This Eyeliner Girl [ Tagalog ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora