Chapter 12

4 0 0
                                    

Kinaumagahan.

Naalala ko nanaman ang aking napanaginipan. Natahimik lamang ako at bumangon na mula sa aking pagkakahiga. Ginising ko na ang aking kapatid upang makapaghanda na siya para sa kaniyang review mamaya. Lagi kasi siyang nalelate dahil mabagal siya kumilos.

"Kysha, gising ka na" gising ko sa aking nakababatang kapatid.

"Anyanaman!" Reklamo niya.

"Magising ka na at maghanda, lagi ka nalang nalelate sa pagrereview mo." Utos ko muli sakanya.

"Ang aga pa, gisingin mo nalang ako mamaya saglit." Reklamo niya ulit.

"Bahala ka na nga diyan." Sabi ko sabay talikod sakanya. Lumabas na ako ng kwarto para tulungan muna si mama na maghanda ng aming makakain na pangumagahan.

Late na din kasi nagising ang aking nanah dahil kahapon ay sobra siyang napagos dahil iniligpit niya ang aming mga kalat, at nilinis at inayos niya ang aming magulo na salas,kwarto,kusina,at c.r.

Kahapon na lamang kasi siya nagkaroon ng oras para ayusin ang aming bahay. Si papa naman ay natutulog parin hanggang ngayon. Late talaga siya nagigising lalo na kapag hindi siya gisingin ni mama.

Parehas sila ng ading ko na late lagi nagigising. Ang pinagkaiba lang nila ay si Papa , mabilis kumilos samantalang si Kysha naman ay mabagal.

Well, pasingit lang yun...

Naihanda ko na ang aming hapagkainan pero hindi pa kasi luto ang aming ulam kaya naligo na muna ako.

----------------------------
Pagkatapos kong maligo ay ginising ko na muna ang aking papa para kumain na sila.

Kumain na din ako at naghanda ng aking mga gamit. Habang hinihintay ko si Kysha na matapos maghanda ay ginamit ko muna ang aking cellphone.

Jasmine sent you a message.
L------ sent you a message.
Jerome sent you a message.

Yan agad ang bungad ng buksan ko ang cellphone ko.

Tinignan ko naman kung ano ang kanilang mga minessage.

Inuna ko muna yung message na galing kay L------.

L-----: Hello
Kaye:Hi

Well, wala naman na ibang sasabihin e kaya yan nalang. Isinunod ko naman ung kay Jasmine.

Jas: Ka! Oras tayo kita school ulit?
Kaye: 10:00 ulit.

Gagala nanamn kami kung saan saan e kaya nagtanong ulit siya. At inihuli ko naman itong kay Jerome.

Jerome: 👍

Magsend lang naman siya ng like e kaya sineen ko nalang. Magmemessage na nga wala pang silbi. Ano ba naman yan. Sinayang lang niya oras niya.

Nang matapos na maghanda si Kysha ay umalis na kami. Nagpaalam na kmi sa aming mga magulang at sumakas na ng tricycle.

Byumahe na kami. Nagpababa na lamang kami sa may gilid ng kanyang pagtututoran. Nagpaalam na ako sakanya at saka dumeretsyo na sa glid ng simbahan kung saan kami magkikita ni Jasmine.

Para ngang kahapon late ulit siya. Pero ngayon mas maaga siya ng konti. Bumaba na nga siya ng tricycle at tumakbo muli palapit saakin.

"Ka, san ulit tayo hahha" sabi niya agad saakin.

"Haha, tara dun sa tabi ng pwesto nila Yam. Yung may mga nagtitinda ng shades at kung ano anong accessories." Aya ko kaagad sakanya. Nadaanan ko kasi iyon kahapon ng pauwi na ako.

"O sige. Tara na. Lakad ulit tayo?" Ani niya.

"Ikaw bahala, gusto mo na?" Tanong ko naman.

"Lakad nalang haha. Tara na"

Kaya nagsimula na kami maglakad hanggang sa makarating na kami doon.

Well, too girly ang mga binebenta nila doon. May mga flower crowns, ung mga pusa pusa na headband at etc. E, hindi pa naman kami ganun ka mature ni Jasmine noon kaya bumili bili naman kami ng kung anong makita namin diyan.

Pagkatapos noon ay naglakad na kaming pabalik sa gilid ng simbahan. Nag selfie selfie kami doon haha. After noon ay sinundo na namin si Kysha sa kanyang tutor. Inihatid na namin siya sa bahay at saka dumeretsyo sa aming pagprapractican.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pansamantalang KiligWhere stories live. Discover now