Chapter 6

14 1 0
                                    

"Jas, saan tayo magkikita kita?" Chat ko kay Jasmine habang nagsusuklay.

"Sa school nalang Ka, chat ko lang si Princess." Sagot naman niya.


"Sige hintayin ko nalang kayo doon... 1:00 pm daw kasi magsisimula dance lesson natin e." Reply ko naman sakanya.



"Sige hintayin mo nalang kami ni Princess sa school... sabay nalang kaming pupunta." Reply din niya saakin.




Hinanda ko na mga gamit ko para sa aming dance lesson. Kumuha ako ng extrang damit pagpalitan ko at ng dalawng tubig para pag uhawin ako ay mayroon kaagad akong iinumin.




Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam na sa aking mga magulang. Tumawag na ako ng tricycle para isakay ako papuntang school. Habang nasatricycle ako ay nagchat itong si Cassie.



"Mommy, kasali ka po ba sa dance lesson?" Anak anakan ko kasi si Cassie kaya mommy tawag niya saakin.



"Oo nak, papunta na ako." Sagot ko sakanya.




"Andito na ako mommy, hintayin nalang po kita." Reply naman niya.





Oo, ex ni Cassie si Jerome. Pero hindi naman maglalayo ang loob namin dahil lang doon sa nangyari.




Hindi muna dapat malaman ni Cassie na naging kami ni Je. Malay ko ba na baka hindi pa siya naka move-on diba? Kaya hindi ko muna sasabihin sakanya.




Pagkadating ko ng school ay umupo muna ako sa may mga benches sa gilid. Doon ko hinintay si Jasmine at si Princess, Cess for short.



Habang hinihintay ko sila ay tumawag itong si Jas.



"Ka, hindi daw muna makakapunta si Cess ngayon.. pwede daw bang bukas nalang?" Tanong niya.




"Sige, basta punta ka dito sa school, andito na kasi ako." Sagot ko naman.




"Sige papunta na ako, bye." Sabay patay sa cellphone.





Pagkatapos ng labinglimang minuto ay saka palang dumating si Jas.




"Sorry Ka, late ako... hinintay ko pa kasi saglit kuya ko.. wala kasing magbabantay sa bahay."



"Sige ayos lang, tara na?" Aya ko naman.



"Sige tara na." Sagot naman niya.




Nagtawag na muli kami ng tricicycle at dumeretsyo na sa aming pupuntahan.

(Loob ng tricycle)
"Kasali din pala si Cassie." Ani ko kay Jasmine.



"O maganda yun para sama sama tayong tatlo, maliban nalang pag may mga iba pa siyang kasama." Wika niya naman.




"Oo nga e, si Cess naman kasi bukas pa pupunta. Bakit nga daw ba?" Tanong ko.


"Masakit daw kasi ulo niya, hindi siya makabangon kaya bukas nalang daw siya pupunta." Sagot niya naman.



"Ayyy haha ganon ba, sige garod." Wika ko naman.



Pagkadating namin kung saan kami mag dadance lesson ay agad kaming tumakbo dahil late na kami.



Buti nalang at first day palang kaya hindi kami masyadong pinagalitan.


"Girls why are you late?" Tanong ni Ma'am Aplha.


"Ma'am akala po kasi namin 1:30 pm simula." Palusot namin ni Jasmine.


"Okay , dapat bukas exact time na kayo hah?walang malalate!" Sabi niya.



Nagsimula na kaming turuan ng sayaw. Nasa likod kami ni Jas dahil late kami.

"Ano ba naman tong sayaw natin." Wika ni Jasmine.


"Hahaha ang common." Sagot ko naman.



"Hahaha para sa'yo ah." Tumatawang sabi ni Jasmine.


Habang sumasayaw ay naguusap kami ni Jasmine sa likod habang nagtatawanan. Buti nalang at hindi kami nahahalata na naguusap.

-----------

Nang matapos na ang itinrong sayaw saamin ay pinag merienda muna kami ng mga labinlimang minuto.


Habang nagmemeryenda ay lumapit saamin si Cassie para makipagkwentuhan.

"Buti nalang dumating kayo." Wika niya kaagad saamin.


"Hahaha!" Sagot namin ni Jasmine.


"Wala kasi akong ka-close dito. Kayo lang." Dagdag niya.


Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na kaming magkwentuhan at kasabay nun ay nagmemeryenda din kami.

"O kamusta ka na ay?" Tanong ko naman kay Cassie.



"Eto maganda parin. Kayo ay?" Sagot at tanong niya.



"Eto sexy parin naman." Natatawa naman naming sagot.


Nagkwentuhan,kumain at nagtawanan lang ang ginawa namin buong break time.

Pagkatapos ng 15 mins. Ay nagtawag na nang practice si Ma'am Alpha.



"Practice nanaman oy, lina kayo." Wika naman ni Jas saamin.

Pumunta na kami at nagsimula na ding magpractice. Pagkatapos ng tatlong oras ay natapos na din kami.


"Hayy, salamat tapos na din." Ani naman nitong si Jasmine.


"Hahha oo nga." Sagot ko naman.



"Sige, bye mommy at ate Jas, mauna na ako." Pagpapaalam naman ni Cassie.

Inayos na din namin ang aming mga gamit para makauwi na din kami ni Jasmine.


Nang maayos na namin ay nagpaalam na kami sa aming guro ay umalis na agad kami.









Pansamantalang KiligWhere stories live. Discover now