Chapter 8

6 1 0
                                    

"Kaye bangon na! 10:00 na ng umaga! Nakahiga ka parin diyan!" Gising ng mama ko saakin.

Agad naman akong bumangon at niligpit ang aking higaan. Tiniklop ko ang aking kumot at lumabas na ng kwarto.

"Maligo ka na at ihatid mo na itong si Ading mo." Bilin saakin ng aking nanay.

Pumunta ba akong labas para kunin ang twalya atsaka pumasok na sa C.R.

______________________

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na.ako at agad kinuha ang aking cellphone.


Chinat ko kaagad si Jasmine.


"Jas, may gagawin ka ba ngayong umaga?"



"Wala naman, ang boring nga e. Bakit?" Tanong niya.



"Tara labas tayo. Ihahatid ko kasi Kysha sa tutor niya ngayon e wala naman akong mapuntahan after nun. 2:00 pa naman Dance lesson natin." Chat ko sabay upo sa aming hapagkainan at kumain.



Habang kami ay kumakain nagmumuryot itong ading ko na si Kysha.



"O, bakit nanaman?" Tanong ko habang naglalagay ng kanin.



"Nakakatamad magtutor ate, bakasyon na nga e." Sagot naman niya habang kinukuha ang ulam.


"O ayos lang yan para sa pasokan mas magaling ka na." Sabi ko sabay kuha na ng ulam.


Pinapatutor si Kysha ngayong summer dahil mababa na ang performance niya sa klase niya.

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko na ang bag ko atska inilagay muna sa aming salas.

Nagtoothbrush na ako para makaalis na kami.


"Kaye, san ka muna magsstay habang hinihintay mong matapos yang ading mo?" Tanong ng aking mama.



"Tinawag ko po muna si Jasmine ma, ikot ikot muna kami kung saan saan." Sagot ko naman.



"O sige, basta wag niyong kalimutang sunduin yang ading mo hah?" Sabi niya sabay abot ng baon at pamasahe saakin.


"Opo ma."sagot ko naman sabay halik sa kanyang pisngi.



Nagpaalam na din kami kay papa. Dahil kanina ay nasa C.R siya.




Pagkalabas namin ng bahay ay nagtawag na kami ng tricycle papunta sa tutor ni Kysha.


Nang makasakay na kami ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan kung mayroon ng chat si Jasmine saakin.


"Sige, hintayin mo ko sa harap ng simbahan sa school." Reply niya saakin kanina.


Ng mahatid ko na si Kysha sa kanyang tutor ay naglakad na ako papuntang simbahan dahil mahkatabi lamang ang pinagtututoran ng ading ko at ang school namin.




Umupo muna ako sa may mga benches doon upang hintayin si Jasmine.



"Jas, andito na ako sa side ng simbahan." Chat ko sakanya.



"O sige, nakasakay na ako ng tricycle." Reply naman niya.


Hinintay ko muna siya doon. Magisa ko sa benches kaya nakakaewan mag stay doon. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Jasmine.



"Kaye!" Sigaw niya habang patakbo na palapit saakin.


"Hiiii!" Sabi ko naman.


"O, san na tayo ngayon?ang boring kasi sa bahay ." Sabi niya sabat na nagyakapan kami.



"Oo nga e haha, tara muna kila Yam, sa pwesto nila." Sabi ko naman.




"Sige, tara lakad nalang tayo para hindi sayang pamasahe." Sabi niya sabay lakad.




Naglakad na nga kami papunta kila Yam. Habang kami'y naglalakad ay nagkwentuhan muna kami ng kung ano ano.



"Sayang naman si Chiko, hindi nanaman makakapunta." Inis na sabi ni Jas.


"Oo nga haha, loko." Sabi ko naman sabay lagay ng cellphone sa bag ko.



"Paasa naman un." Sabi niya sabat din tago muna ng cellphonr niya sa bag niya.



"Atleast mayroon naman si Cassie dun. May kakwentuhan pa tayo. Kaya hindi tayo maoop ulit." Sabi ko naman sakanya.



"Haha oo nga e, buti nalang. Pero bakit walang pumuntang mga barkada niya doon noh?" Tanong naman niya.



"Oo nga e, magisa niya." Sagot ko naman.



Nahkwentuhan pa kami ng marami hanggang nakadating na kami sa pwesto nila Yam.



"Yam!" Sigaw naming dalawa.



"O bakit?" Sabi niya sabay labas ng pwesto nila.




"Dito muna kami hahha. Kwentuhan muna tayo habang hinihintay naming matapos sa tutor ading ko. Mamaya pa kasing 2:00 dance lesson namin." Sabi ko naman kay Yam.



"O sige. Kuha lang muna ako upuan." Sabi naman niya.


Nagsimula na kaming magkwentuhan at nagtawanan. Kaso medyo mahina lang dahil may nga customers sila.





Pansamantalang KiligWhere stories live. Discover now