Chapter 7

6 1 0
                                    

Matalik kong kaibigan si Cassie. At ayaw kong masira iyon. Ayaw ko ding magkalayo ang loon namin sa isa't isa dahil lang kay Jerome.

Pero siya din naman ang dahilan kung bakit ginawa lang akong panakip butas ni Jerome e.

-----------------------

Nang makauwi na ako sa bahay ay nagchat si Cassie saakin.

"Mommy, agahan niyo po punta bukas para po may kasama kaagad ako doon."

"Sige anak, agahan naming pumunta ni Jas." Sagot ko.

"Thankyou po. Kwentuhan po ulit tayo bukas." Chat naman niya.

Well, sa oras na iyon... iniisip ko kung sasabihin ko ba sakanya ang nangyari o hindi. Nagaalala lang kasi ako baka masira ang relasyon namin bilang magkaibigan. At ayaw din muna ipaalam ni Jerome kay Cassie. Ayaw din naman niyang ipaalam kay Jesse dahil magkalapit din ang loob nila ni Cassie. Kaso mapapagkatiwalaan naman si Jesse e. Tunay ko siyang kaibigan kaya dapat sabihin ko din iyon sakanya.

Habang wala akong kachat o kaya kausap ay nanood muna ako sa telebisyon. Nag hanap ako ng mga magagandang panoorin ngunit ni isa wala manlang akong nagustuhan kaya pinatay ko na lamang ito.

Pagkatapos kong patayin ang telebisyon namin ay nagmerienda muna ako saglit at ako'y nagugutom na.

Habang kumakain ako ay nagchat itong si Ex... si L------

"Hello"

Magtaka naman ako. Pagkatapos ng ginawa niya saakin ay may gana siyang i-chat ako.

Wala din lang naman akong sasabihin sakanya e kaya sineen ko nalang siya.

Oo, aaminin ko.. that time meyrong konti paring pagmamahal ang natitira sakanya dito sa puso ko.

Btw, balak ko sanang ichat itong si Jerome kaso nung binuksan ko yung chat box namin ay nakita kong magtytyping .... Kaya hinayaan ko nalang muna... ang tagal na nakatyping siya... Pero nung pagkasubo ko ng kinakain ko nawala kaagad iyon.

Eto nanaman ako... umaasa na may sasabihin siya saakin.> _<

Hinayaan ko nalang muna iyon. Inubos ko muna yung kinakain ko atsaka nilinisan ang aking pinagkainan.

Humiga na ako sa aking kama , inilabas ko na ang aking kumot at inilapag sa katawan ko.

Wala din lang akong magawa sa mga oras na iyon kaya naisipan kong ichat nalamang si Yam o kaya si Darelle.

"Yam!"

"Bakit?" Tanong niya.


"Anong gagawin mo kapag binuksan mo ung chatboc niyo ng isang tao at nakikita mo siyang nagtytyping ng napakatagal... at ilang saglit lang ay nawala na bigla iyon?" Pabalik kong tanong.


"Tanongin mo kung may sasabihin ba siya ." Sagot naman niya.

"Nakakahiya naman yun." Pabebe ko bang rineplyan.

"Ayna, sino ba nanaman yan?" Tanomg niya muli.


"Si Je." Tipid kong reply.


"Ay ano ba,hayaan mo na un. Paasa." Sagot naman niya.


Well, totoo naman talagamg paasa siya. Sa ginawa pa nga lang niya saakin e, mapapatunayan ng paasa talaga siya.


Hinayaan ko nalang muli ang mga nangyari at pinilit na kaliimitan.

Bago ako natulog ay nagdasal na muna ako.

"Lord God, salamat po sa araw na ito. Salamat din po sa lahat ng biyayang natanggao ko araw-araw. Ama, nawa po makalimutan ko na ang mga nangyari saamin ni Jerome at nawa po tulungan po ninyo ako na wag damdamin ang tungkol saamin at ang paglalaibigan namin ni Cassie. Patawad din po sa mga kasalanan na aking nagawa sainyo. Ito lang po ang aking dalangin sa pangalan ni Jesus. Amen."

Iyan ang laman ng aking dasal na gabing iyon bago ako matulog.

Pagkatapos ko ngang magdasal ay humiga na ako muli at diretsyo na akong natulog at wala nang iniisip pang iba.

Pansamantalang KiligWhere stories live. Discover now