Prologue

39.4K 867 203
                                    

Papabasa ko lang po muna ang maikling Prologue.. kaya panigurado bitin po ito.. 

--

[P] Guess Who's Back


"Tignan mo, oh?" Anyaya ko kay Jhay sa isang Shop ng mga hayop.

Wala akong make-up o ka-ayos ayos ngayon. Sabi kasi sa'kin ni Jhay mas bagay sa akin ang walang kolorete sa mukha dahil maganda na ako in the first place, yie hihi. Bumabalik na naman kalandian ko! Pag pasensiyahan niyo na!

Naka cap lang ako ngayon, shirt at pantalon, ganun din naman siya.

"Aso?" Tanong niya sa'kin haang nakakunot ang noo "What breed naman ang gusto mo?"

Kuminang bigla ang mga mata ko ng tinanong niya sa akin yun.

"Yung Corgi!" sagot ko habang nakangiti, kumikinang ang mga mata at naka tingkayad sa kaniya. "Bakit? Bibilhan mo ba akooo?" Kinagat ko ang labi ko sa pagiging excited ko.

"Hindi. Tinanong lang kita." at nagpatuloy siya sa pagtitingin sa mga hayop.

Sumimangot ako bigla. Pinaasa ako eh
Hayop, bagay s'ya dito. Haha, joke lang.

Napalingon ako sa kanan ko kung saan nakakita ako ng isang malaking breed ng....

Gagamba.

Tarantula ata?

Sinilip ko si Jhay na hanggang ngayon ay tumitingin pa din sa mga iba't ibang uri ng mga hayop doon. Kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa shelf ng Tarantula. Tumingin muna ako sa paligid, tinignan ko kung meron nagbabantay, pero mukhang wala naman.

Matapos kong i-observed ang paligid, ay agad kong pinasol ang kamay ko sa loob ng shelf at dahan-dahang inilabas ang isang malaking gagamba.

Isang malaking evil smile naman ang bumalot sa aking pagmumukha.

Dahil 'to sa pagpapaasa niya sa akin! Nararapat lang 'to sa kaniya!!!

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, habang nakatalikod siya sa akin.

"Acee, would you mind--" Humirap siya bigla kaya naihagis ko yung tarantula sa pagmumukha niya.

Uh-oh... HAHAHAHA

"#%^&%#@#*$%!" " Hindi niya matanggal ang nakadikit sa kaniyang tarantula sa mukha niya. Nag tatalon siya doon, muntik niya pang matumba ang shelves ng mga hayop doon.

Alam niyo naman kung gaano siya katakot sa gagamba diba? Hahaha.

Hindi ko mapigilang hindi tumawa. Humalakhak ako sa pag tawa na parang wala ng bukas. "BAKIT KA KASI HUMARAP? HAHA!!!!"

Finally, after a minute naalis niya na din ang gagamba sa maganda niyang pagmumukha.

"MALAY KO BANG GAGAWIN MO YUN!?" Nag iba na naman ang awra niya. Hala, naku po. Lumapit siya sa akin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata ng biglang tumingin sa likuran ko...

"Hoy, kayong dalawa na naka cap!!!" Sigaw sa amin nang babaeng mukhang manager ng Shop na to. "OH MY..." sigaw niya, baka nakita niyang wala sa lagayan ang Tarantula at iba pang hayop. "Tatawag ako ng pulis!!!"

Binalik ni Jhay ang tingin niya sa akin at bumulong siya

"3..2..1.." after niyang mag countdown ay hinila niya ako palabas ng Shop.

"Bilisan mo namang tumakbo!!" sigaw niya sa akin habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko at tumatakbo ng mabilis.

"Eto na nga oh." Binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa makapantay ko na siya.

NNAN Season 2: Payback Time Where stories live. Discover now